2 weeks later
Habang nag rorounds kami ni Cass sa aming designated areas kinausap ko ito at tungkol sa progress ng investigation niya tungkol kay Hayley at Lance.
"Alam mo parang alam niya na may girlfriend si Lance eh." Sabi pa ni Cass.
"Talaga? Paano mo naman nasabi yan?"
"Eh kasi parang ang tipid ng mga sagot niya sakin tsaka last time may na mention siya na si Lance daw ay 2 timer."
"Talaga? Sinabi niya yun?"
"Oo nga! Kaso hindi ko masyadong dinadamihan yung tanong baka kasi ma halata agad niya."
"Eh tanongin mo yung mga barkada niya. Sila ni Pia, si Billy o di kaya si Queenie."
"Natanong ko na lahat ng yun no!"
"Ano sinabi nila?"
"Sabi ni Pia may dinidate daw na FA si Hayley ngayon eh. Tapos sabi naman ni Billy taken na daw yun."
"Oh ayan na pala eh!!! Tanongin mo pa ng mga details!"
"Alexis naman eh! Syempre hinay-hinay lang kasi nga baka mahalata tayo agad diba? Masyado ka namang atat eh!"
"Syempre naman no! Naguusap ba kayo ni Sab? Sila pa ba ni Lance?"
"Oo sila pa. Sinasakyan niya lang daw si Lance para mahuli. Bakit? Di ba kayo nag uusap?"
"Hindi eh. Alam mo naman. Ayoko lang kasi- "
"Ayaw mo o ayaw ni Diane?"
"Hmmmm. Medyo ayaw nga ni Diane."
"Kawawa namab si Sab. Ang gandang babae pero niloloko pa ni Lance. Fuck boy talaga siguro yun! Kung sa bagay maganda ni naman si Hayley."
"Mas maganda si Sab."
"Assssssssuuuuuusssss!! Oo naman, mahal mo eh!"
"Shh!! Ano ba!" Sabay lingon lingon ko sa paligid baka kasi may maka rinig.
"Ang OA mo! Wala girl friend mo dito! Hahahaha!"
"Ang daldal mo kasi eh no?"
"Siya nga pala, pwede bang magpatulong sayo?"
"Kung pera yan, nako kapos ako ngayon!"
"Hindi yan! 3rd monthsary na kasi namin ni Diane bukas. Gusto ko siyang i surprise."
"Hahahahahh! Marunong kana pala niyan?"
"Oo naman. Kasi nung 1st and 2nd monthsary namin siya lang ang laging nag eeffort. Gusto ko ako naman sana."
"Wow! Ang taray ha! May pa effort-effort kana kay Daine ngayon."
"Syempre naman no! So paano na nga?"
"Edi mag dinner kayong dalawa."
"Dinner lang?! Lagi naman kaming nag didinner eh."
"Hmmmmmm. Dinner sa motel?"
"Bwiset ka! Bakit pa kami mag momotel eh pwede naman sa bahay ko?!
"Ay Oo nga no? Hmmmmm dinner sa labas with matching flowers. Hehehe. Pwede din na awayin mo muna siya tapos dadalhin namin siya sa place kung saan nag hihintay ka na. Alam mo yun?"
"Pwede yan!!! Sige, yan nalang gagawin ko. Tapos pag naging okay na kami, aalis na kayo?
"Wow! Syempre papakainin mo din kami kasi tinulungan ka namin. Isasama ko yung mga bakla."
"Grabe naman. Okay, ililibre ko kayo ng balut pagkatapos."
"Sobra ka naman! Balut lang talaga?!"
"Hahahahah!"
Ayun na nga ang plano namin ni Cass para kay Diane. Gusto ko din kasing gawin to sa kanya para naman bigyan ng hustisya ang relasyon namin. Dalawang beses ko ma kasing nakalimutan ang monthsary namin kaya babawi ako ngayon.
~~~~~
Kinabukasan mas nauna akong dumating kesa kay Diane sa office. Binati ko siya ng Good morning pero hindi ng Happy Monthsary. Siguro iniisip niya na nakalimutan ko na naman, hindi niya alam na part ito ng plano ko. Busy-busyhan ako sa office para hindi ko siya makausap hanggang sa lunch time na namin at sabay kaming kumain.
"Mahal, ikaw nalang bumili ng food ko please. Masakit yung paa ko eh."
"Awwwww. Okay Mahal. Ano gusto mong ulam?"
"Kahit ano nalang basta yung may sabaw."
"Okay sige, dito kana muna."
Umalis na si Diane para bumili ng kakainin namin. 5 minutes lang ang lumipas ay dumating na agad ito dala ang isang adobo, nilaga at dalawang rice.
"Bakit nilaga?! Diba sabi ko kahit ano basta walang sabaw?"
"Ha?! Eh hindi naman yan ang sinabi mo ah!!! Sabi mo kahit ano basta may sabaw."
"Eh hindi pala tayo nagkakaintindihan eh. Ayan na naman tayo!"
"Alexis hindi ako bingi! Yan naman talaga sinabi mo eh! Akin na nga yan! Isusuli ko nalang!"
Tumayo ito para isuli ang nilaga at palitan pero pinigilan ko siya.
"Wag na! Kakainin ko nalang to!"
Hindi ito sumagot at naupo nalang sa tabi ko. Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang sa pagkain. Naawa na ako sa kanya pero kailangan ko talaga siyang awayin.
Natapos na akong kumain pero hindi parin niya ginagalaw ang pagkain niya.
"Ano? Titignan mo nalang yan? Tapos na akong kumain oh! Kung hindi ka kakain edi sana di kana lang bumili?"
Hindi ito sumagot sa akin.
"Ano? Tapos na yung break natin di kapa din kakain? Gugutomin ka niyan!"
"Bat ba ganyan ka Lex?" Mahinang pagkasabi nito.
"Eh ano ba dapat?!" Malditang pagka sagot ko.
"Ewan ko sayo." Agad itong tumayo at umalis. Gustong gusto ko ng magsorry sa kanya pero pinipilit kong wag muna kasi nga may plano pa ako.
Sinabi ko kay Cass ang nangyari sa cafeteria ay tuwang tuwa naman ito. Hanggang matapos ang shift ay hindi namamansin si Diane at hinayaan ko lang din naman ito.
~~~
6:30 PM ng dumating sa lugar kung saan kami mag didinner. May dala-dala na akong mga roses habang naghihintay. Kausap ko si Cass sa phone at sabi niya ang hirap daw yayain ni Diane pero pumayag na din. Papunta na sila ngayon sa resto kung saan ako naghihintay.
Mayamaya pa ay dumating na din sila. Natawa ako dahil naka blind fold pa itong papasok sa resto. Galing talaga ni Cass at napapayag niya si Diane. Nag nasa harap ko na sila at tinanggal na niya ang kanyang blind fold.
"Happy Monthsary Mahal ko."
Hindi siya nakapagsalita sa sobrang gulat at niyakap nalang agad ako.
"Sorry kung inaway kita kanina ha? Sorry talaga." Bulong ko sa kanya.
"Kaya pala ang maldita mo kanina ha! Thank you Mahal ko. Iloveyou! Iloveyou! Iloveyou!" Sabay halik ng maraming beses sa pisngi ko.
Niyakap ko siyang mahigpit at hinalikan sa labi. Matapos yun ay kumain na kami. Sumabay nalang din sila Cass pati na ang mga bakla sa pagkain kaya mas lalong naging masaya. Kitang kita ko sa mga mata ni Diane ang kilig at saya na dulot ng surprise ko.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
