MOMO'S POV :Nang dumilim na at gumabi na , Wala akong magawa dito sa Mansion . Ano kayang magandang gawin ?!
Nag-iisip ako nang makita ko si Sana na may bitbit na mga polbo at glue . Saan kaya niya gagamitin 'yun ?
Na-curious ako kaya naman sinundan ko si Sana . Nakita ko siyang naglalagay ng glue sa doorknob ng pinto ng maid namin . Ang isang 'to talaga . Wala talaga siyang magawang tama .
Ikinalat pa niya yung mga polbo sa sahig sa labas ng kwarto ng maid namin . Alam ko na agad na trip niya ang maid namin . Napailing na lang ako at hinayaan siya sa trip niya .
Bumaba na lang ulit ako . Hanggang sa marinig ko nang nag-iingay yung maid namin . For sure , Nabitag na siya sa trap ni Sana 👏😎
Teka ! Alam ko na kung anong gagawin ko 😁 Inisuot ko na ang tsinelas ko at agad nang lumabas ng mansion . Tumapak-tapak ako sa putikan . Binitbit ko ang tsinelas sa loob . Nang makita kong naglilinis na ang maid na 'yun , Inisuot ko na ang tsinelas at dumaan-daan .
Bakit ginagawa ko 'to ? Wala lang ! Nageenjoy ako na bwisitin siya . Para na rin malaman niyang hindi siya tatagal kaya dapat na umalis na siya .
Hanggang sa nabuwisit na siya sakin kaya huminto na ko . Nagpahinga muna ko sa kwarto ko . Siyempre ! Dapat lang naman sa kanya 'yun . Maid lang siya dito ! Trabaho niyang gawin ang mga bagay na 'yun !
Makalipas ang ilang minuto , Lumabas na ulit ako ng kwarto . Nakita kong tawa nang tawa si Sana sa maid namin na basang-basa . Nabuwisit siya kay Sana kaya hinabol niya ito . Kaso nadulas siya kaya sinalo siya ni Sana . Ang landi talaga ng Sana na 'to . Pati 'tong maid hindi ata patatawadin .
Ang corny naman ng posisyon nila . Parang sa mga drama lang eh . Pero di nagtagal ibinagsak din siya ni Sana 👏😂 Very Good ! Hahaha .
Maya-maya , Tumayo siya nang paseryoso . Aish ! Hindi parin siya sumusuko ?! Nakakainis !
"Kakayanin ko 'to!" Sabi niya .
"Bakit kasi di ka na lang sumuko at umalis sa mansion na 'to ?!" Tanong ko sa kanya .
"Hindi ako basta-basta sumusuko , Yan ang tatandaan niyo !" Sagot niya sabay tingin sakin nang paseryoso.
Lumakad na siya papunta sa kwarto niya . Bakit kasi hindi pa siya sumusuko ?! Kung sa iba namin ginawa 'to , For sure na di na nakatagal 'yun pero ---- Siya nandito padin 😠
Ano ba kasing nagpapalakas sa loob ng babaeng 'yun ?! Nakakabuwisit na !
Nagkatinginan na lang kami nila Mina at Sana . Hindi nagtagal nag-irapan na lang kami .
Pakiramdam ko , Mahihirapan akong paalisin ang babaeng 'yun eh ! Nasobrahan sa fighting spirit . Baka kaya siya ang kinuha ni Grandpa . Kakaiba siya sa lahat . Alien yata ang babaeng 'yun ?!
Pero nung tumingin siya sakin , Nang makita ko yung mata niya ---- Naramdaman ko yung pagka-gusto niyang magstay . Bakit kaya nagtitiis pa siya samin ?!
Aish ! Bakit ba iniisip ko pa 'yun ?! I'm sure na ilang araw lang siya tatagal tapos mawawala na siya . Tama ! Magpapahinga na lang ako . Malay natin bukas wala na siya 👏😎
Basta , Hahayaan ko lang siyang magsuffer hanggang sa kusa na siyang sumuko . Ako nang bahala sa kanya . Malalaman kung hanggang saan ang tibay ng isang probinsyanang katulad niya .
Nahiga na ko sa kama ko kaso lumipas na ang ilang oras pero hindi parin ako makatulog .
"Ano ba 'yan ?!" Inis kong sabi . Bumangon na muna ko sa higaan . Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina . Kakain na muna ko . Patay ang ilaw kaya pinindot ko na ang switch .
Nagulat ako dahil namatay na naman ang ilaw kaya pinindot ko ulit ang switch kaso namatay na naman . Omg ! May multo ba dito ?! Napalunok ako at dahan-dahang lumakad . Siguro sira 'tong ilaw kaya ganun . Binuksan ko na ang ref at kumuha na ng makakakain .
Hanggang sa makarinig ako ng pag-ubo . Teka 😱 Ang weird ! Napatingin ako sa paligid kahit na madilim . Nagmatapang ako at lumakad papunta sa lamesa kaso nakakita ako ng kung ano sa ilalim ng lamesa .
"Waaaaahhhh !" Sigaw ko nang may makita akong paa .
Napaiktad ako at nabitawan ko ang tinapay na kinakain ko . Mas nagulat ako nang makita ko na ang mukha niya .
"Waaaaahhhh !" Sigaw ko ulit .
"Mo---Momo ! Relax , A--Ako 'to" Rinig kong sabi niya kaya natigilan ako.
"Si---Sino ka ?!" Tanong ko sa kanya.
"Ang maid niyo , A---Ako 'to . Si Dahyun" Sagot niya sabay labas na mula sa ilalim ng lamesa . Binuksan ko ang ilaw . Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang takot 😱😱😱
AISH ! AKALA KO MAY MULTO NA 😱😭 Kinabahan ako dun ah . Ano ba kasing ginagawa niya sa ilalim ?! Ang weird ng babaeng 'to !
😱To be Continued😱
Abangan ang susunod na chapter 👏😂
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...