Sab
"Good morning babe!" Nagising ako sa bati ni Lance sabay halik.
"Good morning din babe. Kanina kapa ba gising?"
"Kanina pa babe. Tara, bangon kana diyan at mag be-breakfast na tayo."
Bumangon na ako at dumiretso sa dining area ng hotel. Pagdating namin ay nandoon na sila lahat.
Binatin ako nila ng good morning.
"Goodmorning din. Ang aaga niyo yatang nagising ah."
"Syempre naman no, excited kaya. Hahahah" sagot naman ni Hazel.
"Ikaw Lance ha? Pinuyat mo ba ng husto si Sab kagabi? Ilang rounds?" Biro naman ni Nicole sa amin.
"Hahahahhaha. Dalawang rounds lang nga eh."
"Uuuuuuuyyyyyyy!!!!"
"Aba aba!!!!!!!"
"Hahahahahhahaha"
Sabay silang nag react sa sinabi ni Lance. Loko talaga tong lalaki na to.
"Loko ka talaga! Wag kayong maniwala sa kanya. Hahahah. Tinulugan niya nga ako kagabi eh."
"Uyyyy! Hahahaha. Sorry babe! Napagod talaga ako eh. Kaka stress yung pinto ng cr namin sa kwarto eh. Pag nalock eh ayaw ng mabukas. Sira yung door knob." Sabi pa ni Lance.
"Talaga? Buti nalang hindi kayo na lock?" Tanong naman ni Alexis.
"Anong hindi, na lock nga si Sab kagabi eh. Kaya des oras ng gabi kumakatok ako sa receptionist para hiramin ang susi ng cr eh wala hindi daw nila mahanap kaya pinaakyatan ng technician para buksan. Hahahha"
"Nako! Kaya pala ang ingay kagabi sa room niyo. Hahahahha. Kawawa naman si Sab." Sabi naman ni Alexis.
"So paano na ngayon yun? Open nalang palagi yung door?"
"Nilagyan lang namin ng bato sa may pinto para hindi tuluyan mag close."
Pa tawa-tawa lang si Alexis at Diane sa amin habang kumakain.
Pagkatapos kumain ay nag bihis na ang lahat para sa island hopping. Lahat kami ay naghihintay na sa susundong bangka."Ayan na pala eh. Oh tara na!!" Sabi naman ni Nicole.
"Wait lang, yung tali ko sa buhok naiwan sa Cr eh." Nagmadali akong tumakbo pabalik sa room namin ni Lance para kunin yung tali ko sa buhok.
Bigla akong nagulat ng may pumasok sa cr habang nandoon ako. Sa kamalas malasan ay narinig kong sumara ang pinto.
"Sht!!!!"
"Alexis?!"
"Sorry, na iihi na talaga ako eh. Nakalimutan kong bawal palang i close tong pinto."
"Wala na. Na lock na tayo"
"Sorry talaga Sab. Tawagan mo muna si Lance. Wala akong phone eh. Na kay Diane."
"Wala din dito ang phone ko. Nandoon din kay Lance."
"Sirain nalang natin yung pinto?"
"No!!! Ayokong bayaran yan no! Wait! Sumigaw nalang tayo."
"Hahaha. Wag kanang sumigaw, siguradong pupunta naman dito si Lance eh. Mag hintay nalang tayo."
Naka upo lang si Alexis sa bowl at ako naman ay naka tayo lang sa harap niya.
"Ang sexy mo ah. Bagay na bagay sayo ang suot mo."
"Che!! Sumbong kita kay Diane eh!"
"Grabe ka naman! Pinupuri ka na nga eh."
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan Lex, nakakatakot ka."
"Hahahahha. Eh dati naman gustong gusto mong tinitignan kita ng ganito diba? Bakit naakit ka?"
"Duh! Tumigil ka!"
"Halika dito Sab. Baka mapagod ka kakatayo diya."
Kinuha nito ang kamay ko ay hinila para umupo sa kandungan niya.
"Ano ba! Mamaya baka mabuksan tayo dito eh ano pa ang isipin ang girlfriend mo."
"Bakit naman siya mg iisip ng masama. Naka upo ka lang naman eh."
"Baliw ka talaga Lex!"
"Hahaha joke lang no!!!"
"Alam ko namang nagbibiro ka. Ayaw na ayaw mo ngang nagseselos ang mahal mo eh. Diba?"
"Hahahahha! Syempre no!"
"Mahal mo talaga siya Lex?"
"Hmmmmmm. Hindi"
"Huh?!" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam mo kung sino talaga ang mahal ko?" Tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin hanggang sa nakadikit na ako sa pinto.
"Ikaw."
Lumalapit ito sa mukha ko na para bang nagbabantang halikan ako. Hindi ako makagalaw sobrang lapit na niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya pumikit nalang ako at ng hintay ng kanyang gagawin.Ilang segundo ang dumaan ay walang nangyari. Pagdilat ko ay malayo na ito sa akin at nakangiti.
"Naghihintay kang halikan kita no? Hahahahahhahaha!"
"Baliw!!!!" Sabay suntok sa kanya sa braso.
"Aray!!! Hahahah"
Maya-maya pa ay narinig na namin si Lance na nagsalita.
"Babe?? Okay lang ba kayo diyan? Papunta na yung crew para buksan kayo diyan. Dont worry."
"Okay babe. Thank you."
Lumapit naman si Alexis sa akin at bumulong.
"Sayang, kung medyo natagalan siguro tayo dito eh baka nangyari pa ang hinihintay mo." Sabay tawa pa nito.
"Loko ka! Tigilan mo ako!"
Nabuksan na nga ang pinto. Nagaalala silang lahat sa amin lalong lalo na si Diane.
Sumakay na nga kami ng bangka para sa island hopping. Hindi ko maiwasang isipin ang ginawa ni Alexis sa akin sa banyo. Inaamin kong nadala niya ako sa mga titig niya. Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin habang nasa bangka kami.
Napansin ko rin na parang nagseselos si Diane kasi kapag kinakausap ako ni Alexis ay kinukuha niya agad ang attensyon nito. Hinayaan ko nalang sila at ng focus nalang din kay Lance.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...