Sab
It's Christmas eve nandito kami ng family ko sa bahay ng tita ko sa Makati. Lumuwas pa sila ng Zambales para makasama ako at pati narin sa family reunion namin. Sobrang na miss ko sila kasi bihira lang akong umuwi sa amin. Hindi ko na muna pinakilala si Lance sa kanila pero alam nila na may boyfriend na ulit ako.
Habang nagkakagulo na ang lahat at nag sasaya ay naisipan kong tawagan si Alexis para bumati.
📞 "Merry Christmas Alexis!"
"Hi Sab! Merry Christmas din sayo. Kamusta? Umuwi kaba?"
"Heto, namimiss kana. Hindi ako umuwi pero nandito ngayon ang buong family ko. May reunion kasi kami dito sa kanila ng tita ko sa Makati."
"Na miss pa talaga ha? Mabutin naman pala kung ganun. Umuwi din nga ako eh. Sigurado akong masayang masaya ang pasko ko ngayon."
"Ayaw mo pa kasing maniwala eh. Ha? Paano mo nasabi yan?"
"Eh syempre may love life kana eh."
"May love life nga hindi naman kami magkasama."
"Ganyan talaga. Nagkikita naman kayo minsan ah."
"Hindi sapat ang minsan lang no?"
"Inlove na inlove kana sa kanya no?"
"Bakit mo natanong?"
"Bakit di ba pwede? Masama ba?"
"Hindi naman masama. Hayaan mo na nga muna lovelife ko! Kita tayo bukas ha?"
"Oo naman. Nakabili ka naba ng gift mo?"
"Hindi pa nga eh. Ang hirap kaya hanapan nag regalo ang nabunot ko. Ikaw? Naka bili kana ba?"
"Oo naman. Ready na tong ibigay. Sino ba nabunot mo? Ay bakit naman ako ng tatanong. Hehheh"
"Buti kapa. Nag dadalawang isip ako sa ibibigay ko eh. Baka hindi niya ma gustuhan."
"Ganun ba? Hindi naman siguro choosy ang nabunot mo."
"Choosy yun! Hahahahhaa."
"Talaga? Siguro si Cass yung nabunot mo? Choosy yun eh! Hahahah"
"Secret!"
"Hahahha. Regaluhan mo nalang ng condom si Cass. Hahaha"
"Pwede ba yun? Hahahahahaahha"
"Nakakamiss naman yang tawa mo." Naging seryoso ang boses niya.
"Di mo naman tong kailangan ma miss eh? Can we go back to the old us? Ayoko ng ganito Lex."
"It's not gonna be the same Sab. Things are different now."
"What do you mean? Dahil ba kay Lance?"
"Of course not. Basta. I have to go now. Tawag na ako nila Papa eh. Mag enjoy ka diyan ha? Merry Christmas Wierdo!" 📞
At agad nitong binaba ang telepono. Hindi ko maintindihan kung bakit kailngan mag iba. It's unfair. Wala naman akong nagawang mali ah. Kakainis naman tong si Alexis. Gusto ko nalang tuloy umiyak. Hindi niya lang alam kung gaano ko ka miss ang dating kwentuhan namin. Yung mga kulitan namin at pati na ang mga paglalambing namin sa isa't isa.
Ayokong maging malungkot ngayong pasko kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa mga pinsan ko na maliliit. Nakipaglaro ako sa kanila ng malimutan ko man lang saglit ang tungkol sa amin ni Alexis.
Panay tawag din si Lance sa akin. Nasa bahay din nila siya ngayon at kasama ang pamilya niya. Gusto niya akong papuntahin doon pero tumanggi ako. Minsan lang kasi kami magkakasama ng pamilya ko at naintindihan naman niya. Hindi kami masyadong ok ni Lance ngayon since what he have done last time pero pinakikisahan ko lang siya ngayon kasi ayaw kong mag away din kami ngayong pasko.
Natapos na ang dinner at may kanya kanya ng pwesto ang bawat pamilya. Yung mga tito ko ay nagpapa games sa mga pinsan kong maliliit. Yung mga tita ko naman ay nasa sala at nag kukwentuhan. Ako naman ay kasama mo ang magkakasing edad kong pinsan at nag uusap habang nanunuood sa mga palaro nila tito.
Natapos na ang paghihintay at sumapit na ang pasko. Nagyakapan ang bawat isa sabay bati ng Merry Christmas.
Masaya ako ngayon kasi kasama ko ang pamilya ko pero may kulang parin. Kahit na may Lance na nga ako sa buhay ko ngayon, hindi ko parin maintindihan kung bakit parang hindi ako completo. May hinahanap parin ako na hindi ko maintindihan kung ano ito.
Excited na ako sa Christmas party namin bukas. Binili ko ang malaking teddy bear para kay Alexis pero hindi ko ito ibibigay bukas. I bought her a watch. Medyo sobra ito sa amount that we agreed pero worth it naman kung sa kanya ko ibibigay. Planong kong ibigay sa kanya yung teddy bear sa 26 nalang. Yung kaming dalawa lang para mas sweet. Sana ma appriciate naman niya. Hindi ako titigil habang hindi kami bumabalik sa dati.
~~~~~~~~~~
Sa mga abangers ng update, heto na po. 😁😁😁😁😁 😁😁😁😁
Breakfast muna ako ha? Kain naba kayo diyan? Wag magpalipas ng gutom! 😘😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
