Alexis
Umuwi ako ng Manila daladala ang bigat ng loob dahil sa misunderstanding namin ni Sab. Mula ng araw na yun ay hindi na ulit siya nagparamdam. Mag dadalawang buwan narin kami hindi na uusap. Ilang beses ko siyang pinuntahan sa bahay nila pero ayaw parin niya akong kausapin. Ni hindi man lang nagpapakita. Tinatawagan ko na at lahat lahat pero wala parin.
Pinaghihinaan na ako ng loob. Natatakot akong umalis ulit siya na ganito ang sitwasyon namin. Alam kong matigas siya, na kaya niya ngang tiisin ako ng dalawang taon ngayon pa kaya? Kailangan may gawin ako.
~~~~~~~
Nasa office ako at naka upo sa station ko ng lumapit si Cass.
"Ano? Wala parin?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Cass!!!!!"
"Nakausap ko si Kat kahapon. Aalis na daw next week si Sab papuntang Cebu para sa pagiging instructor. Di na daw babalik ng Manila at didiretso na ng Chicago."
"Ha?!!! Next week na??!!! I need to do something!!!"
"You really need to Lex."
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ni Kat.
📞 "Hello, Lex."
"Kat!! Kat Kat Kat!!!!"
"Ano? Ano?! Bakit??!"
" Kailangan ko tulong mo!!! Please please. Pwede ba tayong mag kita mamaya?"
"Hahahahahha tungkol kay Sab to no?"
"Oo!!!! Help me!"
"Punta ka nalang dito sa bahay mamaya ng mapag-usapan natin yan."
"Okay. Thank you talaga Kat."
After ng shift namin agad akong pumunta sa bahay nila Kat at Kenneth. Dalawa lang sila ang tao dun kaya okay lang na mag drama ako.
Pinaghanda nila ako ng dinner kaya habang kumakain ay naguusap kami.
"Anong gagawin ko Kat?"
"May idea ako pero corny eh."
"Anu yun???? Okay lang. Kakayanin ko yan."
"Hmmmmm. Haranahin mo?"
"Haranahin? Saan? Paano?"
"Diba sa NAIA ka nagtatrabaho? Gamitin mo connections mo ano kaba?!"
"Di kita ma gets Kat. Ano ba gagawin ko?"
"Hayyyy. Okay, explain ko sayo ha?"
"Game, makikinig ako."
"Tatanongin ko si Sab if anong flight siya at anong airlines tapos since nasa security department ka, pwede naman natin sigurong "harangan" natin siya with the help ng mga kasama mo. Dadalhin siya sa isang room kunwari ipapatawag siya then doon ka mg hihintay with matching harana and flowers!!"
Napanganga ako sa idea ni Kat pero okay na okay ito sa akin. Lahat gagawin ko para kay Sab.
"Oh ano? Okay ba?" Tanong nito sakin.
"Kaya ko ba yan Kat?"
"Kakayanin mo yan para kay Sab!"
Bigla akong kinabahan. Iba kasi magalit si Sab.
"Ano? Gagawin mo ba o hindi?"
"Oo na. Gagawin natin."
"That's the spirit!! Kailangan nating makausap sila Hazel, Nicole tsaka Cass para sa gagawin natin. Ok?"
"Sige, kailan?"
"Bukas na agad! Time is running."
"Okay! Bukas na bukas."
Ng matapos ang paguusap namin ni Kat ay agad na akong umuwi kinontact ko na silang tatlo at sinabi sa kanila ang plano pero bukas pa talaga kami mag kikita kita. Halos hindi ako makatulog sa pinaplano naming gawin. Tinatawagan ko parin si Sab pero hindi talaga ito sumasagot.
Kinabukasan ay may pasok ako kaya after shift na kami nagkita at kumain sa labas. Tawang tawa sila Hazel sa pinaplano namin pero sigurado naman silang tutulungan nila ako. Isa nalang ang kailangan ko para matupad ito at malaman talaga ni Sab na siya lang ang mahal ko.
Galing dinner ay agad na akong umuwi. Kakapagod ng traffic kaya pagkatapos ng half bath eh diretso na agad sa kama. Nakita kong online si Diane kaya kinausap ko ito.
"I need your help."
"Okay. Ano ba yun?"
Sinabi ko kay Diane ang pinaplano kong gawin at halos hindi ito makapag salita.
"Ano? Tutulungan mo ba ako?"
"Okay lang ba nakasali ako dito? Baka kung anong isipin niya."
"I need you to tell her na friends nalang talaga tayo. Mas maganda kung sayo talaga manggaling diba? Please Diane."
"Hayyyy. Gaano ba siya ka importante sayo?"
"She's like the air that I breath. Mahal na mahal ko siya Diane. I hope you understand."
"Well, If that's the case, I'm in."
"Talaga??????? Yesssss!!!!!! Yesssss!!!!! Thank you. Thabk you soooo much Diane!"
"Basta ikaw. Lakas mo sakin eh"
"Nice!!! Sa Monday na yung flight niya kaya please help me."
"Sa Monday na agad? Edi sa makalawa na?!"
"Exactly! Monday, 8:45 AM. Terminal 3. Cebu Pac siya sasakay."
"Okay. Game!!!"
"Thank you talaga Diane. Utang na loob ko talaga sayo to. As in!!!"
"Ang OA mo ha!!! Hahaha youre welcome. Matutulog na ako. Goodnight na."
"Hehehe. Sige, ako din. Goodnight Diane.".
"Goodnight Alexis. Byebye."
Sobrang saya ko ngayon at napa payag ko si Diane. Laking tulong to para paniwalaan ako ni Sab. Excited na ako sa gagawin namin. Sana naman mag tagumpay kami sa aming pinaplano.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
