48: Commited

1.9K 52 22
                                        

Matapos ang new year back to work nadin kaming lahat. Marami na naman ang mga nagpalit anyo kasi daw new year na. Excited na rin ako sa mga magaganap this year sa buhay ko pero ang pinaka gusto kong mangyari eh ang matutunan kong mag mahal at magtiwala ulit. Hindi biro ang naranasan ko dati sa love. Nag mahal ako ng lalaki at babae ng sabay at pareho din silang nawala ng dahan dahan. Alam ko masyado akong tanga para gawin iyon pero hindi ko mapigilan eh. Kaya ngayon, bahala na. Gusto ko lang mahalin ang sarili ko kasi ayaw ko ng masaktan at maiwanan.

4:30 PM sa office

"Merienda tayo?" Yaya sa akin ni Diane.

"Sige ba. Pero susunod nalang siguro ako kasi mag ra-rounds pa ako eh."

"Edi hintayin na kita."

"Talaga? Eh baka gutom kana. Sumama ka nalang muna sa kanila ni Paul."

"Ayoko. Gusto ko kasama ka eh."

"Ang clingy mo naman, pinapasanay mo ako na laging kang kasama ha! Baka hanaphanapin na lagi kita."

"Uyy!!! Hahaha! Di mo naman kailangan gawin yun eh. Nandito lang ako palagi."

"Talaga?"

"Talagang talaga! Sige na, balikan mo nalang ako dito pagkatapos mong mag round. Okay ba yun?"

"Okay na okay yun!!!!" Sabay hawak ng pisngi niya.

Agad akong lumabas para mag rounds at nakita ko si Cass.

"Heyyyyy!!! Kamusta naman dito? Kumain kana ba?"

"Heto, gutom na. Hindi pa nga eh. Ikaw? Kumain kana ba?"

"Hindi pa rin pero tapos nito eh babalik din naman ako. Hinihintay kasi ako ni Diane, sabay kaming kakain."

"Wow ha! Napapansin ko na yan ha! Noong new years party eh may sarili kayong mundo, tapos ngayon sabay na kayo laging mag break. Kayo na ba?!"

"Hahahahha. Hindi ah!"

"Pero gusto mo narin siya?"

"Uhmmmmmm. Siguro."

"Uyyyy!!! Kung sakali ba na matuluyan kanang ma fall eh magcocommit kana talaga?"

"Ang dami mong tanong!"

"Natural lang sakin na magtanong sayo no!!! Kainis ka! Hindi ka na nag kukwento sa akin!"

"Ehhhhh wala naman talaga eh."

"Di ako naniniwala sayo eh ikaw pa! Siguro rebound lang si Diane no?"

"Uy ano ba! Wag kang ganyan! Syempre hindi no! Mabait si Diane gusto ko siyang kasama palagi."

"Eh paano si Sab?"

"Si Sab? Wala namang Alexis at Sab ah. Meron ba?"

"Muntikan na! Ikaw kasi eh, ang tanga mo rin! Pero umamin ka, gusto mo din si Sab dati no?"

"Okay okay!! Oo, gusto ko siya pero para ano pa? Wala naman akong panama sa pinsan ni Hazel no!"

"Hahahaha kita mo na! Tanga mo talaga! Eh obvious naman na gusto ka din si Sab eh."

"Tumigil ka nga! Imposible yan!"

"Bahala ka! Pero ito ha? Wag mong saktan si Diane, mabuting tao yan."

"Di naman talaga eh."

"Binabalaan kita Alexis!!"

"Hahaha tigilan mo ako Cass. Diyan ka na nga. Hinihintay na ako ni Diane eh. Kain muna kami."

Pagbalik ko ay wala na si Diane sa office kaya hinanap ko ito sa iba naming kasama.

"Si Diane?"

"Pinatawag ni Sir eh. Emergency meeting daw."

Yung Boss kasi namin eh dating pinopormahan si Diane.

"Sino kasama niya?"

"Silang dalawa lang eh. Alam mo naman, favorite ni Sir si Diane."

"Kaya nga eh. Hayyy. Sige, thank you."

Hintay ko si Diane pero dumating ito na tamang tama lang na mag lo-logout na kami.

"Lex!! Sorry ha? Si Sir kasi eh. Dinalhan kita ng siopao oh."

"Akala ko ba meeting? Ayoko ng siopao!" Sabay tayo ko sa upuan.

"Meeting nga pero sa labas lang. Niyaya niya akong kumain eh. Uyyyyy ano ba."

"Akala ko ba sabay tayo?"

"Sorry na kasi. Sorry na. Sorryyyyy!"
Pilit ako nitong pinapaharap sa kanya.

"Nakakinis naman eh. Uwi na nga ako."

Lumakad ako papuntang parking lot pero sinusundan parin ako nito.

"Lex! Sandali naman!"

Hindi ko ito pinansin at mas nagmadali sa paglakad.

"Lex!!! Uyyyy!"

"Alexis ano ba!"

"Uuwi na ako!! Wag kang sumunod" Sabay bukas ng pinto ng kotse pero pinigilan niyan.

"Ano ba Lex?! Wag ka ngang ganyan! Para kang nagseselos eh!"

"Oo na!! Nagseselos na kung nagseselos! Gusto nadin kita eh!"

Natigilan si Diane sa sinabi ko at hindi na inalis ang paningin nito sa akin.

"Paki ulit nga ng sinabi mo."

"Bakit bingi ka ba?"

"Gusto kong marinig ito ulit."

"Ayoko!"

"Gusto mo narin ako? Ha?" Sabay hawak sa dalawang kamay ko at hindi parin umaalis ang tingin niyang tutok na tutok.

"Oo na nga!"

At bigla ako nitong niyakap. Isang mahigpit at sincere na yakap ang nadama ko sa mga oras na iyon.

"Tayo na ba?" Tanong pa nito sabay bitaw sa pagkakayakap.

"Siguro, kung gusto mo?"

"Gustong gusto ko!!!! Yehey!!!!!!" Patalon itong yumakap ulit sa akin. Kitang kita ko ang saya sa mga mata niya.

"Pwede ko bang halikan ang girlfriend ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pwedeng pwede!!!!!!!!"

Hinawakan nito ng dalawang kamay ang pingin ko at hinalikan ako sa labi. Iyong ang first kiss namin bilang mag syota.

Alam kong takot parin ang puso ko sa isang relasyon pero wala na naman akong nagawa, pagibig eh. Mahal ko na siguro siya kasi nagseselos na ako. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Diane. Siguro ngayon magbabago na ako. Bukas na bukas ay ipapakilala ko na siya sa barkada ko. My gosh!!!!! Taken na ulit ako!!!










~~~~~~~~~

Si Diane na ang nanalo, uwian na mga bes. Hihihi.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon