Chapter 84 - Learn To Love

563 22 1
                                    

MINA'S POV :

Nalulungkot ako para sa nararamdaman ni Momo ngayon . Obvious na nahihirapan siyang tanggapin na na-busted siya ni Dahyun . Ano ba naman kasing problema ni Dahyun ? Bakit ni isa kila Momo at Sana hindi niya man lang nagustuhan ? Aish ! Sa bagay , Mga baliw kasi ang pinsan ko hahaha .

Nagawa pa kong tanungin kung may gusto rin ako kay Dahyun . Tsk ! As if namang magustuhan ko si Dahyun . Hanggang friends lang kami ng babaeng 'yun noh .

Pagkakaibigan lang yung namamagitan sa aming dalawa . Wala nang iba . Hindi ko na dapat nililito ang sarili ko sa nararamdaman ko para sa kanya . Basta , Yun lang 'yun .

Kinabukasan , Maaga akong kumilos dahil kailangan kong makausap ang Dad ko . Ito na ang tamang panahon para kausapin ko siya nang maayos .

Nang pumunta ako sa kitchen , Nakita kong katatapos lang maglinis ni Dahyun .

"May pupuntahan ka ba ?" Tanong niya sakin.

"Kay Dad , Kakausapin ko na siya" Sagot ko.

"Ah , Ganun ba ? Goodluck sayo" Sagot niya sakin .

"By the way , Alam na namin yung nangyari kay Momo kahapon" Sagot ko sa kanya.

"Yun ba ? Nalulungkot nga ko't nasaktan ko ang feelings niya . Ayoko naman kasing paasahin siya sa bagay na hindi ko naman maibibigay" Sagot niya .

"Wag mo ngang sisihin ang sarili mo . Tama lang 'yun ginawa mo . Kaysa naman magsinungaling ka sa kanya" Sagot ko.

"Siguro nga tama ka , Pero nasaktan padin siya eh" Sagot ni Dahyun.

"Masasaktan siya kahit anong gawin mo . Normal lang 'yun . Tsk ! Ikaw talaga , Mas inuuna mo pang pahalagahan ang ibang tao kaysa sa sarili mo" Sagot ko sa kanya .

"Pinahahalagahan ko naman ang sarili ko eh" Sagot niya sakin.

"Bakit nga ba ni isa kila Momo at Sana hindi mo nagustuhan ?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam eh . Basta , Alam kong hanggang kaibigan lang sila sakin . Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko" Sagot niya.

"Ganun ba ? Sige na.  Gawin mo na lang kung anong dapat mong gawin" Sagot ko sa kanya kaya naman tumango na lang siya sakin .

Nang makapag-ayos na ko ng sarili , Agad na kong lumabas ng mansion at sumakay sa kotse ko . Umalis na ko at bumiyahe papunta sa bahay .

Nang dumating ako sa bahay , Sinalubong agad ako ni Manang Maid .

"Where's my Dad ? Lasing na naman ba ngayon ?" Tanong ko kay Manang .

"Nasa loob ang Dad mo . Hindi siya lasing ngayon . Pero madalas nakatulala lang siya .Mukhang malalim ang iniisip" Sagot niya sakin .

Agad na kong pumasok sa loob . Naabutan kong tahimik lang na nakaupo ang dad ko sa sofa sa living room.

"What are you doing here ?" Seryosong tanong niya .

"Pumunta lang ako dito para sabihin sayong may dinner bukas sa mansion . Pumunta ka kapag may oras ka" Sagot ko sa kanya .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon