2: Alumni

5K 107 0
                                        

Tonight is the Almuni Homecoming of Kenneth at sasama si Kat sa kanya. As usual, mag isa na naman ako sa kwarto ngayong gabi.

"Why don't you go with us Sab?"

"No, I'll be fine Ken. It's okay."

"Hindi! Sasama ka sa amin!"

"Wag na. Nakakhiya no!"

"Sige na Sab. Marami akong single na classmate dun!"

"Hahaha! Kaya nga ayaw kong sumama kasi alam ko na kung sino sino na naman ang irereto niyo."

"Hahahaha! Kasama nalang yan dun. I wanted you to be there to have fun tonight." Sabi pa ni Kenneth.

"Oo nga naman Sab. Tara na kasi. Please please please please please!"

"Hay nako. Sige na nga. Saan ba yan? "

"Sa Alabang"

"Alright. Sige."

••••••

7:00 PM ng dumating kami sa event. Sobrang daming tao at maganda ang place. Pinakilala kami ni Kenneth sa mga classmates niya na may dala ding outsiders.

Okay ang party at ang cool ng DJ kaya ng enjoy talaga ako. Uminom kami at sumayaw. Hindi ko inaasahang mag eenjoy ako ng ganun at nalasing. We get along with Kenneth's friends and party the whole night. Mas naging masaya ang party kasi may pool.

Kinabukasan nagising nalang ako ng nasa isang hotel room. Sobrang sakit ng ulo ko kaka-isip kung anong nangyari sa akin kagabi pero wala talaga akong maalala. Pag bangon ko ay nasa kabilang bed si Kat at Kenneth na natutulog din. Agad kong tinignan ang oras at 3:00 PM na pala ng hapon.

"Kat! Gising! Nasaan tayo?"

"Mmmmm nasa hotel tayo. Antok pako."

"Kat nakita mo ya yung phone ko?"

"Hindi ko alam. Wasted na wasted ka kagabi baka nandiyan lang yan." Sagot nito habang naka pikit parin.

"Hindi ko mahanap eh."

"Balikan mo nalang sa pool area. Please antok pa ko."

"Okay. Pahiram muna ng phone mo ha?"

"Fine"

Agad akong bumama sa pool area para hanapin ang phone ko pero wala talaga dun. Nag tanong ako sa facilities pero wala naman daw silang nakitang phone nag nagligpit sila kanina. Lagot na ako nito.

Tinawagan ko ito gamit ang phone ni Kat at buti nalang nag riring pero walang sumasagot. Siguro wala pang may nakakakita nito. Sana naman wala pa talagang nakakakita.

Bumalik ako sa taas at nagising na silang dalawa.

"Oh? Nakita mo?"

"Hindi eh. Pero tinatawagan ko nag riring naman."

"Ha? So paano na ngayon yan?"

"I'm just gonna keep calling it."

Kaya ayaw na ayaw kong umiinom kasi nawawala ko talaga ang mga gamit ko. Last time nag inuman din kami kasama ang mga friends namin Kat sa casino at nawala ko ang susi namin sa Apartment. Ngayon naman ay ang cell phone ko na.

Pag-uwi namin ay tinatawagan parin namin ni Kat ang phone ko. Nag riring parin nga ito hanggang sa may sumagot na.

📞"Hello?"

Boses ito ng isang babae.

"Hello po Miss. Ako po pala ang may-ari ng phone. Pwede po bang pakibalik ito sa akin? Saan po kita pwedeng I meet up?"

"Oh. Nandito ako ngayon sa Laguna. If you want to get it, come over here."

"What?! Paano napunta ang phone ko sa Laguna?"

"Obviously, I don't know. Nag dadrive ako at may kung anong nag vavibrate sa loob ng bag ko sa back seat"

"Nandoon kaba sa Alumni last night?"

"Yah! "

Pilit kong inaalala ang mga pinag-gagawa ko last night pero wala talagang pumamasok sa isip ko.

"Okay, nasa alumni din ako kagabi. I'm sorry if napasama siguro ang phone ko sa mga gamit mo. Please pakihatid nalang dito sa Parañaque ang phone ko kasi kailangan na kailangan ko yan."

"Wow! Gamit mo to miss kaya ikaw nag kumuha dito sa Laguna. I'm gonna be here for 1 week kaya wala kang choice."

"Ang layo kaya ng Laguna! Siguro magnanakaw ka!"

"Excuse me?! Kung magnanakaw ako hindi ko na sana sinagot ang tawag mo!"

"Kung hindi ka magnanakaw isuli mo sa sakin ang phone ko as soon as possible!"

"Alam mo, ang demanding mo rin eh no? Ako na ang naka kita ng phone mo tapos ako pa ang minamadali mong ibalik to? Buti pa ibenta ko nalang to."

"No!!!!! Gamit ko yan! Kung-..."

At binabaan ako ng phone ng babaeng kausap ko. Nakakainis!

"Oh ano daw sabi? "Agad na tanong ni Kat.

"Ang labo niyang kausap! Kainis!" Napasabunot ako sa buhok sa sobrang gigil.

"Ano nga sabi?!"

"Nasa Laguna daw siya! Hindi niya daw alam bat nandoon sa bag niya ang phone ko. Nasa alumni din kasi siya kagabi."

"Wait? Baka siya yung babae sa lobby na kasabay nating umupo. Naalala ko may dala siyang mga bag na naka empake."

"Ha?! Sino yun?! Kilala mo ba?!"

"Hindi ko siya kilala."

"Baka si Ken kilala niya!"

"Sige, wait tawagan ko lang"

Halos mapikon ako sa babaeng kausap ko sa phone. Ang yabang niyang magsalita. Hindi ko naman siya masisi kasi ako ang nagwala ng phone ko. Siguro nga napasali yun sa mga gamit niya.

I need my phone now!!!!!!!

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon