9: Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda.

3K 68 1
                                        


Agad niyang pinalitan ang bed sheet niya pati na punda ng unan.

"Dito ka nalang sa kama ko ha?"

"Tabi tayo?"

"Hahahahha weird mo talaga!"

"Bakit? "

"Syempre dito ako sa kama ni Kat."

"Oo nga. Sabi ko na nga."

"Hahhaha nakakatawa kang babaeng ka. Anong gusto mong dinner new friend?"

"New friend talaga?"

"Oo bakit? Hindi ba?"

"New friend nga. Saan ba tayo bibili nito?"

"Baba nalang ako sa 7eleven saglit."

"Sama ako."

"Mababasa kalang. Diyan ka nalang."

"Ayoko sama ako."

"Sige, suot mo tong jacket ko."

"Wag na. Ikaw na mag suot niyan."

"Sige, di ako aalis pag di mo suot yan!"

"Hay sige na nga."

Bumaba kaming dalawa sa katabi ng boarding house nilang 7eleven at bumili ng dinner. 

"Alam mo, feeling close ako sayo. Hahaha nakakahiya no?"

"Di naman. Ako nga rin eh. Makikitulog pa nga. Hahahahha"

"Okay lang sakin yun! At least may kasama akong matulog dito ngayon."

"Talaga?"

"Talagang-talaga!"

Ngumiti nalang ako at kumuha na ng mga bibilhin ko ngayon.

Pagbalik namin sa kwarto niya ay agad siyang uminit ng tubig sa rice cooker para lutuin ang korean noodles na binili namin.

"Paborito mo rin pala to?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman. Sarap kasi eh. Mahilig talaga ako sa korean foods. Lalo na kimchi."

"Ako rin! Bet ko rin yung kimchi!"

"Marunong akong gumawa niyan! Gusto mo gawa kita?"

"Wow! Talaga?! Oo! Yes, please!" Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa.

"Hahaha. Sure, tuturuan dn kita para marunong ka rin. Okay ba yun?"

"Oo naman! Yehey! Saan mo ako tuturuan?"

"Pwede ring dito o sa bahay ko."

"Talaga? Ang bait mo!!!!! Yehey!"

"Mabait naman talaga ako eh! Oh kumukulo na yata"

"Ay Oo nga."

Ng maluto na ang noodles ay kumain na kaming dalawa. Tamang tama ang anghang ng noodles sa malamig na panahon. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain ay napapahanga na talaga ako sa ganda niya. Yung parang ang bait ng mga mata. Nakaka aliw siyang pag masdan habang hinihigot ang noodles. Para siyang bata kung kumain, ang cute ng labi niya. Hay nako!

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon