55: LQ

1.6K 43 4
                                        

Sab

Matapos ng malaman ko na nagsinungaling sa akin si Lance ay madalang nalang akong sumagot sa mga text at tawag niya. Ayoko muna siyang makita o makausap man lang. Galit ko sa ginawa niya at parang hindi ko na alam kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon na ito.

Maging si Kat ay tinatawagan ni Lance para humingi ng tulong. Kaya tawag din ng tawag si Kat sa akin at nagtatanong. Nasa Cebu kasi ngayon si Kat kasama ang boyfriend niya na nagbabakasyon.

10:15 PM ng lumabas ako sa office at nadatnan si Lance na naghihintay sa labas. Agad itong lumapit sa akin ng makita niya ako.

"Babe. C'mon! Ano ba? Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Hindi ako sumagot at lumakad palayo.

"Paano natin maayos to?! Sandali nga!"

"Sige, pagbibigyan kita. Tara mag usap tayo." Pumasok kami sa kotse niya para magusap.

"Oh ngayon hindi kana magsasalita?! Ano? Sabihin mo kung bakit ginawa mo akong tanga at pinaniwala na nasa Davao ka."

"I'm sorry."

"Sorry?! Hindi kaba mag magpapaliwanag?!"

Hindi ito nagsalita.

"Ano?! Magsalita ka! May iba paba maliban sa akin?"

"Wala!! Syempre ikaw lang!!"

"Eh sino sino si Hayley?!"

"Paano mo nakilala si Hayley?"

"Tangin@ Lance! Ano ba?!"

"Kaibigan ko si Hayley. Dati palang barkada ko na siya. Yun lang!"

"Ahhhhhh. Kaya pala niloko mo ako para makasama siya?"

"Wala naman akong pakialam kung saan mo gustong mag new year eh. Yung sakin lang niloko mo ako! Sa susunod, siguraduhin mong walang may makakakita sayo. Alam mo naman na iisang department lang sila ni Cass at Alexis diba?!"

"I'm sorry babe. I'm really sorry."

"Ginawa mo akong tanga! Pinaniwala mo ako Lance. Ano ba?! Kung may iba kana, iwan mo nalang kasi ako kaagad!"

"Wala nga akong iba."

"Eh bakit mo ginawa yun?"

"Kasi tarantado ako. Nagkamali ako Sab. Can you forgive me?"

"Gusto ko ng umuwi Lance. Wag mo na akong ihatid." Sabay baba ko sa kotse niya.

"Wait, babe!!!! Bumalik ka nga dito."

Hindi na ako lumingon at sumakay na sa taxi.

Galit ako kay Lance. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang manloloko. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Bakit ba ganito nalang palagi ang kapalaran ko pagdating sa pagibig?

Pagdating sa boarding house ay naligo na agad ako at natulog. Feeling ko ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Nagtatalo sa isip ko kung papatawarin ko ba si Lance o susuko na kaagad ako.

Tawag ito ng tawag sa akin pero hindi ko sinasagot. Nag text ito na nasa baba daw siya ng boarding house kaya tinignan ko. Nandoon nga siya pero hindi ako bumaba. Bahala siya sa buhay niya. Ayoko na munang makita ang pagmumukha niya. Mas lalo niya akong kinukulit eh mas lalo akong na bubwiset sa kanya. Pinatay ko na ilaw sa kwarto ko para matulog.

Gusto kong tawagan si Alexis. Gusto kong mag kwento sa kanya ng mga pinagdadaanan ko. Gusto ko siyang makausap gaya ng dati naming ginagawa. Na mimiss ko na ang mga bonding namin. Gustong gusto ko siyang makasama palagi pero hindi naman pwede. Alam kong masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama si Diane. Wala naman akong balak agawin siya kasi alam kong mahal niya ito pero kung pwede lang sana maibalik ang dating kami ay araw araw akong magpapasalamat.

Minsan naiisip ko na what if hindi ako nalito? What if sinabi ko sa kanya na mahal ko na siya? What if walang Lance at Diane? Kami na kaya? Mahal na rin kaya ako? Masaya kaya kami?

If ever magkaroon ako ng tamang timing at lakas ng loob, pipilitin kong itanong sa kanya yan. Ayokong mabuhay na puno ng what if's.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon