40: Christmas wish

1.7K 56 14
                                    

Alexis

📞 "hello??? Asan kana? Ikaw nalang hinihintay dito oh!"

"Papunta na ako diyan Haze. Nag dadrive ako ngayon."

"Ah okay. Sige mag ingat ka."

"Okay! Bye!"

Galing office ay dumaan pa kasi ako ng mall para bumili ng ireregalo ko kay Sab. I bought her a pillow.

After 15 minutes ay dumating narin ako ng condo ni Hazel.

"I'm here!!!!! Merry Christmas!!!" Bati ko sa kanila ng buksan ko ang pinto.

"Merry Christmas!" Sabay halik nilang sa akin. Pang huli si Sab na lumapit at bumati.

"Merry Christmas. Tagal mo ah. Oh? Bat dalawa yang gift mo?" Tanong nito sa akin.

"Secret. Hahahha"

"Oh halina na kayo ng maka kain na tayo." Tawag naman ni Nicole.

Ang ganda ng vibes ngayon dito. Masaya ang lahat at halatang excited. Ang ganda ganda ni Sab ngayon. Para siyang diyosa na bumaba galing langit. Ang cute ng suot niyang dress. Bagay na bagay talaga sa kanya.

"Wow!!! Sarap ng foods ah!"

"Kami ni Kat ang nag handa niyan Lex." Sabi ni Nicole.

"Kaya pala mukhang maarti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kaya pala mukhang maarti. Kasi pag si Hazel yan sigurado puro lechong manok lahat. Hahahahha" biro ko sa kanila.

"Ikaw Alexis, paskong-pasko inuunahan mo ako ha! Oh sige na kain na tayo."

Sabay lahat kaming kumain at nag kwentuhan.

"Anong Christmas wish niyo? Start tayo kay Nicole then counter clock wise. Game?" Sabi ni Hazel.

"Game!"

"Ahmmmm. Simple lang naman eh. Yung healthy lang kami palagi ng family ko pati na ng Hazel ko."

Kinilig ang lahat sa sinabi ni Nicole at sabay sabay na nag react. Abot tenga naman ang ngiti ni Hazel.

"Okay okay!!! Iloveyou baby. Thanj you." Sabay halik ni Hazel kay Nicole.

"Ikaw naman Cass."

"Ako. Hmmmmm. Yung wish ko is sana magka love life narin ako. Hahahahaha." Sabi pa nito.

"Paano ka magkaka lovelife eh napaka choosy mo! Hahahah" sagot pa ni Hazel sa kanya.

"Oo nga haze! Kala mo naman artista. Hahahah!" Dagdag mo pa.

"Uy sobra naman kayo! Di naman ako ganun ka cheesy ah. Slight lang. hahaha yun lang. Oh ikaw na Kat."

"Yung Christmas wish ko sana mag propose na yung boyfriend ko."

At nag react na naman kaming lahat ng sabay sabay.

"Uyyyyyy. Hahaha. Gaano na nga kayo ulit katagal Kat?" Tanong ni Cass.

"8 years na kaya kami nun!"

"Tagal narin pala."

"Okay! It's Sab turn!" Sabi naman ni Nicole.

"Isa lang naman yung gusto ko this Christmas eh—"

"Yung mag propose din si Lance?" Cut sa kanya ni Kat.

"Ohhhhhhhhhh! Hahahaha. Di bale Sab. Sasabihin ko sa pinsan ko bilisan na niya. Hahahah" dugtong naman ni Hazel.

"Hahaha hindi ganun. Di ako nagmamadali. Hahahah"

"Okay okay. Sorry. So ano na nga yun?" Tanong naman ni Kat.

"Gusto ko ng true love."

And again, sabay sabay na naman kaming napa "Oooohhhhhhhhh"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Uyyyy! True love talaga? Si Lance ba hindi true love?" Tanong ni Nicole.

"Hindi pa naman natin alam kung true love ko na talaga siya kasi bago palang diba? Kaya ayun, gusto ko ng totoong totoo talaga."

"Wow Sab ha? May mga true love kanang nalalaman ngayon eh dati ni ayaw mong mag commit." Dugtong naman ni Kat.

"Iba na ngayon Kat. Tinamaan na kay Lance eh. Diba Lex?" Tanong naman ni Hazel.

"Ah- O-Oo. Lakas ng tama kaya nagkakaganyan yang best friend mo Kat. Hahahh"

"Sana nga true love na si Lance. Oh ikaw na Lex." Sabi ni Sab.

"Ah ako? Hmmm. True love din?"

"Edi kayo nalang. Pareho palang true love ang gusto niyo eh. Hahaha" sagot naman ni Cass.

"Di na pwede Cass. May Lance na yan eh." Sagot ko.

"Eh kung wala pala, pwede kayo?" Gulat na tanong ni Kat.

Pagtingin ko kay Sab ay titig na titig ito sa akin na tila hinihintay ang sagot ko.

"H-hindi. Hahaha ano ba kayo. Walang talo-talo. Diba Sab?"

"A-ahhh t-tama nga naman Lex."

Halos hindi niya maideretso ang pagsasalita niya at halatang nahihiya.

"Uy nauutal na si Sab oh. Hahaha wag niyo na ngang asarin." Saway naman ni Nicole sa amin.

"Hahahaha. Oo nga. Okay. It's my turn. Wish ko ay sana mas tumagal pa ang pagkakaibigan namin pati na ang pag iibigan namin ng Nicole ko. Yun lang!"

"Uuuuuuhhhhhhhhh how sweet."

Natapos na ang nga Christmas wishes namin at nag patuloy na sa pagkain.
Hindi na naman maka tingin ng diretso si Sab sa akin kaya kinausap ko ito para hindi mailang.

"Gusto mo ba nito? Try mo masarap to." Sabay abot sa kanya ng potato salad.

"Ah okay. Sige. Salamat."

Nilagyan ko agad siya sa plate niya.

"Okay kalang?" Tanong ko.

"Oo naman. Giniginaw lang ako."

"Gusto mo pahinaan ko yung AC?"

"Ah wag na. Okay pa naman eh."

"Ang sexy mo kasi eh. Mag kikita ba kayo mamaya ni Lance?"

"Syempre dapat pretty tayo this Christmas day no! Hindi eh. Busy kaya yun."

"Ay sayang naman. Dapat kasama mo yung special someone mo ngayong pasko."

"Kasama ko naman eh."

"Eh akala ko di kayo magkikita?"

"Kasama naman kita. Special ka kaya sakin."

Hindi ko alam kung may nakain ba akong maanghang pero feeling ko namumula ako ngayon. Hindi agad ako nakasagot at palihim na ngumingiti.

"Wag mo ng itago yang ngiti ko. Gustong gusto kong makita yan eh."

"Naka ngiti ba ako? Di kaya." Tanggi ko pa sa kanya.

"Oo kaya. Yung smile na mukhang kinikilig."

"Hahahah yun ba yun? Mukhang di naman."

"Sus! Kunwari kapa!"

Ang saya ng dinner na to. Kinikilig ba talaga ako? Ewan, basta ang alam ko masaya ako ngayong araw na to. Sobrang sayang pasko kasi kasama ko siya. Kasama ko si Sab. Iba ang saya na dulot niya sa akin. Ibang iba talaga.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon