You come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo.
Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves.
I can't even save myself from drowning tr...
Natapos na kaming kumain at diretso na ang lahat sa living room para sa exchange gift. Ito na ang pinaka hihintay na naming lahat. Sino kaya ang naka bunot sa akin?
Pumwesto na kami sa sofa bitbit ang kanya kanyang regalo.
"Okay, ako na ang mauuna ha?" Pumunta sa gitna si Hazel na siyang nagsimula.
"Yung nabunot ko ay saksakan ng ganda. Super sexy at napaka hard working. Walang iba kundi ang mahal ko." Si Nicole pala ang nabunot ni Hazel.
Nagulat si Nicole at halos hindi makapaniwala na mismong girlfriend niya ang naka bunot sa kanya. Inabot ni Hazel kay Nicole ang gift niya at agad naman nitong binuksan. Isang H&M na hoodie.
"Thank you mahal ko. Kaya pala ayaw mong magpasamang umuwi sa inyo ha? Hahahha. Okay, yung nabunot ko naman ay maganda din tapos malakas uminom. Hahahah. Masayang kasama. Si Cass!"
Sabay abot ni Nicole ng kanyang regalo para kay Cass.
"Wow! Ang cute ng box ah. Ano kaya to?"
"Buksan mo narin Cass."
At iyon din ang ginawa niya. Pagbukas ni Cass ay isang cute na shoulder bag.
"Ang cute. Thank you Nics!! Galing mo pumili ah!! Alright, yung sakin naman ay maganda makulit kasama pero masaya! Mukhang artista hahaha tapos may poging boyfriend. Walang iba. Si Sab!!!"
"Hahahahha. Baliw ka talaga Cass. Thank you so much!! Bubuksan ko narin ba to?"
"Oo naman."
Pagbukas ni Sab ay isang lava lamp.
"Wow! Thank you ulit Cass! Ang ganda naman nito. Yehey!"
Ang cute niyang tignan pag na eexcite siya. Parang bata kung maka yehey.
"Yung nabunot ko naman ay malapit sa puso ko. Special na tao para sakin."
"Edi si Alexis na yan!" Sabi pa ni Cass.
Agad itong lumapit sa akin at iniabot ang dala niyang regalo.
"For you." Sabay ngiti niya na parang nakakatunaw.
"Thank you ha? Ikaw pala naka bunot sa akin."
"Buksan mo na. Sana magustuhan mo."
Pagbukas ko ay isang G-shock na relo.
"Uy! Ang ganda! Thank you ha? Tamang tama nasira na yung luma ko. Hehehe thank you ulit Sab."
"Sana naman we can turn back time noong wala pang ka dramahan at pagiging cold.
Napangiti nalang ako at niyakap ko siya sa sobrang tuwa.
"Okay ako na! Yung na bunot ko is magaling makisama tapos sexy. Malakas din uminom. Si Kat."
"Hahahah. Di kaya ako malakas uminom. Thank you Lex. Wow!! Gusto ko to! Thank you ha?"
Isang Nike na sack bag ang regalo ko sa kanya. Buti nalang nagustuhan niya ito.
"Sino pa ba edi si Hazel. Hahaha oh Haze oh"
Pagbukas ni Hazel ay isang sling bag."
"Thank you Kat. Ganda nito. Gagamiton ko to sa office."
Masaya ang lahat sa mga regalong natanggap. Nagsimula na naman ang kantahan at inuman. Inilabas ni Hazel ang hinanda nilang tequila para sa gabing ito. Sigurado may gagapang na naman sa kalasingan ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.