13: New Friends

2.5K 69 8
                                        

Sab

Tanghali na ng nagising ako.

"Hoy babae! Gising na may pasok kapa!"

Pagdilat ko ay nakita ko si Kat na kakatapos lang maligo.

"Bumangon kana at maligo. Saan kaba galing kagabi? Si Mike na naman no?"

"Kinuha ko yung phone ko kay Alexis."

"Kinuha lang yung phone alas tres na umuwi?"

"Eh sinama pa niya ako sa bar eh."

"Ha?!!! Sino kasama niyo?"

"Yung mga friends niya. Sa NAIA dn nagtatrabaho."

"Talaga? May mga boys ba?"

"Wala. Babae silang lahat. Yung dalawa dun mag jowa pero sobrang gaganda nila at ang sesexy. Di ka maniniwala na 3 years na silang magka relasyon."

"Whe? Eh baka lesbian din yang si Alexis."

"Hindi naman siguro. Ang sexy-sexy niya nga rin kagabi eh. Ang saya kaya nila kasama."

"Kaya pala amoy alak ka kagabi. Eh kung nalasing ka dun?!"

"Nandoon naman si Alex eh. Di ako pababayaan nun!"

"Alam mo Sab. Di ko talaga alam kung bakit ang close niyo kaagad ng babaeng yun."

"Syempre nag click kami kaagad. Basta! Masaya siyang kasama. Yun lang!"

"Kung sabagay. Mukhang matino naman siya kausap at masaya kasama. Maligo kana at baka ma late pa tayo."

Agad akong naligo at kumain.
Nagbihis ng uniform at diretso na sa trabaho. Habang nasa Fx ay nag facebook muna ako.

Laking gulat ko ng makita ko ang friend request ni Cass, Nicole, Hazel at Alexis. Grabe naman sila, add talaga agad. Syempre I accepted there friend request.

Nakita kong online si Alexis kaya nag PM ako.

Thank you pala kagabi ha?
Nag enjoy ako. Sobra! 🍻

Welcome. Sa susunod ulit ha?
Ang kulit mo pala pag
naka inom.
Kung ano-ano ang
pinagsasa-sabi.  😂

Ha? Bakit?
Ano ba pinagsasa-sabi ko?!
😱

Secret. Akin nalang yun!
Hahaha  😜

Alexis naman oh!!
😩

Di mo ba talaga naaalala?
Btw, asan ka?

Naalala naman pero
gusto kong ikaw muna
magsabi kung tama ang iniisip ko.
-Papunta ng work. Ikaw?

Sabihin ko nalang sayo pag
magkita ulit tayo.
Nasa work din. On duty.

Kailan ba tayo ulit mag kikita?
Sumbong kita sa supervisor mo
nag fifacebook kalang di ka
nag tatrabaho.

Hahaha!
Sige sumbong mo.
Si Hazel kaya supervisor dito.

Ay Oo nga no. Hahah
Kumain kana?

Di pa. 😒
1:30 pa yung lunch ko eh.

Wag kang magpalipas ng gutom.
Mas lalo kang sesexy niyan.

Tsssssss. 😪
Di naman ako sexy eh!

Ang sexy mo kaya kagabi.
Daming tao naka tingin sayo.
👀

Bolahin mo pa ako. 😒

Totoo ba?

Yung alin?

Yung sinabi ni Cass at Nicole.

Yung alin nga dun?

Yung ..........

Yung ano nga?

Sab?

Hello?


Nandito na ako.
Chat nalang ulit tayo later.
Ingat ka lagi. Bye!  🙋🏻

"Oh bakit?" Tanong ko kay Kat habang naka tingin sa akin.

"Kung maka ngiti ka mukhang kinikilig ah!"

"Duh! Si Alexis kaya kausap ko!"

"Duh! Kilalang kilala kita Sabrina! Don't me."

"Ang malisyosa mo! Nakakatawa kasi siya syempre ngingiti talaga ako."

"Hmmmmmm.?????"

"Tara na nga!"

Duty mode na naman kami ni Kat pero ang pinagtataka ko ay hindi mawala sa isip ko si Alexis. Yung parang excited ako na makasama siyang muli. Yung parang ang ganda ng gising ko kahit kulang yung tulog. Na overwhelm lang talaga ako siguro sa new friend ko kaya ako nagkakaganito.

Sana makapag bonding pa kami ulit. Next time, isasama ko na si Kat para mas masaya.

4:00 PM. Break time namin at naisipan naming mag kape ni Kat.

Habang nasa table ay kausap ni Kat si Kenneth sa phone. Ako naman ay nag checheck lang ng mga notifications sa facebook ng may nag pop up na message.

So ano yun?

Ha? Yung alin?
Breaktime ko po. Coffee? ☕️

Yung sinasabi mo kanina
bago ka pumasok.

Ahhhhhhhhh. Yun ba?
Sabihin mo muna kung ano yung
Pinagsasa-sabi ko. Hahahah

Ayoko nga! 🤦🏻‍♀️ Secret ko yun!

Edi di ko rin sasabihin.
😝😝😝

Bahala ka.
Itatanong ko nalang kay Cass.

Okay. Go on! 🙂🙂🙂

Kaka-asar ka talaga! 😡

Ikaw naman pikon!
Hahahahha
😝😝😝🤣🤣🤣

Di na tayo bati! 😤

Talaga? Di na?  😱

Di na pag di mo
parin sasabihin!

🤐🤐🤐🤐🤐🤐

Okay!
Di na talaga tayo bati!

Nag  logout agad ito at di ko nalang pinansin. Pikon pala tong Alexis na to. Hahahahhaha. Mamaya ko nalang siya ulit kukulitin pag out ko na. Hay nako napapatawa niya talaga ako. Okay tong new friend ko, nakakawala ng stress at wrinkles.












~~~~~~~~~~~

Sino dito yung nakarelate?

Yung may dumating na tao sa buhay mo at na eexcite kana bigla sa araw-araw. Yung good mood kana palagi pag naiisip mo siya.

Sarap ng ganyang feeling diba?

😍😍😍😍😍😍

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon