Kinabukasan sa office ay busy busyhan na naman ako. Kinakausap ako ni Diane kung ano ang ginawa ko day off at bakit hindi ako nagtetext sa kanya o di kaya sinasagot ang mga tawag niya. Sinabi kong nagpahinga ako dahil masama ang pakiramdam ko. Parang hindi siya naniniwala sa reaction ng mukha niya pero hindi din naman ito kumibo pa. Matipid ang mga sagot ko sa bawat tanong niya at parang hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya."Dinner tayo mamaya mahal?" Tanong nito sa akin.
"Sige ba. Saan mahal?"
"Sa bahay."
"Ha?! Bat sa bahay niyo?"
"Birthday ko kasi ngayon. Maghahanda sila Mama. Family dinner lang naman eh. Gusto kitang isama."
Halos nanlambot ang mga tuhod ko ng malaman kong birthday niya pala ngayon. Ni hindi ko man lang naalala ang birthday niya. Mas lalo tuloy akong na guilty na parang gusto ko nalang mag tago sa sobrang kahihiyan.
"Uyyy. Okay lang na hindi mo naalala. Naiintidihan ko naman na marami kang iniisip ngayon." Sabi pa niya sa akin habang ako naman ay naka yuko lang.
"I'm sorry mahal. Nalala ko naman talaga eh, kaso-..."
"Shhhhh. Wag kanang magdahilan. Okay lang sa akin." Cut pa ni Diane sabay hawak sa pisngi ko.
Hindi naman ako agad nakapagsalita.
"Sige na, mag ra-rounds pa ako." Paalam niya sa akin.
Ako naman ay halos hindi maka galaw sa kinatatayuan ko. Mas lalo akong nagalit sa sarili ko sa mga ginagawa ko kay Diane. I'm really not the one who deserves her love.
~~~~~
Habang nakaupo ako sa station ko at naka tunganga sa monitor ng PC ay lumapit si Cass.
"So kailan mo gagawin?" Bulong nito sa akin.
"Hindi ngayon. Birthday niya pala, ni hindi ko man lang na alala. Ang tanga-tanga ko!"
"What?! Oh no!!"
"Niyaya niya akong mag dinner mamaya sa bahay nila. May family dinner daw at gusto niya akong isama."
"Grabe!!! Bakit naman nakalimutan mo? Sa daming pwedeng makalimutan yung birthday pa niya? Ang saklap ha!"
"Kaya nga eh. Hayyyy. I'm so dead! Ano kayang pwedeng ibigay na gift?"
"Ano bang gusto mong ibagay sa kanya?"
"Hmmmm. Freedom?"
"Loka! Diba sabi mo wag muna ngayon?"
"Joke lang!"
"At may gana kapang mag joke ha!"
"Hayyyyyyy!!! Parang mababaliw na ako Cass! Sampalin mo nga ako!"
Hindi naman nagdalawang isip si Cass at agad akong sinampal.
"Aray naman!!"
"Sus! Sobra pa diyan ang aabutin mo kay Diane."
"Talaga?"
"Oo, dapat nga may sapak pa tsaka sipa eh!"
"Grabe ka naman. Iyan ba talaga gusto mong mangyari sa akin?"
"Hindi naman. Slight lang. hahahahha"
"Kung sa bagay, kulang pa nga talaga yan eh."
"Kawawa si Diane. Wag mo ng patagalin yan." Sabay lakad ni Cass palayo sa akin.
~~~~~~
6:05 PM ng dumating si Diane sa parking lot kung saan ako naghihintay. Dali-dali itong lumakad papunta sa akin.
"Let's go?"
"Okay." Sabay pasok namin sa kotse.
"Marami bang tao?"
"Wala, kami nga lang eh. Si Mama, si papa, Kuya tapos si Gian at Renz lang naman. Tayo na nga lang hinihintay eh."
"Alam nilang may kasama ka?"
"Oo naman. Ipapakilala na kita."
Nagulat ako sa sinabi ni Diane.
"Ipapakilala bilang girl friend?!"
"Oo naman. Alam naman nila eh. Umamin ako sa kanila ay naintindihan naman nila."
"Talaga Mahal?"
"Oo nga. Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ayaw ko. Nahihiya kasi ako."
"Dont worry. Mababait sila."
"I know. Kanino kapa ba magmamana diba?"
"That's right! Eh ako mahal? Kailan mo ako ipapakilala sa parents mo?"
"Ahmm. Kasi.... ano....hindi pa kasi ako open sa kanila pero one of this days dadalhin kita sa bahay namin. Okay?"
"Ganun ba? Hmmmm. Eh si Sab? Nakapunta naba ng bahay niyo?"
"Tssss. Bat mo naman natanong?"
"Curious lang. Bawal ba?"
"Oo, lahat naman ng barkada ko nakapunta na doon eh."
"Ah. Okay."
Biglang tumahimik si Diane at hindi na ako kinausap hanggang makarating na kami ng bahay nila.
"Tara na. Ng makakain na tayo."
"Sige."
Pagpasok palang namin sa gate ay sinalubong na agad kami ng Mama niya.
"Hello, iha. Welcome to our humble home."
"Good evening po tita."
"Ma, si Alexis po."
"I know. Nice to meet you Alexis."
"Nice to meet you din po tita."
"Sige, pasok na kayo. Si Papa mo nasa likod at nag iihaw pa."
"Okay po. Pasok na po kami."
Agad kaming pumasok at pinakilala niya ako sa mga kapatid niya. Magiliw naman akong kinamusta at binibiro hanggang sa kumain na nga kami. Mukhang strikto ang Papa niya pero masaya namang kausap. Tama nga si Diane. Ang babait ng mga tao dito sa kanila. Dito nga talaga siya nagmana. Mas lalo akong na guilty.
Matapos kumain ay tumambay kami saglit sa sala nila at ipinakita ng Mama niya ang mga baby pictures ni Diane. Ang daming niyang makukulit na picture at ang ganda niya kahit bata palang siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpasya na akong umuwi. Hinatid ako ni Diane sa kotse.
"Nabusog kaba? Sorry ha? Masyadong ma kwento si Mama eh. Ginabi kana tuloy."
"Oo naman. Sarap magluto ng Papa mo no? Okay lang ang saya nga nilang kausap eh."
"Buti naman kung ganun."
"Halika ka dito."
"Bakit?"
"Basta lapit ka."
Hinubad ko ang suot kong kwentas at ipinasuot sa kanya habang nakatalikod siya.
"Happy Birthday Diane. Salamat sa lahat lahat lahat lahat ng pagmamahal mo para sa akin." Sabay yakap ko sa kanya.
Hindi naman ito sumagot at niyakap din ako ng mahigpit.
Hinalikan ko siya sa labi at nagpaalam na.
Pinagmamasdan ko siyang nakangiti habang papalayo. Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang awa sa kanya. Sana maging maayos na ang lahat.

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...