Alexis
5:30 PM
Nasa kanya kanyang room kami namin at nagpapahinga. Kagagaling lang namin sa island hopping. Habang naka higa kami ni Diane sa kama ay nagtanong ito sa akin.
"Mahal? May itatanong ako sayo pero dapat sabihin mo ang totoo ha?"
"Oo naman."
"May past ba kayo ni Sab?"
"Ha???? Hahahaha. Bat mo naman natanong yan?"
"Kasi nararamdaman ko."
"Mahal naman eh. Wala no!"
"Yung totoo."
"Okay. Hindi ko alam. Sige, aaminin ko sayo. Muntik na akong magkagusto kay Sab pero naging sila na ni Lance."
"Eh ngayon? May gusto kapa rin ba sa kanya?"
"Syempre wala na. May Diane na kaya ako."
"May gusto din ba siya sayo?"
"Hindi ko alam. Siguro wala, sinagot niya si Lance eh."
"Eh kung hindi niya pala sinagot eh sana kayo na ngayon?"
"Hindi naman siguro. Hindi niya naman alam eh."
"Feeling ko kasi may gusto din siya sayo eh."
"Mahal naman. Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Mahal kita."
"Wag mo akong saktan Lex. Hindi ko makakaya."
"Hindi kita sasaktan. Wag ka na ngang magisip ng ganyan. Nandito tayo para mg enjoy. There is nothing to worry about." Hinalikan ko sa noo si Diane at niyakap.
Alam kong nagseselos siya kay Sab pero kailangan niya namang malaman ang past namin kaya sinabi ko nalang. Wala naman siyang dapat ikabahala eh. Wala naman akong balak guluhin si Sab at Lance. Mahal ko si Diane.
Ng dumilim na ay nagsimula na ang party. Maraming tao at inumin kaya siguradong mag eenjoy kaming lahat dito. Nasimula na kaming pumwesto sa isang umbrella at kumuha na ng inumin. Marami na ang nagsasayawan sa tugtog at nagkakantahan. May DJ na sa stage at laganap na ang iba't ibang uri ng couple.
"Let's start the party!!!!" Sigaw ni Hazel sabay tapong ng isang bucket ng beer sa mesa namin at sumunod din si Lance. Dalawang bucket na ang nasa table namin ngayon kaya nagsimula na kaming mag inuman.
After an hour, napansin kong si Diane at naka tatlong bottles na habang ako ay isa't kalahati palang.
"Mahal, hinay hinay lang sa pag inom ha? Mahaba pa ang gabi. Okay?"
"Kaya ko pa mahal. Ano akala mo sa akin? Mahina sa inuman? Hahah"
"Oo nga naman, Lex. Hayaan mo nga si Diane. Woooooo" sabi naman ni Nicole.
"ehhh. Kasi naman....."
"Shhhhhhh. Dont worry!" Sabay halik ni Diane sa lips ko." Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Whoa!!!! Kakainggit naman pakiss nga rin ako babe!" Sabi pa ni Lance sabay nguso kay Sab.
Nagtawanan naman ang lahat. Lumalalim na ang gabi at marami na ang mga nakakalat na bote ng beer na walang laman sa mesa namin. Sayaw na ng sayaw si Hazel at Lance sa tugtog at ganun din si Diane. Hindi ko alam kung bakit naging mas clingy si Diane ngayon sa akin. Ang sweet-sweet niya ngayon na parang walang pakialam kung may makakita man sa amin. Panay halik nito sa akin at hawak sa maseselang bahagi ng katawan ko. Pag nag uusap kami ni Sab ay doon din siya sasayaw sayaw sa akin sabay halik sa leeg. It's not a usual thing for us pero siguro ang lakas na ng tama niya. Marami narin kasi itong nainom kaya medyo hindi na tama ang mga galaw niya.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomantikYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
