74: Gone

1.5K 50 10
                                        


Kinabukasan sa office ay hindi pumasok si Diane. Panay tanong naman ang mga kasama ko kung bakit siya absent kaya sinabi ko nalang na hindi ko alam.

"Anong nangyari?" Tanong ni Cass habang kumakain kami.

"Wala na."

"Oh my!!!! Paano? Kamusta?"

"Ang saklap. Ang sakit pala no? Halos hindi ako makahinga. Iyak siya ng iyak sa kotse kagabi. Ang masama ay nakita niya pala na lumabas si Sab sa apartment noong umaga na nahuli natin si Lance."

"Patay!!!! Tapos?"

"Di lang yan! Nakita pa niya yung sulat na iniwan ni Sab."

"Lagot! Ano sabi niya? Nako naman!"

"Ayun, sab niya na hinihintay niya daw na sabihin ko sa kanya. Ang sama-sama ko Cass."

"Oo, ang sama mo. Ang sakit ng ginawa mo kay Diane. Kawawa naman yung tao."

"At least okay na. Makakahanap na siya ngayon ng taong magmamahal sa kanya."

"Feeling mo makaka move on agad siya sayo?"

"Hindi ko alam."

"So anong plano mo ngayon?"

" Gusto ko munang mag move on kay Diane. Alam mo naman na kahit papaano ay minahal ko din naman siya diba?"

"Oo naman. Paano si Sab?"

"Hahanapin ko siya pero hindi pa ngayon. Aayusin ko pa ang sarili ko at ang sitwasyon."

"Eh paano pag nahanap mo siya eh may iba na naman siya?"

"Edi agawin!"

"Yan!!!! Diyan ka magaling. Agawin? Eh duwag ka naman eh."

"Bwiset ka! Hayyyyy. Labas tayo later? Gusto kong mag lasing."

"Oo ba! Libre mo?"

"Sige!! Pero isang bucket lang ha!"

"Ang kuripot! Ano ba yan!"

"Sige, dalawang bucket!"

"No, tatlo!"

"Grabe naman!!!!!!"

"Sige na kasi."

"Okay-okay!!!!"

"Whooo!!! Yesss!"

"Ikaw na magyaya sa kanila ni Hazel ha?"

"Game!"

~~~~~~

Pagkatapos kumain ay nag rounds na ako sa area ko. Buong shift ay si Diane ang iniisip ko. Kamusta na kaya siya at bakit siya absent ngayon. Worried ako pero wala naman akong magawa. Gusto ko siyang tawagan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Sana naman ay okay lang siya at wala lang masamang nangyari sa kanya.

After ng shift namin ay umuwi muna ako para magpahinga sandali at mamaya pa naman kami magkikita nila Cass. Siguradong maglalasing na naman kami mamaya at baka hindi ko na naman mapigilang mag drama. Bahala na. Ibubuhos ko na ngayong gabi to.

~~~~~~

9:30 PM ng nagpasya na akong umalis papunta sa bar kung saan kami gigimick. Nandoon na kasi sila at ako nalang ang hinihintay. Habang nagdadrive ay nakikinig ako ng radio at sumasabay pa talaga sa nararamdaman ko yung mga tumutugtog na kanta.

Hindi ko mapigilang mapaluha. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Na mimiss ko si Sab at nangungulila din ako sa presensya niya. Pero naawa din ako at na gi-guilty sa ginawa ko kay Diane at pati na kay Sab. Gusto kong dukutin ang puso ko sa dibdib para hindi ko nalang maramdaman ang pinagdadaanan kong sakit ngayon.

After 30 minutes ay dumating na ako sa bar. Nandoon na nga silang tatlo naghihintay sa akin.

"Tagal mo ah? Kanina pa kami umorder." Sabi pa ni Hazel.

"Sorry ha? Umidlip muna ako sandali eh."

"Umidlip o umiyak?" Tanong pa ni Nicole.

"Oo nga Lex. Magang maga yang mga mata mo oh." Dugtong pa ni Cass.

Hindi ako sumagot at kinuha ang isang bote ng beer at ininom. Napayuko ako sa labis na lungkot habang hawak hawak parin ang bote. Di ko mapigilang umiyak sa harap nila.

"Ano nararamdaman mo ngayon Lex?" Tanong Hazel habang nakayuko lang ako sa mesa.

"Masakit."

"Sino yang nagdudulot ng sakit? Si Diane ba o si Sab?"

"Si- si... si Sab."

"Na mimiss mo siya?" Tanong pa nito habang si Cass at Nicole ay nakikinig lang sa amin.

"Miss na miss ko na siya. Ni hindi niya man lang pinakinggang ang side ko. Gustong gusto ko siyang makasama Haze. Gustong gusto ko siyang makita."

"Edi puntahan natin sa boarding house nila."

"Wala siya dun. Ayaw naman akong kausapin ni Kat."

"Maging kami nga din eh. Iniiwasan na ni Sab."

"Hindi ko alam kung paano ko siya makakausap ulit."

"Ang duwag mo kasi eh. Hindi ko alam kung bakit hinyaan mong maging sila ni Lance eh gusto mo naman pala siya. Tapos ginamit mo pa si Diane. Alam mo bang nagpalipat siya sa ibang terminal dahil sayo?"

"Ang tanga ko nga kasi Haze. Ang tanga tanga tanga tanga tanga ko!!!!!!!!!!!!"

"Wag mong sampalin ang sarili mo!! Ano kaba?! Tama na. Move on kana. Galit na galit na silang dalawa sayo ngayon. Mas makakabuti kung ayusin mo na muna ang sarili mo bago humingi ng tawad o kausapin sila."

"Bat kasi ang duwag ko! Ang bobo ko Haze. Kaya ayokong mainlove eh!!!!! Bwiset na puso to!!!"

"Hindi kasalanan ng puso mo ang katangahan ng utak mo Lex, kaya wag mong sisihin yan kasi ito ang mali." Sabi pa niya habang tinuturo sa dibdib at ulo ko.

Mas lalong napalakas ang iyak ko dahil alam kong wala na akong magagawa ngayon. Siguro tama nga si Hazel, aayusin ko na muna ang sarili ko. Alam kong kasalanan ko lahat ng to kaya ni isa sa kanila ay hindi ko deserve.

Matapos ang maraming dramahan, inuman, sisihan, iyakan naming apat sa bar ay nagpasya na kaming umuwi at 4:30 na ng madaling araw. Naka dalawang bucket ako ng beer kaya medyo hindi na ako makapagdrive ng maayos. Lasing narin sila kaya nagpasya kaming matulog na muna sa kotse sa parking lot ng bar.

6:45 AM ng ginising kami ni Nicole para umuwi na. Medyo kaya ko naring mag drive kaya nagsiuwian na kami.

Pagdating sa bahay ay naalala ko na naman si Sab. Naalala mo kung saan siya banda umupo ng unang araw na pumunta siya dito sa apartment ko. Naalala ko ang mga gabing magkatabi kami sa sofa at noong gabing hinalikan ko siya sa unang pagkakataon. Naalala ko siya sa bawat sulok ng kwarto ko.

Araw araw ko tong maalala lalo na pagnakikita ko si Saby, yung teddy bear na bigay niya sa akin. Araw araw ko siyang mamimiss pero kailangan ko siyang pakawalan. Kung kami talaga ay maghahanap ng paraan ang tadhana na pag tagpuin kaming muli.








Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon