Alexis
Saturday.
Isang linggo din kaming hindi nagkita ni Sab pero naguusap parin kami time to time. Nag uusap narin sila ni Lance at nakalimutan kong sabihin sa kanya na pinsan pala ni Hazel si Lance. Close na silang dalawa at nag paplano ng mag meet up. Okay na okay si Lance kay Sab pero siya naman ay parang nag dadalawang isip pa kay Lance kasi daw mukhang chick boy. I assured her naman na mabait tong Lance na to.
Mamayang gabi na ang party ni Nicole sa condo ni Hazel. Darating mamaya si Lance doon pero hindi niya sinabi kay Sab para daw surprise kaya ako ay tahimik nalang din.
6:00 PM kami mag kikita sa condo ni Hazel. Nagpunta muna akong mall saglit para maghanap ng ireregalo kay Nics.
5:45 PM na ng naka uwi ako sa bahay. Tawag nag tawag na si Hazel sa akin kung nasaan na daw ako kasi nandoon na si Sab at Kat. Hindi man lang ako hinintay ni Sab. Ni hindi man lang tumawag o nag text na papunta na pala sila. Okay lang, busy siguro sa kakatext kay Lance which is a good thing naman.
Naligo muna ako bago pumunta ng condo ni Hazel. Malapit lang din naman to dito kaya hindi na ako nag madali.
6:15 PM ng tumawag ulit sa akin si Hazel habang nag dadrive ako papunta na sa kanila. 6:50 na ng dumating ako sa kanila. Ang hindi nila alam ay dinaanan ko pa si Lance sa NAIA.
"Nandito na ako!" Sabay bukas ko ng pinto. Iniwan ko muna si Lance sa labas para surprise.
"Tagal mo naman!" Reklamo pa ni Hazel.
"Sorry naman po. Traffic kasi. Happy birthday Nicole!" Sabay abot ng gift with matching yakap at halik ko sa kanya.
"Thank you ha? Okay na kahit late ka may gift ka naman eh."
"Hahaha. Na late ako kasi sinundo ko pa si Lance sa NAIA." Bulong ko sa kanya.
"Ahhhh. Okay. Asan siya?"
Sabay nguso ko sa labas.
"Oh ano na ang pinagbubulungan niyo!" Sita naman sa amin ni Cass.
"Hahaha wala. Asan si Sab tsaka si Kat?"
"Nasa likod nag BBQ. Amoy usok na nga ang dalawang yun eh. Hahahahah"
Binalikan ko muna si Lance sa labas at pinapasok namin ni Hazel. Pinaupo siya sa sofa bago namin tawagin si Sab.
Agad naman akong nag tungo sa likod para tawagin si Sab at Kat.
"Uyyyy. Sarap naman niyan." Sabi ko.
"Alexis!!! Nandito kana pa. Bat ang tagal mo?"
"Sorry Sab ha? Traffic kasi eh. Tara Sab, Kat pasok muna tayo sa loob."
"Mamaya na. Tatapusin ko muna to." Tanggi pa ni Sab.
"Kunin mo muna sa apoy yan. Importante to."
"Sige na nga. Bakit ba?"
"Basta. Halik ka na."
Pagpasok namin sa loob ay laking gulat niya ng nakita niya si Lance. Namula agad ang bata ng lumapit ito sa kanya.
Nag shake hands naman sila sa isa't isa na parang nag kakahiyaan pa. Syempre hindi silang dalawa naka ligtas sa asar ng bawat isa. Sinabi din ni Hazel na pinsan niya si Lance.
Habang nag eenjoy ang lahat sa loob ako naman ang pumalit sa kanila tumapos naiwan nilang pag BBQ. Matapos mag prepare ang lahat at salo salo na kaming nag dinner. Hindi mawawala ang pagkanta ng happy birthday kay Nicole at nag speech din si Hazel para sa girlfriend niya. Naging emotional naman si Nicole at napaluha. Damang dama namin ang pag iibigan nilang dalawa. Si Sab naman ay dahan dahan ng nagiging comportable kay Lance at ganun din ito sa kanya. Ang dami nilang pinag uusapan na silang dalawa lang ang nakaka intindi.
Matapos kumain ay nag simula na ang kantahan at inuman. Nagsimula na naman sa kakulitan si Cass, this time ay magkapartner na silang dalawa ni Kat sa kakulitan. Grabe din pala ang tama ni Kat. Lakas din maka goodvibes at pumarty pati na uminon. Habang nasa sala kami at nag kakantahan. Si Sab naman at Lance ay naiwan sa dinning table na nag uusap.
"Uy! Kat tawagin mo nga yang best friend mo ng maka tagay din sila dito." Sabi pa ni Cass.
"Wag na muna Cass. Hayaan na muna natin sila. Aalis din naman mamaya si Lance eh." Sabi ko sa kanila.
Nagkibit balikat nalang si Cass at nagpatuloy sa pag kanta.
Habang nag iinuman ay napansin kong wala ng kaming yelo kaya lumapit ako sa ref para kumuha.
"Excuse lang muna ha? Kuha lang ako ng yelo, tuloy niyo langa ang kwentuhan niyo." Sabi ko habang kumukuha ng yelo sa ref.
"Alexis naman eh. Hahaha baliw ka talaga." Sabi ni Sab habang si Lance naman ay pa ngiti ngiti lang.
"Ayaw niyo bang sumabay sa amin? Ikaw Lance? Di kaba iinom?"
"No, thanks. May flight pa kasi ako mamayang madaling araw eh. Aalis na rin ako later to take a rest." Sagot nito sa akin.
"Ahhhh. Oo nga pala. Sige, sabihin mo lang sakin if aalis kana ng maihatid kita. Kaming dalawa ni Sab."
"Sure, thanks Alex."
"Basta ikaw."
Bumalik na ako sa sala at naiwan silang dalawa. Lakas na ng tawanan ng lahat ng lumapit si Lance para mag paalam.
Hinatid naman namin siya ni Sab sa hotel na tinutuluyan ng mga kasama niya. Niyakap niya si Sab at hinalikan sa pinge bago pumasok. Hindi ko alam kung bakit gusto kong pumikit ng mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
Roman d'amourYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
