MINA'S POV :
"Da--Dahyun" Sambit ko dahil sa ginawa niya .
"Mahirap ba kong mahalin ?" Tanong niya.
"Ano bang sinasabi mo ?" Tanong ko sa kanya.
"Si--Sinasaktan kasi ako ng lahat eh . Hindi yata ako kamahal-mahal" Sagot niya .
"Dahyun naman , Yung Somi na 'yun tanga dahil sinaktan ka niya" Sagot ko.
"Umasa kasi ako eh" Sagot niya sakin .
"Kalimutan mo na siya" Sagot ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang humarap sakin sabay hawak sa pisnge ko.
"Salamat" Sagot niya habang nakatitig sakin.
"About Saan ?" Tanong ko.
"Salamat dahil nandiyan ka para sakin . Ibang-iba ka sa Somi na 'yun" Sagot niya sakin .
"Never kong gagawin yung ginawa niya" Sagot ko.
Bigla siyang ngumiti sakin . Tumango na lang ako sa kanya .
"Tara na nga sa kwarto mo , Matulog ka na" Sagot ko . Ihahatid ko na sana siya sa kwarto niya kaso nabigla ako sa ginawa niya .
Bigla niya kong hinalikan sa labi ko kaya naman natigilan ako . Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya .
Bigla na lang siyang nawalan ng malay kaya naman agad ko na siyang inalalayan . Napayakap siya sakin . Natigilan ako nang dahil sa mga nangyari .
Totoo bang nangyari 'yun ? Ba---Bakit hinalikan niya ko ? Kim Dahyun , Anong reason kaya ginawa mo 'yun ? Nako-confused tuloy ako.
Agad ko na siyang dinala sa kwarto niya at ihiniga sa kama niya . Pinunasan ko ang pawis niya at inayos na ang kumot niya sa kanya .
Napahawak na lang ako sa labi ko dahil sa ginawa niya . Eotteoke ? Bakit ginawa niya 'yun ? Kim Dahyun , Mababaliw ako sa kakaisip sa ginawa mo !
Pinagmasdan ko muna siya habang natutulog siya . Napahawak na lang ako dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito .
Di kaya gusto niya ko ? Aish ! Imposible ! Hindi pa nga siya nakaka-move on kay Somi eh ! Mina , Gumising ka nga .
Hindi ka magugustuhan ni Dahyun .Kakalimutan ko na lang ang nangyari . Kunwari walang nangyari . Lasing lang siya kaya nagawa niya 'yun . Tama , Ganun nga lang !
Sana naman hindi niya maalala . Shete ! Sana hindi talaga niya maalala ang ginawa niya . Nakaka-awkward 'to . Napakamot na lang ako sa ulo at agad nang lumabas sa kwarto niya .
Nagmadali na kong pumasok sa kwarto ko . Nahiga na lang ako sa kama ko . Ipinikit ko ang mata ko pero hindi ako makatulog .
"ANO BA ?!" Sigaw ko sabay taklubong ng ulo ko ng unan .
Nakakainis naman eh ! Hindi ko makalimutan 'yung nangyari . Napapaisip parin ako . Kim Dahyun , Ano ba kasing ginawa mo sakin ?!
Kinabukasan , Agad na rin naman akong bumangon nang magising ako . Nag-ayos ako ng sarili ko at agad ring napatingin sa sarili ko sa salamin .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...