Nasa kotse na kami at papunta na ng grocery.
"Okay kalang ba?" Tanong ko kay Sab. Napansin ko kasing parang nakasimangot ito habang naka harap sa cellphone niya.
Hindi ito sagot sa akin na tila naka focus talaga sa phone niya.
"Sab!!" Napalakas na tawag ko sa kanya.
"Oh? Anu yun?"
"May problema ba?"
"Ah wala. Ito kasing si Mike kinukulit ako na makipag ayos na sa kanya."
"Talaga? So anong sabi mo?"
"Sinabi ko na tigilan na niya ako."
"Hayaan mo na yang Mike na yan. Diba nga hahanap nalang kita ng FA?"
"Oo nga naman. Dahil sa lalaking to eh na sampal pa ako."
"Kaya nga! I block mo na nga yan."
"Kakablock ko nga lang eh."
"Good girl! Apir!"
"Apir!"
Pagdating ni Sab sa mall ay dumiretso na kaagad kami ng grocery. Namili na ako ng mga kailangan ko at ganun din siya. Sa dami-dami ba namang grocery eh dito pa namin nakasalubong si Hazel.
"Ohhhhhh eeeeeem geeeee! Bakit mag kasama kayong dalawa? Live in ba ba kayo?" Asar pa nito sa amin.
"Ano kaba Haze! Tigilan mo nga kami."
"Hahaha pero di nga? Bat kayo mag kasama? Kayo ha? I smell something fishy!"
"Ang dumi talaga ng utak mo! Pwede ba!"
"Doon kasi ako natulog sa bahay niya kagabi eh." Sagot naman ni Sab sa kanya.
"Uyyyyyyyy! Ikaw Alexis hindi ka nag kukwento ha? Ano naba ang status niyong dalawa?"
"Wala! Friends lang kami. Loko ka talaga Haze!" Tanggi ko pa habang si Sab ay pa tawa-tawa lang sa tabi.
"Bat ba ikaw ang sumasagot eh si Sab naman yung tinatanong ko."
"Hahahaa friends lang talaga kami Haze." Sagot naman ni Sab.
"Whe? Hanggang diyan nalang ba talaga yan?"
"Oo naman. Ano kaba. Hahahah"
"Fine! Basta wag kang mawawala sa birthday ni Nicole ha? Doon nalang tayo sa condo ko. Alexis, isama mo to ha?"
"Talaga? Nakakahiya naman Haze."
"Ano kaba Sab, pupunta naman si Kat eh."
"Talaga? Okay. Marami ba kayong bisita ni Nicole?"
"Wala, kayo lang. Si Cass, Alexis, ikaw tapos si Kat."
"Talaga? Kailan ng ulit ito?"
"Next Saturday pa naman. Day off mo ba yun?"
"Hindi eh. Pero pwede naman akong magpa swap ng day off."
"Alright! So pano, una na ko sa inyo. Bye Lex, Bye Sab."
"Bye. Ingat."
Agad ng umalis si Hazel at ganun din kami ni Sab. Ng matapos na kaming mag grocery at kumain muna kami kasi 1:30 na at hindi pa kami nag lulunch.
"Ako na mag oorder ha? Sagot na kita." Wika ni Sab.
"Aba! Thank you ha?"
"Ikaw pa. Lakas mo sakin eh. Ano bang sayo?"
"Gusto ko ng fried chicken."
"Okay. Upo kana doon ha?"
"Samahan nalang kita Sab."
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
CintaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
