Sab
Hindi ako makapaniwalang simana ako ni Alexis dito sa bahay nila. Hindi man lang ako nakapaghanda. Mababait ang pamilya niya ang I feel so special on how they treated me here. Masaya akong nandito ako ngayon. Masaya akong kasama ko siya.
"Gising kapa pala?" Tanong nito sa akin habang nakahiga na sa tabi ko.
"Medyo."
"Napagod kaba ngayong araw?"
"Di naman masyado. Ikaw?" Sabay harap ko sa kanya.
"Medyo pagod din pero ayoko pang matulog eh."
"So anong gusto mong gawin?"
"Humiga at pagusapan ang mga bagay-bagay."
"Hmmmmm. Mga bagay-bagay? Like what?"
"Kahit anong tungkol sayo?"
"Bakit tungkol sa akin? Tungkol sayo nalang total nasa bahay naman tayo ninyo eh."
"Game! Anong gusto mong malaman na mga bagay-bagay tungkol dito sa bahay?
"Hmmmmm. Sino si Kyla? Asan na siya ngayon?"
"Hahah siya talaga itatanong mo?"
"Oo naman. Kanina kasi ng naiwan kaming dalawa ng Papa mo habang nag luluto siya, puro si Kyla ang ikinukwento niya sakin."
"Talaga? Hay nako, si papa talaga!"
"Sino nga siya? Best friend mo daw pero ba't parang ayaw mong pag-usapan? Nag away ba kayo?"
"Hmmmm. Antok na ako eh. Tulog na tayo." Sabay talikod nito sa akin.
"Alexis naman eh. Sige na. Kwento mo na."
"Wag nalang. Matulog na tayo."
"Eh sabi mo kanina ayaw mo pang matulog eh."
"Bigla nalang kasi akong inantok eh."
"Ewan ko sayo. Bahala ka!" Tumalikod din ako sa kanya at hindi na kumibo.
Ilang minuto ding naging tahimik at naramdaman ko nalang na niyakap niya ako sa likod at bumulong.
"Goodnight"
Halos tumayo ang buong balahibo ko sa ginawa niya dahil weakness ko talaga pag may bumubulong sa tenga ko. Nandiyan kasi ang kiliti ko. Hindi ko parin siya pinansin at nanahimik habang siya naman ay nakayakap sa likod ko.
~~~~~
6:30 am ng nagising ako na nakayakap kay Alexis. Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya pero nagising din ito. Kinuha nito ang kamay ko at pinayakap ulit sa bewang niya sabay talikod sa akin.
"A-alexis"
"Hmmmm? Tulog pa tayo."
Ang cute ng boses niyang bagong gising.
"Ahhh- ehh.. K-kasi-"
"Shhhhhh. Antok pa ako."
Hindi nalang ako nagsalita at ipinikit nalang ulit ang mga mata ko habang nakayakap parin sa kanya.
7:30 ng nagising kaming dalawa ng isang katok sa pinto.
"Girl? Breakfast is ready. Baba na kayo." Sabi ni Tito sa amin.
Humarap si Alexis sa akin at ngumiti.
"Baba na tayo?"
Tumango lang ako sa kanya.
Sabay kaming bumaba at completo na sila sa mesa.
"Good morning girls. Upo na kayo"
"Good morning po sa inyong lahat." Bati ko naman sa kanila.
Agad kaming umupo ni Alexis at nagsimula ng kumain. Napaka aliwalas ng bahay nila at nakakarelax ang gumising sa ganito klasing bahay. Samahan pa ng preskong hangin at maiinit na kape.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami ni Alexis sa garden ng lola niya sa likod ng kanilang bahay. Meron silang parang green house at puno ito ng mga gulay na kamatis. Meron din silang alagang rabbits.
"Ang cute naman dito. Matagal kana bang nag aalaga ng mga rabbits?"
"Oo, highschool palang. Alaga namin ni.."
"Nino?"
"Halika Sab, tingnan mo yung isa dito oh. Ang taba-taba hahahahah"
Pilit iniiba ni Alexis ang usapan kaya hinaayan ko nalang. Mamaya ko nalang ulit itatanong ang lahat sa kanya pag nasa kotse na kami pauwi.
Matapos naming mamasyal sa garden ay umukyat kami sa pabalik sa kwarto niya para mag ligpit na ng gamit pabalik sa Manila. May pasok na kasi ako kaya hindi na kami makakapag lunch dito.
"Ang cute-cute mo naman dito. Mula pala elementary ay football player kana?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga frame sa mesa niya.
"Gustong gusto kasi ni Papa yung football kaya mula pagkabata yan na talaga ang sports namin ni kuya."
"Ang galing naman. Alam mo wala akong alam na sports."
"Obvious naman eh. Hahaha Puro pakikay lang siguro alam mo dati?"
"Uy hindi ah. May hika kasi ako kaya bawal daw."
"Talaga? Hikain ka pala?"
"Dati noong highschool at college pero ngayon hindi na masyado."
Habang tinitignan ang mga picture ay may napansin akong isang maliit na frame na kasama niya ang isang babae at pareho silang naka football uniform.
"Ito ba si Kyla?"
"Huh?"
"Siya ba to?"
"Ahhh Oo, siya yan."
"Sabi ko nga na eh. Ganda niya pala?"
"Maliligo na muna ako ha?"
"Ayan kana naman eh. Kagabi kapa ah! Bat ba pag tinatanong ko si Kyla umiiwas ka?!" Hindi ko napansin na mataas na pala ang boses ko.
Kitang kita sa mukha ni Alexis ang pagkagulat sa maglakas ng boses ko.
"S-sab."
"Akala ko ba kaibigan mo ko? Bat ayaw mo ikwento?"
"Natatakot ako."
"Bakit?! Hindi kita maintindihan."
"Just promise me na hindi ka magbabago sa akin."
"I promise."
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomantiekYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
