Chapter 86 - Reunion

553 23 2
                                    

DAHYUN'S POV :

Umaga na nang magising ako . Magaan na ang pakiramdam ko ngayon . Napalingon ako sa tabi ko , Nakita kong natutulog si Mina sa tabi ko . Nahirapan pa siya nang dahil sakin .

Nagpapasalamat ako dahil inalagaan niya ko kahapon at kagabi . Napaka-maalaga pala ni Mina.

Dahan-dahan akong bumangon at inalalayan siya . Inayos ko ang higa niya sa kama ko . Inilagay ko ang kumot sa kanya.

Dahil kay Mina , Maayos na ang kalagayan ko ngayon . Palabas na sana ko ng kwarto nang mapatingin ako sa kanya .

Agad na kong lumapit sa kanya at pinagmasdan muna siyang natutulog . Bakit Niakakaramdam ako nang ganito para sayo , Mina ? Hindi ko ma-explain kung ano 'tong nararamdaman ko para sayo eh .

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sakin para gawin 'to . Hinalikan ko siya sa forehead niya at hinaplos ang pisnge niya .

"Maraming salamat" Bulong ko sa kanya .

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya hanggang sa mapatingin ako sa labi niya na parang inaakit ako. 

Ikikiss ko na sana siya sa lips kaso natigilan ako dahil naalala ko na hindi pwedeng mangyari 'to .

"I can't do this , Hindi tama 'to" Sambit ko . Akma na sana kong lalayo nang bigla niya kong hawakan sa pisnge ko . Naglapat ang mga labi namin . Hindi ko maexplain pero nagrespond ako sa halik niya .

Iminulat niya ang mata niya nang titigan ko siya . Ang bilis ng tibok ng puso ko . Bakit ganito ?! Nang matauhan , Agad na kong tumayo at lumayo sa kanya .

"Ba--Bakit mo ginawa 'yun ?" Tanong ko sa kanya.

"Ang Alin ?" Tanong niya sakin sabay bangon na.

"Yung ki---kiss" Sagot ko.

"Yun ba ? I don't know" Sagot niya sakin.

"Aish ! Salamat na lang sa pag-aalaga mo sakin . Lalabas muna ko ng kwarto" Sagot ko sa kanya .

Nagmadali na kong lumabas ng kwarto at agad na napasandal sa pader . Napahawak ako sa dibdib ko dahil mabilis talaga yung tibok ng puso ko . Bakit ganun ?!

Napahawak na lang ako sa labi ko . Bigla na lang akong napasmile . AY ! TEKA NGA LANG , NAKANGITI BA TALAGA KO NGAYON ?! LETCHE ! ANO BANG NANGYAYARI SAKIN ?!

Kalimutan mo na 'yun , Dahyun . Wala lang 'yun . Walang meaning 'yun ! Napahawak na lang ako sa ulo ko . Ay ! Mamayang gabi na nga pala yung dinner nila.  Mabuti naman at tumila na ang ulan . 

Maglilinis na nga ko para tutulong na lang ako sa pagaayos mamaya .

"Ako na diyan . Kagagaling mo lang sa sakit" Sabi ni Mina sakin .

"No , Ako na" Sagot ko sa kanya.

"Wag ka nang makulit" Sagot niya sakin .

"Ano bang ginagawa niyo diyan ?" Nagulat kami nang dumating na sila Sana at Momo.

"Simulan na nating magready para mamayang gabi" Sabi ni Momo samin.

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon