37: Diane

1.7K 52 24
                                    

Alexis

"Uuwi kaba sa inyo bukas?" Tanong ni Diane habang naghihintay ng order namin.

Nasa isang resto bar kasi kami ngayon kasama pa ang iba naming officemate. Kakatapos lang mag OT at nag pasyang mag chill muna saglit bago umuwi.

"Hindi eh. May pasok kaya ako. Kakaasar nga eh. Ngayong pasko lang nag iba ang day off ko, hindi tuloy ako maka uwi."

"Ay sayang naman. Edi sa apartment kalang magpapasko?"

"Hindi din. Doon ako sa kanila ni Hazel. Hindi din sila uuwin ni Nicole eh kaya sama-sama na kami doon. Gusto mong pumunta?"

"Ah hindi na. Thank you pero uuwi ako eh. Day off ko kasi."

"Wow! Swerte mo ah! Sayo siguro napunta yung day off ko last year. Hahahahah!"

"Naka chamba nga ng magandang off. Hahaha."

Lima kaming magkakasama ngayon. Tatlong bakla at dalawa lang kaming babae. Kasama ko din sila sa security team. Nililibang ko lang ang sarili ko para mamaya pagdating sa bahay ay makatulog na ako ng diretso at hindi na makapag isip ng kung ano-ano.

Dumating na ang order namin at nagsimula na ang magandang kwentuhan. Habang nakikitawa sa mga kasama ko ay naramdaman ko ang phone ko na nag vavibrate kaya agad ko itong kinuha. Si Kat pala. Nagtatanong kung sa 25 ba ang exchange gift namin. Gusto ko siyang tanungin kung anong gusto niyang gift pero nag dadalawang isip ako baka ma obvious niya na ako ang naka bunot sa kanya.

"Uy! Ang kj mo naman! Baba mo nga yang phone mo!" Saway sa akin ni Diane.

"Ay sorry. Kasi.." bigla niya itong kinuha sa akin.

"Sakin na muna to. Makisama ka naman!" Sabi pa niya.

"Oo nga Lex. Wag ka puro phone nag seselos si Diane eh!" Dugtong pa ng isang kasama namin.

"Uy loko ka ah!" Saway naman ni Diane sa kanya.

Naisipan kong asarin si Diane.

"Diane naman eh. Wag kanang mag selos. Ikaw lang baby girl ko."

"Oooooooooh!!!!" Sabay na reaction nila sa sinabi ko!

Napansin kong namumula si Diane at hindi nakapag salita.

"Uy si Diane nag bu-blush! Hahahahha" sabi pa nila.

"Lakas ng tama mo kay Alexis ah!" Dugtong pa ng isa.

"Tumigil nga ako! Okay! Okay! Inaamin ko crush ko dati si Alexis pero hindi na ngayon kasi alam ko na Straight siya." Rason pa nito.

"Uyyyyy! Pwede pa yan! Palagay ko kaya mong ibaliko si Alexis." Asar pa ng isa. Ako naman ay tawa lang ng tawa sa mga pinag sasasabi nila.

"Kaya ko nga ba Lex?" Tanong ni Diane sa akin.

"Ha? Tignan natin."

At sabay na namang kinilig ang mga loko na kasama namin.

Natapos na ang inuman at kami parin ang topic kaya sinakyan ko nalang. Hindi ko alam kung sineseryoso ba ni Diane ang mga sinasabi niya o sumasakay din ito sa akin.

Nagpasaya akong ihatid si Diane sa bahay nila kasi gabi na.

Habang nasa traffic ay nag eenjoy lang kami sa mga kantang tumutogtog sa radio. Classic love songs kaya bet na bet namin at memorize pa ang nga lyrics. Sabay kaming kumakanta sa loob ng kotse na parang nag coconcert.

🎶 " Dont you remember you told me you love me baby!!!!!!!!!!!!" Banat ko pa.

🎵" You said you were coming back this way again!!!!!!!!!!!!"

🎶 "baby baby babyyyyyyy baby babyyyyyy!!!!! Iloveyouuuuuuu!"

"Iloveyou too."

At bigla akong natigilan sa sagot niya sa lyrics ng kanta ko.

"Alam mo naman dati pa diba?" Sabi pa nito.

"Ahmmmm Diane."

"Hindi ko nga alam kung anong meron sayo na natitibo talaga ako. Ikaw lang ang babaeng tinamaan ako ng ganito."

Napangiti ako sa sinabi niya pero siya naman ay seryoso ang mukha.

"Hindi ko naman ipililit Lex. Gusto ko lang malaman mo na hanggang ngayon gusto parin kita."

"Hindi mo naman kailangan ipilit eh. Masaya din akong kasama ka pero kasi Diane. Hindi ako ang tipong mabilis mag commit sa isang relasyon. I hope you understand."

"I understand. Alam ko din na hindi ka mahilig sa commitment. May gusto ka na bang iba?"

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko si Sab ng tinanong ako ni Diane kung may gusto ba akong iba.

"Wa-wala."

"Buti naman. Selosa ako eh. Hehehe"

"Ako din eh. Hahaha"

Ang gaan kasama ni Diane. Mabait itong babae at desente pa. Hindi ko nga rin alam kung anong nikita nito sa akin eh ang dami dami namang nanliligaw sa kanya. Lesbian talaga siguro si Diane.

Ng dumating na kami sa bahay nila ay nagpaalam na ito.

"Tulog na ata mga tao sa inyo. Patay na ang ilaw oh."

"Maaga kasi natulog nila Mama at Papa eh. Thank you ha? Ingat ka. Itext mo ako pag dating mo okay?" Sabay halik nito sa pisnge.

"Okay po. Youre welcome. Hehehe."

Ngumiti lang ito at binuksan na ang pinto ng kotse.

"Ahmmmm. Diane?"

"Oh?"

"Wag mo isipin na ayoko sayo ha? It's just-......"

Bigla itong lumapit at hinalikan ako sa labi. Matagal at madiin na halik.

"Don't worry. Naiintindihan kita. Goodnight Alexis."

And I was left speechless.









~~~~~~~~~~~~~~









Umuulan din ba diyan sa inyo?
Dito sa amin halos 2 weeks ng umuulan. Sarap tuloy humiga habang kayakap ang mahal mo. Hihihihi. ❤️

Take care kayo palagi. 😍

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon