MOMO'S POV :"Ang kalat dito , Ano ba yan ?! Nagkalat ka na naman , Momo !" Sabi sakin ng penguin este ng pinsan kong si Mina .
"Ano bang pakialam mo ? Eh di linisin mo !" Sagot ko sabay irap . Nagpatuloy ako sa pagkain ko .
"I---Ikaw talaga !" Inis niyang sabi sakin sabay paltok ng pinagkainan ko sakin.
"Ano ba ?!" Inis kong tanong sa kanya.
"Ang iingay niyong dalawa , Shut Up ! Di niyo ba nakikitang nagpapahinga ko ?!" Seryosong saway samin ng ahas este ni Sana . Pinsan ko rin 'yan !
Yang dalawang buwisit sa buhay ko ? Pinsan ko pareho 'yan . Magkakasama kaming nakatira dito sa tinatawag na J-Trinity Mansion .
Pare-pareho kaming japanese na magpipinsan pero dito kami lumaki sa SoKor .
Naiinis talaga ako sa dalawang kasama ko na 'to . Bakit ? Wala lang ! Nag-iinit lang ang dugo ko sa kanila . Never ko namang nakasundo ang dalawang 'yan . Halos 3 months na nga kaming magkakasama dito pero never kaming nagkasundo .
Bakit ? Dahil nito lang namin nalaman na magpipinsan kami and we're not interested about each other . May sari-sariling mundo kami kasama ng mga parents namin at alam kong hindi kasundo ni Dad ang dalawang kapatid niyang lalaki kaya never akong nagka-chance na mapalapit sa mga pinsan kong 'to and then isang araw bigla na lang akong ipinadala ni Grandpa dito sa J-Trinity Mansion . Saka ko lang nakilala 'tong dalawang 'to at sinasabi kong ayoko sa ugali nila .
23 years old na ko ngayon . Pero , Di ko alam kung ilang taon na 'tong dalawa na 'to dahil hindi naman kami interesado sa isa't-isa katulad ng mga Dad namin na hindi interesado sa isa't-isa kahit na magkakapatid sila . Basta alam ko , Ako ang pinakamatanda saming tatlo tapos si Sana and then si Mina .
Hindi ko rin alam kung anong nangyari kung bakit magkakagalit ang mga Daddy naming tatlo . Basta , Bilin sakin ng Dad ko bago ko mapunta sa lugar na 'to ay huwag na huwag daw akong papalamang sa dalawang 'to . As if namang hayaan ko ang dalawang 'to na matalo ko sa mga bagay-bagay .
Nang batuhin ako ni Mina ng mga pinagkainan ko , Akma ko na sana siyang gagantihan nang biglang may dumating .
"Attention , Nandito ang chairman para kausapin kayong tatlo" Sambit ni Secretary Park Jihyo saming tatlo .
"Again ?!" Tanong naming tatlo.
Natigilan kami nang biglang sumulpot ang chairman also known as Grandpa . Yes , Siya ang aming Grandpa na dahilan kung bakit nandito kaming tatlo . Siya ang chairmam ng Japan Group Of Companies na nangunguna sa mga samahan ng business ngayon .
"Kumusta na ang mga pinakamamahal kong apo ?" Tanong niya samin .
"Malala na , Grandpa . Hanggang kailan ba ko magi-stay dito ?!" Tanong ko.
"Yes , Ayoko na dito . Ayoko nang makasama ang dalawang 'to" Sagot naman ni Sana .
"As if namang gusto ko rin kayong kasama" Sagot naman ni Mina.
"Makinig kayo , Dinala ko kayo dito upang mas magkakilala kayong tatlo bilang magpipinsan . Ayokong nadadamay kayo sa away ng mga Daddy niyo . Wag kayong gumaya sa mga anak kong 'yun" Sagot ni Grandpa.
"Sinabi ko na sa inyo noon na hindi ko makakasundo ang dalawang 'to !" Sagot ko.
"Pilitin mo . Tandaan niyo , Kapag nagkasundo na kayo saka ko lang kayo paaalisin sa lugar na 'to . Maganda naman dito . Mansion para sa tatlong apo ko" Sagot niya sabay ngiti pa samin.
Nagkatinginan kaming tatlo. Ayoko talaga sa kanila . Tama si Dad ! Para silang mga baliw tulad ng mga Daddy nila .
"Hindi na ko tatagal dito , Grandpa . Please" Sabi naman ni Mina.
"Di ko na kayang kasama sila . Ang hirap ng buhay dito !" Sagot naman ni Sana . Tsk ! Kala mo namang nagpapakahirap siya dito eh sarap buhay lang naman siya 🙅
"Wag kayong mag-alala dahil may bago kayong makakasama sa mansion na 'to" Sagot ni Grandpa kaya natigilan kaming tatlo.
"Bagong pinsan na naman ?!" Sabay-sabay naming tanong.
"Hindi , Pero may darating na maid dito upang manilbihan sa inyo . Pakiusap , Wag niyo siyang pahirapan . Magkasundo na kayong tatlo nang sa ganun ay magkasundo na rin ang mga daddy niyo" Sagot ni Grandpa.
"Bakit may maid pa ?! Di ko kailangan ng maid ! Ang kailangan ko ay makaalis dito" Sagot ni Mina.
"Parating na siya bukas kaya naman umayos kayo . Kapag gumawa kayo ng gulo , Malalaman ko sa kanya . Mahirap humanap ng maid na tatagal sa inyo kaya naman sinigurado ko nang matibay ang bagong maid niyo" Sagot ni Grandpa.
Matibay ?! Tingnan lang natin ! Yung maid dati dito di nga tumagal ng 3 days eh 😎 Kahit ako nga , Himala na yatang nakakatiis pa kong kasama ang dalawang 'to eh 🙅
"May meeting pa po kayong kailangan attend-an , Chairman" Paalala ni Secretary Park Jihyo kay Grandpa.
"Tama ! Mabuti pa at umalis na tayo , Secretary Park" Sagot ni Grandpa sabay tayo na .
"Grandpa ! Isama mo na ko" Pagmamakaawa ko.
"Goodluck , Mga apo ko" Sagot ni Grandpa samin sabay alis na kasama ni Secretary Park.
Nang makaalis si Grandpa , Napairap na lang ako kila Mina at Sana.
"Bakit di ka na lang tumakas ?" Tanong ni Sana sakin.
"Ikaw na lang kaya" Sagot ko.
"Mas mabuti kung pareho kayong aalis diba" Sagot naman ni Mina.
"Tsk ! Sige , Kayo mauna ! Gusto niyong mawalan ng access sa sarili niyong credit card" Sagot ko.
Napakamot-ulo na lang sila pareho at pumasok na sa sariling kwarto nila.
Hindi ako pwedeng tumakas o umalis dito kahit gusto ko dahil gagawa at gagawa ng paraan si Grandpa mapabalik lang kami dito 😭😭😭 Tatanggalan niya kami ng access sa credit card . Ganyan siya ka-powerful 🙅🙅🙅 Ang mga Daddy nga namin hindi makapalag para iligtas kami eh . Wala na kong choice ! 😭🙅
😎To be Continued😎
Ano nga ba ang mangyayari sa oras na makilala na nila si Dahyun ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Fiksi PenggemarKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...