DAHYUN'S POV :
Saan kaya nagpunta yung tatlong batang aalagaan ko ? Ano ba naman 'yan ? Ang babata pa nila ang hilig na nila magala . Palibhasa mula sa mayaman na pamilya eh . Bata palang nai-spoiled na .
Naglakad-lakad na ko sa palibot ng mansion . Totoo kaya yung sinabi ni Secretary Park na kaya walang ibang katulong dito ay dahil sa walang makatagal sa tatlong aalagaan ko ? Tsk ! Grabe naman yung tatlong bata na 'yun kung totoo yun .
Pero kahit ganun , Hindi ako papasindak sa mga spoiled na bata na 'yun . Ako pa , Kakayanin ko 'to 😁😁😁
Nalibot ko na yata ang buong mansion pero wala padin akong nakikita na kahit isang bata man lang . Nasaan kaya sila ?
Kaya naman minabuti ko munang ipasok ang mga gamit ko sa kwartong tutuluyan ko . Maswerte ko dahil may libreng tulugan na .
Nang pasukin ko ang kwarto na tutuluyan ko , Napanganga na lang ako dahil sobrang ganda nung kwarto. Omg ! Sosyal talaga ang datingan . Naakit ako nung sosyaling bathtub dito sa kwarto kaya naman agad na kong nagmadali para maligo .
Masayang-masaya kong naligo at nagbabad sa bathtub na sosyalin na puno ng bula . Bigla ko tuloy naalala sila Mom , Dad at Chaeyoung .
Sila kaya ? Kailan ko kaya sila mabibigyan ng ganitong buhay ? Naalala ko pa kapag umuulan , Sumusugod kami ni Chaeyoung sa ulan . Ang saya-saya ng mga panahong 'yun . Miss na miss ko na agad sila .
Kahit ganun , Kailangan ko pading magtiis para rin naman sa kanila 'to kaya kakayanin ko . Ipinagpatuloy ko na lang ang paliligo at pagbababad dito sa madaming bula na bathtub 👏😂 Ang sarap sa pakiramdam dito.
Enjoy na enjoy ako nang biglang magbukas ang pintuan 😱😱😱 Naku po ! Waaaaahhhh !
"Waaaahhh !" Sigaw ko nang malakas nang biglang may pumasok sa loob na kung sino . Dahil sa nalagyan ng bula ang mata ko , sumakit ito kaya hindi ko siya makita .
"Huh ?! Si--Sino ka ?!" Rinig kong tanong sakin ng kung sino .
Agad akong nagtago at inisiksik ko ang sarili ko sa bathtub 😱 Mabuti na lang at puno ng bula ang bathtub . Anong gagawin ko ?! Manyakis !
Nahalbot ko yung sabon at agad na binato .
"Aray ko !" Rinig kong sigaw niya .
"L--Labas ! Manyakis ! Labas !' Sigaw ko sa kanya .
"Ahhh--Si--Sino ka ba ?! Masakit 'yun ah !'" Inis niyang sabi sakin.
"Manyakis ! Tulong !" Sigaw ulit .
"O--Okay , Lalabas na !" Sagot niya . Naramdaman ko namang sumarado na agad yung pintuan kaya naman agad na kong kumilos para tanggalin ang bula sa mukha ko.
Lumingon ako sa paligid pero wala na siya sa loob . Agad na kong kumilos at inisuot ang bathrobe na nakahanda para sakin.
Nagmadali akong lumabas ng cr sa kwarto ko . Wala na siya dito sa loob ng kwarto kaya nagtatakbo ako palabas . Nagulat ako nang makita ang isang taong tila gulat na gulat sakin.
"Si---Sino ka ?!" Tanong niya .
"Ikaw ! Manyakis ka !" Sigaw ko sa kanya sabay lapit . Agad ko siyang hinila at sinakal.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...