66: Shhhhhh!

1.8K 56 18
                                        

Alexis

Kinagabihan, matapos kaming magkita nila Cass at Sab ay dumiretso na ako sa bahay. Tawag ng tawag na kasi sa akin si Diane at nagtatanong kung nasaan na ako. Sinabi ko naman na magkasama kami ni Cass at may pinuntahang appointment lang. Day off kasi ngayon ni Diane at nasa bahay lang siya nila buong araw at tumutulong sa family business mini mart.

Habang naka higa na ako sa kama ay tinawagan ko si Diane.

📞 "Goodevening mahal ko." Bati ko sa kanya.

"Goodevening din mahal. Kamusta lakad niyo ni Cass? Ano bang appointment ang pinuntahan niyo?"

"Ahhhh- yun ba?.... sa ano.. saaaaaaa...dentist. Nagpasama siyang magpa schedule ng cleaning eh."

"Talaga?"

"Oo naman. Kumain kana ba mahal?"

"Hindi pa. Nagluluto pa si Mama eh. Ikaw?"

"Tapos na. Kumain na kami ni Cass eh. Anong ginagawa mo ngayon diyan?"

"Hmmmm. Nakahiga lang sa sofa. Nuod ng tv. Ikaw?"

"Naka higa na sa kwarto. Napagod ako sa traffic. Hay nako!"

"Massage kita, gusto mo?"

"Yes, please. Miss na miss ko na yung massage mo sakin! Tsk!!"

"Talaga? Punta ako diyan?"

"Hahaha agad-agad? Wag na baka hindi na ako makapasok bukas sa office pag dito ka matulog."

"Bakit naman?! Siguro may kasama kang iba diyan?"

"Duh! Wala niyo! Syempre, pagkatabi kasi kita parang ayaw ko ng bumangon eh!"

"Hahahahah. Bakit ayaw mong bumangon?"

"Mahal naman eh. Tinatanong paba yan?"

"Hahahahhaa. Miss na kita agad."

"Talaga? Miss ko na yung labi mo! Yung mga nagbabaga mong halik! Yun! Hahah"

"Yun talaga? Ang manyak mo!"

"Eh totoo naman eh. Ikaw ba? Hindi mo na miss yung halik ko?"

"Hmmmmmm. Hindi. Iba na miss ko eh."

"Hahahahha talaga lang ha? Anong na miss mo?"

"Yung sun flower mo! Hahahahhah! Ang ingay ko mahal, nasa sala ako. Lipat muna ako sa kwarto ha? Hahah!"

"Sun flower pala ha? Basang basa ro to ngayon. Yung parang bagong dilig. Hahahaha. Sige, lipat kana para makapag landian pa tayo."

"Dito na ako sa kwarto mahal. Uy! Gustong gusto ko ng basang sun flower. Hahahah"

"Mabango to ngayon kasi kaka-half bath ko lang tapos walang damo to sa paligid kasi clean cut. Hahahah!"

"Wow! Talaga? Sht! Gusto kong tikman mahal. Wala na, basa na rin ako. Hahahahha!"

"Hahahahahhaha. Fvck! Namiss kita lalo! Hayyyyy!"

"Na miss mo ako o yung katawan ko?"

"Eh syempre kasama kana rin diyan. Hehehe"

"Alam mo minsan ikaw parang di mo ako mahal?"

Biglang naging seryoso ang tono ni Diane.

"Huh?! Bakit naman?!"

"Kasi parang.... basta. Never mind nalang mahal."

"Tigilan mo na ngang magisip ng mga ganyan. Okay?"

"I love you Alexis. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Miss kita palagi alam mo ba yun?"

Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Diane. Masarap sa tenga pero medyo nakakatakot. Natatakot akong hindi ko kayang suklian ang sobrang pagmamahal niya para sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad sa sinabi niya.

"Mahal? Tawag na ako ni Mama. Kain muna ako ha? Tawag nalang ako sayo mamaya. Okay? Iloveyou! Bye!"

"Okay mahal ko. Bye. Kain ng marami!" 📞

Agad binaba ni Diane ang tawag at bigla namang pumasok ang isa pang tawag sa phone ko. Sinagot ko ito at si Sab pala.

📞 " Hello?"

"Hi Lex."

"Himala. Bat napa tawag ka?"

"Kasi.... yung tungkol sa plano natin kay Lance. Okay lang ba sayo na tulungan ako?"

"Sus! Bat naman hindi? Okay na okay sa akin."

"Baka kasi magalit si Diane."

"Hindi nga niya alam to eh. Pero okay lang. hehehe"

"Talaga? Ayaw ba niya sa akin? Sabihin mo yung totoo ha?"

"Hmmmmm. Nagseselos siya sayo ng konting konti lang naman."

"Ganun ba? Bakit naman? Wala naman akong ginagawa sayo ah."

"Sinabi ko kasi sa kanya kung gaano tayo ka close dati."

"Kaya pala. Ikaw naman kasi eh."

"Wala yun. Okay lang yun."

Gustong gusto kong tanungin si Sab tungkol sa mga sinabi niya sa bar ng malasing siya pero nahihiya naman ako. Wala ba talaga siyang natatandaan? Hindi ba sinabi sa kanya ni Kat ang nangyari?

"Sige, thank you. Bye."

"Wait lang Sab!!!!!!"

"Bakit?"

"May itatanong ako."

"A-ano yun?"

"Ah wala. Never mind nalang Sab. Sige, tulog kana. Goodnight."

"Ah okay. Goodnight din. Bye." 📞

Ngayon ay nag aagaw na naman ang isip at puso ko. Hindi ko rin alam kung anong tama at kung ano ang kailangan. Dahil ba kailangan ko siya ay tama na agad ang desisyon ko? Paano naman kung hindi ko siya pinili? Magiging tama din ba ito?

Habang nakapikit ako si Sab ang nasa isipan ko. Kahit minsan kasama ko si Diane ay siya parin ang iniisip ko. Ayoko mang aminin pero nagtatanong ang puso ko kung mahal ko pa ba o mahal ko ba talaga si Diane. Masyadong magulo pero isa lang ang sigurado ako, yun ay ang masaya ako pagkasama ko siya. Masaya akong napapatawa ko siya at sa tuwing nasa bisig ko siya.

Sana naman maliwanagan na talaga ang puso at isip ko. Ayokong gumising araw araw na ganito. Nasusuka na ako sa sobrang pagkahilo kung sino ba dapat ang makasama ng puso kong pagod.


Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon