50: This can't be.

1.7K 55 18
                                        

Sab

Pagdating namin sa boarding house ni Kat ay parang wala na talaga ako sa mood. Napagod siguro talaga ako at na stress of what happened to Hazel's Dad.

Pagpasok ko sa pinto ay hindi ko namalayan na malakas ko pala itong naisira kaya nagulat si Kat.

"Ay kabayo! Ano ba yan? May problema kaba." Tanong pa nito.

"Sorry ha? Di ko sinasadya."

"Sabihin mo na sa akin. Kilala kita."

"Okay lang ako Kat. Pagod lang ako."

"Hindi ka ganyan mapagod. Alam ko kung pagod ka kasi nakahiga kana kaagad sa kama mo at hindi tulad niyang ginagawa mo."

I just realized that I am just staring blankly at the window.

"Sabihin mo na kasi. Si Alexis ba?"

"Of course not! Bat mo naman na isip na siya?"

"Kasi may girlfriend na siya."

"Hindi. Hindi ganun."

"Kunwari kapa. Alam naman naming lahat na gusto niyo ang isa't isa pero pareho kayong manhid."

"Kayo talaga mga sira ulo kayo. Walang ganun Kat."

"Alam mo ayaw mo pa talagang umamin sakin eh no?"

"Boyfriend ko si Lance. May girlfriend narin siya. Kung ganun eh diba klaro naman na wala talagang something sa aming dalawa?"

"Mali na naman sinabi mo eh."

"Bakit?! Totoo naman diba."

"Sinabi mo na "boyfriend mo si Lance" pero hindi mo sinabi kung mahal mo ba siya."

"Huh?!" Napaisip ako sa sinabi ni Kat.

"Oh diba? Nganga ka ngayon."

"Bahala ka na nga diyan. Maliligo na ako."

Iniwan ko si Kat at pumasok na ng banyo para maligo bago magtulog.
Hindi ko maiwasang maisip si Alexis. Ayoko ng nararamdaman ko ngayon pero hindi ko maiwasan. Naiwan sa isipan ko kung paano niya alalayan si Diane sa bawat galaw nito, kung paano niya lagyan ng pagkain si Diane na dati sa akin niya ginawa iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko kung paano niya hawakan ang kamay ni Diane habang nag dadrive kanina. Parang gusto kong bumaba at tumakbo ng nakapikit para lang hindi ko iyon makita.

Gusto kong dukutin ang puso ko para matigil lang itong nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako na nanghihinayang pero alam ko na hanggang dito nalang to. Paglabas ko ng banyong ito ay hindi ko na iisipin kung ano man iyon.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nasasaktan ako na hindi naman dapat. Naiisip ko na bakit hindi kami nabigyan ng pagkakataon para dito. Bakit parang hindi pa nag umpisa eh huli na ang lahat? Bakit parang ang unfair naman yata ng tadhana?

"Sab?? Sab???? Uy!!! Okay kalang ba?"

Kumakatok si Kat sa pinto. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pag iyak ko at narinig niya ito sa labas.

"Okay lang ako dito. Don't worry."

"Lumabas ka nga diyan. Pagusapan natin to."

"Hindi na. Okay lang to."

"Sisirain ko tong pinto! Isa!!!!" Napalakas na ang katok nito.

Lumabas nalang ako kasi baka nga masira na ang pinto. Paglabas ko ay niyakap ko nalang si Kat.

"Tahan na? Okay lang yan." Sabi pa nito sa akin. Mas lalo pa tuloy napalakas ang iyak ko.

"Sige, iiyak mo lahat ng yan para bukas wala na."

"Gusto mo talaga siya no?"

"Ayoko. Ayoko ng ganito."

"Tama na. Magmomove on kana. May Lance kana diba?"

Tumango lang ako at hindi na nagsalita.

Buong gabi akong hindi nakatulog sa kakaiyak. Promise ko sa sarili ko na hindi na ito mauulit. Ito na ang una at huling beses na iiyal ako sa taong hindi naman akin.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon