SANA'S POV :
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Grandpa kaya siya kumuha ng bagong maid na siyang makakasama namin dito sa J-Trinity Mansion .
Nakakainis lang dahil parang mas umingay at mas gumulo pa ang mansion na 'to nang dumating ang maid na 'to .
Kanina , Payapa lang akong natutulog sa kwarto ko samantalang si Momo nasa kwarto din niya at si Mina nasa may garden sa labas ng mansion tapos nakarinig ako nang malakas na sigawan kaya naman nahinto ang pagpapahinga ko .
Nang lumabas ako ng kwarto , Nakita kong nagtatakbo si Mina habang si Momo naman pinuntahan yung pinanggalingan ni Mina na daan . Agad rin naman akong bumaba ng hagdan at inalam kung anong nangyayari.
Nakasalubong ko si Mina na nagpapanic.
"Ano bang meron , Mina ?" Tanong ko sa kanya.
"Ma--May multo dun sa bakanteng kwarto" Sagot ni Mina sakin . Multo ? Tsk ! Nababaliw na ata 'tong si Mina . Para malaman ko , Lumakad na ko papunta dun sa bakanteng room kaso nakarinig ako ng sigaw .
Nagulat ako nang makitang may babaeng naka-bathrobe na sumasakal kay Momo 😱 Sino siya ?!
Inis na inis yung babae tapos sari-sari pa ang sinasabi niya. Nang malaman ko ang dahilan kung bakit nagagalit yung babae , Hinila ko na si Mina papunta sa kanila .
Manyakis daw si Mina . Lol , 👏😂👏😂👏😂 Ang weird naman ng babaeng 'to . May hinahanap siyang tatlong bata . Pinagkamalan pa kaming kidnappers tapos may gana pang palayasin kami .
Nang sabihin niyang siya ang bagong maid , Natawa na lang ako . Seriously ? Tatlong bata ang akala niyang aalagaan niya ? Si Secretary Park talaga 👏😂
Nang pumasok na ulit yung babae sa kwarto niya , Napalingon na lang ako kila Momo at Mina.
"Manyak ka kasi , Mina ! Ako pa tuloy ang napagkamalan" Galit na sabi ni Momo kay Mina.
"Hindi ko naman kasi alam na may tao na pala dun . Balak ko sanang doon na lang maligo dahil hindi pa nalilinis yung cr sa kwarto ko" Sagot ni Mina sabay kamot sa ulo.
"Tsk ! Magugulat na lang ang babaeng 'yun kapag nalaman niyang tayo 'yung tatlong hinahanap niya" Sagot ko.
"Kakain na nga lang ako sa kusina !" Sagot ni Momo sabay lakad na.
"Tsk , Mas mabuti pang manood muna ko ng TV" Sagot ni Mina sabay lakad na din .
Agad na rin naman akong lumakad para bumalik sa kwarto ko kaso nakita kong tumatakbo ang maid namin nang nakayakap .
Saan ba talagang lupalop ng mundo siya nanggaling ?! Ang weird talaga !
Nagulat ako nang makitang nadulas siya kaya muntikan na siyang matumba . Agad ko naman siyang nasalo at nahawakan sa bewang . Wew ! Muntikan na 'yun ah .
Wala talagang pag-iingat ang babaeng 'to . Basta na lang sumusugod . Tsk !
Nagulat ako dahil nakatitig siya sakin . Aish , Ano bang iniisip ng babaeng 'to ?! Napatingin ako sa kanya .
"B---Bakit ?" Tanong niya sakin .
Anong Bakit ?! Aish ! Bakit ba tinulungan ko pa siya ? Ang awkward tuloy nitong position namin .
Sa sobrang awkward , Binitawan ko na siya . Bumagsak siya sa sahig kaya naman natauhan na siya . Napangisi na lang ako sa kanya .
Hinahanap niya yung dalawa sakin . Babalik na sana ko sa kwarto kaso humarang siya tapos nung sinabi ko na kung nasaan yung dalawa , Bigla niya kong hinila . Ayaw niya kong bitawan . Hinila niya rin si Momo . Nagkatinginan kami ni Momo at napairap na lang sa isa't-isa .
Ang weird talaga ng babaeng 'to . Nakakainis talaga ! Akala mo siyang kung sino eh .
Itinulak niya kami paupo sa sofa sa living room tapos pinatay niya yung TV . Aba ! Akala mo talagang boss siya eh . Ganyan ba talaga siya umasta ?! Ganyan ba dapat umasta ang bagong maid ?! Tsk !
Magsasalita na sana siya sa harapan namin pero mas pinili naming iwanan siya sa sofa . Para saan pa 'yun ?! Wala rin namang kwenta ang mga sasabihin niya . Mas gusto ko pang mag-isa kaysa makasama ang dalawang 'to . Tapos , Dadagdag pa ang mayabang na maid na 'yan 🙅 Kasora !
Natigilan na kang kami nang magbanta siyang ire-report kami kay Grandpa kapag hindi kami nakinig at bumalik sa sofa . Tsk ! Bakit ba nangyayari sakin 'to ?! Hindi ako makaalis-alis sa mansion na 'to . Kasama ko pa ang dalawang 'yun tapos heto ako ngayon , Nagtitiis sa kaweirdo-han ng maid na 'to .
Kahit kailan , Hindi ako makikipagkasundo sa dalawang pinsan kong 'to . Alam ko namang kayamanan ni Grandpa ang habol nila eh . So what ?! May pakialam ba ko sa kayamanan ?! Aish ! Sinabi sakin ng Dad ko na magtiis daw ako dito para sa mamanahin kay Grandpa dahil hindi daw deserving ang dalawang 'yun . Totoo naman , Mas deserving ako 😎 Wala kayang kwenta yung dalawang 'yun . Tama si Dad !
Pero sa totoo , Mas gusto kong mawalan ng mamanahin kaysa naman makasama ko 'tong dalawa na 'to sa iisang bahay kaso wala akong choice eh . Malalagot ako kay Dad kapag nagkataon .
Ewan ko ba kung bakit nagkaaway-away sina Dad at ang mga dad nila Mina at Momo. Basta , Alam kong hindi sila dapat pagkatiwalaan .
Kapag talaga ako nakachempo , Tuturuan ko ng leksyon ang maid na yan 😈😈😈
Makikita niya ang hinahanap niya . Hindi siya tatagal dito sinasabi ko 'yan . Hahahaha !
😈To be Continued😈
Makatagal nga kaya si Dahyun sa Mansion o mapipilitan na siyang sumuko ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...