MINA'S POV :
Gabi na nang umuwi sina Dahyun at Momo sa mansion . Napansin kong mukhang masaya sila pareho . So , Ano naman sakin kung pareho silang masaya ? Anong pakialam ko ? Tsk !
Pumasok na lang ako sa kwarto at nahiga na sa kama ko . Medyo nabo-bored na ko dito sa mansion kaya naman gagamitin ko na muna ang kotse ko bukas .
Gusto kong mamasyal sa Park . Gusto kong magmuni-muni lang dun para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko .
Napahawak na lang ako sa pisnge ko dahil naalala ko yung ginawang sampal sakin ng Dad ko . Sanay na ko , Sanay na sanay na .
Hindi ko parin siya maintindihan hanggang ngayon . Bakit ba ginagawa niya sakin 'to ? Bakit pinahihirapan niya ko nang sobra ? Tao rin naman ako eh , Nasasaktan .
Kahit isang beses , Hindi niya man lang kinumusta kung masaya ba ko o kung may problema ba ko . Kailan ko kaya maririnig mula sa kanya na sabihin niyang "Anak , Nandito lang ako para sayo . Nandito lang ang Dad mo" . Mukhang imposible nang sabihin niya sakin 'yun dahil ni sabihin niya ngang miss at mahal niya ko , Hindi niya magawa 'yun pa kaya .
Mabuti na lang at dumating si Dahyun that time para pagaanin ang kalooban ko . Inipikit ko na lang ang mata ko dahil sa dami ng inaalala ko .
Kinabukasan , Nang magising ako ay agad na kong nag-ayos ng sarili . Tulog pa sila Momo at Sana sa mga kwarto nila . Samantalang si Dahyun naman , Gising na't nagkakape sa labas ng mansion .
Papunta palang ako sa kotse ko , Pinigilan na agad ako ni Dahyun .
"Saan ang punta mo ?" Tanong niya sakin.
"Mamamasyal lang sa Park . Gagamitin ko 'tong kotse ko . Ang tagal kong di nagamit eh" Sagot ko sa kanya.
"Sa Park ? Wait lang , Sasama ko !" Sabi niya sakin.
"What ? Bakit pa ?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi may nakapagsabi sakin na may magandang tindahan daw ng bracelet sa Park . Gusto ko sanang puntahan kahapon kaso ayaw naman ni Sana . Total dun din naman ang punta mo , Sasabay na ko" Sagot niya sakin.
Napatingin na lang ako sa kanya nang paseryoso , Samantalang ngiting-ngiti naman siya . Wait nga , Nagpapacute ba siya ? Tsk ! Isip-bata talaga .
"Oh Sige na ! Sumama ka na sakin" Sagot ko sa kanya kaya naman agad na siyang nagmadaling magpalit ng damit sa kwarto niya .
"Pumasok ka na sa loob" Seryosong sabi ko sa kanya.
"Ang sungit mo na naman . Hindi mo ba ko pagbubuksan ng pinto ng kotse ?" Tanong niya.
"Bakit ko naman gagawin yun ?" Tanong ko sa kanya .
"Yung dalawang pinsan mo kasi ganun" Sagot niya sakin.
"Pwes , Hindi ako ganun . Hindi nila ko katulad" Sagot ko sa kanya.
"Oo nga naman noh , Fine . Sungit nito" Sagot niya sabay pasok na sa loob ng kotse.
Nagmaneho na ko ng kotse ko't umalis na kami . Nang makarating kami sa Park , Nagmamadali nang hinanap ni Dahyun ang tindahan ng bracelet na sinasabi niya sakin .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...