24: Heart Shaker

2K 59 7
                                        

"Ang chill dito no? Ganito lang ba ginagawa mo dito sa bahay mo?"

Tanong ko kay Alexis habang katabi siya sa sofa. Nanunuod kami ng tv at tumatagay ng wine.

"Oo, pag pagod ako at gusto kong mag chill ay umiinom lang ako ng wine at ganito lang. Nuod lang ng tv hanggang sa maka tulog na dito sa sofa."

"Hindi kaba nalulungkot dito?"

"Minsan, pag wala akong makausap. Pero kadalasan nandito si Vince."

"Sino si Vince?"

"Kaibigan ko. Nasa kabilang apartment lang."

"Siya ba yung lalaking narinig ko last time habang magkausap tayo sa phone?"

"Hmmmm. Oo, siya nga yun."

"Ahhhhhh. Okayyyyyyy!"

"Ano kaba! Hahahha"

"Eh sila Cass? Sila Hazel? Palagi din ba dito?"

"Hindi naman. Yung gusto ko kasi pag nasa bahay ako ay yung makakarelax ako eh. Ang gulo kaya kasama ng mga yun. Lalong lalo na si Cass."

"Hahahaahhaha. Ang saya nga eh. Kaso yun nga lang, hindi ka makakapag relax."

"Eh ikaw? Nakakarelax bang kasama si Kat sa bahay?"

"Hmmmmm. Oo, wala namang tigil kaka cellphone o loptop yung eh. Pero minsan makulit din."

"Ganyan talaga pag may bayfriend. Lalong lalo na yung LDR. Ganyan din kaya kami dati ng ex ko noong nag Japan siya. Kaso ng tumagal na na fall out of love na kami sa isa't isa kaya siguro siya nag hanap ng iba doon."

"So that's the real reason why ayaw mo na talagang mag commit?"

"Tama!"

"What if ma inlove ka?"

"Kanino naman? Wala naman akong kakilalang kakainlove eh."

"Kahit kanino. Malay mo!"

"Ayokong ma inlove kahit kanino no!"

"Kahit sakin?"

Hindi ko alam kung bakit ko iyon itinanong sa kanya pero ang alam ko lang ay pareho kaming nagulat sa sinabi ko.

"Joke lang! Uy wag mong seryosohin alam ko naman impossible yun!"

"Hindi ah!"

"Hi-hindi imposible?!"

"Oo! - .. No! I mean hindi ko sineseryoso!"

"Hahaha ang gulo mo namang kausap Alexis eh!"

"Hahahah ikaw kaya ang magulo diyan! Kung ano ano na naman ang sinasabi mo! Wait, may tama kana ba?"

"Wala pa no! Anong akala mo sakin? Ganito na talaga ka weak pag dating sa inuman eh wine lang to no!"

"Sure ka ha?"

"Sure ako!"

"Okay okay! Oh tagay pa!"

"Siguro gusto mo talaga akong lasingin!" Biro ko sa kanya.

"Uy okay kalang?! Gusto kong mag chill ngayong gabi at hindi ang mag alaga ng lasing! Hahaha"

"Hindi pa nga ako lasing! Hahahah bat ba na aawkward ka sa mga ganyang joke?"

"Hindi ako na aawkward no! Hahahah baliw!"

"Whe? Kung hindi ka na aawkward, kiss mo nga ako!"

Bigla itong lumapit sa mukha ko at hinalikan ako sa pisnge.

"Oh? Okay kana?" Tanong nito sa akin.

"Hindi diyan! Kayang kaya naman ng kahit kanino yan eh. Dito sa lips! Hahahha game?!"

"No way! Ano kaba!"

"Hahahaha! Oh kita mo na!! Na aawkward ka eh! Kiss mo na ako. Walang malisya to!" Sabay lapit ng nguso ko sa mukha niya.

"Wag mo akong subukan Sab ha!!! Tumigil ka!"

"Hahahahah! Uyyyy!! Sige na!!!"

"Ano ba! Lumayo ka! Hahahahhaha"

"Halika kana baby! Kiss mo na ako!" Asar ko pa sa kanya.

"Kulit mo ha! Hali ka dito!"

Bigla niyang hinawakan ng dalawang kamay ang mukha ko ang hinalikan ako sa labi ng madiin at nakakakuryenteng halik. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na iyon pero ang alam ko ay parang nag slomo ang mundo ang bumilis ang tibok ng puso ko na ngayon kulang ulit naramdaman.

Hindi ako nakapag salita nag bitawan niya ang labi ko. Pagkabitaw niya ay kinuha niya agad ang kanyang baso at ininom ang lahat ng laman nito.

Hindi parin ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kanya habang hawak hawak ang labi ko.

"Oh? Bat di kana makagalaw diyan? Haahah ikaw yata ang na awkward eh." Asar nito sa akin.

"Hi-hindi k-ko lang kasi inaasahan -"

"Na hahalikan talaga kita?"

"Parang ganun na nga."

"So sino ang na tameme ngayon? Malambot ba ang labi ko?"

"Alexis!!!!"

"Bakit? Hahaha ikaw nag simula nito!"

"Iminom nalang tayo! Cheers!"

Inubos namin wine at dumiretso na sa kwarto niya. Binigyan niya ako ng damit pang palit at nag half bath muna ako bago matulog. Hindi parin mawala sa isipan ko ang halik niya at pati na ang dulot nitong kuryente sa buong katawan ko. Ayaw ko mang aminin pero alam ko na nagustuhan ko iyon.

Sana naman wag ko hanap hanapin.









~~~~~~

First kiss. 👩‍❤️‍💋‍👩

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon