Alexis
Habang nag aayos na ako ng kama para matulog ay nag ring ang cellphone ko.
📞 " Hello? Kat? Napatawag ka?"
"Lex, sorry ha? Nakakahiya naman pero nandito ako sa On the Spot kasama ko si Sab. Lasing na lasing siya ngayon. Hindi ko siya kayang mag isa."
"Bat naman kayo nag lasing diyan? Sige, papunta na ako."
"Dito ko nalang ikukwento sayo ang nangyari. Okay?"
"Okay sige. Papunta na ako. Bye!"
Agad akong nagmadaling bumihis at pumunta ng resto bar kung nasaan silang dalawa ni Sab.
After 15 minutes ay dumating na ako at nadatnan ko siyang hawak-hawak ang bote habang kumakanta kanta pa sa tugtog. Dahan dahan akong lumapit sa kanila pero hindi ako pinansin nito. Mapupungay na ang kanyang mga mata.
"Lex, nandito kana pala!"
"Anong nangyari dito?" Sabay turo kay Sab na nakayuko.
Lumapit si Kat sa akin at ikinuwento ang dahilab kung bakit siya naglalasing ngayon. Sira ulong Lance to, lagot talaga siya sakin.
"Walang hiya siya! Gusto ko siyang patayin Kat!!!"
"Kaya nga eh. Naawa ako kay Sab."
"Kasalanan ko to eh. Kung hindi ko nalang sana ipinakilala si Lance sa kanya- "
"Edi sana kayong dalawa na?" Cut ni Kat sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Hindi no!! Kat talaga oh. Ito na ba karami ang naubos niya?" Tanong ko habang tinitignan ang mga boteng walang laman.
"Sab!! Uy!!! Nandito si Alexis oh." Tawag ni Kat sa kanya.
Bumangon ito sa pagkakayuko at tumingin lang sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Tinititigan parin ako nito na parang kinikilala. Lasing na nga talaga siya.
"Hindi naman si Alexis yan. Tsaka di pupunta dito yun! Magagalit yung girlfriend niyang selos" Sabi pa nito sabay laklak sa hawak niyang bote. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Siya nga yan oh!!! Pinuntahan ka!" Insist pa ni Kat.
"Hindi nga siya yan! Pag mahaba ba yung buhok, si Alexis agad?"
Pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa at nanatiling tahimik lang. Ganito na ba talaga karami ang na inom niya at hindi na ako makilala? Nagtinginan lang kami ni Kat at ngumiti habang nagsasalita si Sab ng kung ano ano.
"Mahal mo ba si Alexis?"
Nagulat naman ako sa biglang tinanong sa kanya ni Kat.
"Mahal ko si Alexis Kat!!!! Kahit ang manhid manhid niya!!" Bumilis ang tibok ng puso ng narinig ko ang sinabi niya.
"Oh diba? Sabi ko sayo eh." Sabay apir sa akin ni Kat. Hindi parin ako nakapagsalita.
"Bat di mo sinabi kay Alexis na mahal mo pala siya?" Tanong ko kay Sab.
"Kasi ayokong masira ang friendship namin. Ayokong mabasted niya."
"Paano mo naman nasabi na basted kana kaagad?"
"Kasi alam ko hindi niya ako type!!!"
"Type ka nun!"
"Hindi! May girlfriend na yun eh. Tsaka kung type niya ako, bat niya pa ako irereto sa hayop na Lance? Diba?"
"Baka na coconfuse pa siya dati."
"Bakit? Ako nga din eh.!!!!! Puch@!! First time ko nangang magkagusto sa kapwa ko babae!!!!"
Until now hindi parin niya na rerecognize na ako ang kausap niya. Ang cute-cute niyang tignan. Parang gusto ko siyang halikan. Kinikilig ako sa mg sinasabi niya.
"Ako lang naman yata ang may gusto kay Alexis eh! Nagseselos ako pagmagkasama sila ng syota niya! Bwiset! Parang gusto ko silang paguuntugin habang naghahalikan sila sa harap namin!!"
"Talaga? Bakit ka nagseselos?"
"Eh gusto ko nga si Alexis! Sana ako nalang girlfriend niya, hindi yung Diane na yun!"
"Eh diba may boyfriend ka narin?"
"Eh hindi ko naman mahal yun eh."
"Eh sino mahal mo?"
"Si Alexis lang. Ang tanga ko!!!! Bat ko pa inamin sa kanya! Ang tanga tanga ko!!! Halos mamatay ako sa sakit nf malaman kong may girlfriend niya siya. Ngayon wala na akong magawa kasi ang tanga tanga ko!!!!!"
Bigla ng umiyak si Sab kaya niyakap ko na siya kaagad. Doon ko naramdaman na mahal na mahal niya pala talaga ako. Gusto kong matuwa sa mga nalaman ko pero mas natakot ako. Paano na si Diane? Paano na ang girlfriend ko? Ngayon ay mas nalito ako sa nararamdaman ko.
Itinayo ko si Sab sa kinauupuan niya para dalhin na sa kotse. Pinagtulugan siya namin ni Kat na maipwesto ng maayos sa kotse.
Habang nasa kotse ito ay umiiyak padin at nagsasalita. Ako parin ang bukang bibig nito. Naawa ako sa kanya at the same time ay nagi-guilty.
"Lex, sorry talaga sa abala ha? Wala na talaga akong alam na ibang tawagan eh."
"Okay lang. Ano kaba Kat."
"Okay naman diba? At least alam mo kung sino talaga mahal ng best friend ko."
"Oo nga eh. Pero baka lasing lang yan kaya nasabi niya ang mga ganyan."
"Ang manhid mo naman Lex. O siguro nag mamanhid-manhidan kalang kasi may girlfriend ka. Tama ba ako?"
"Hindi naman sa ganun Kat."
"Kawawa naman si Sab. Lahat ng minamahal niya eh may iba na."
Napaisip ako sa sinabi ni Kat. Mali bang mahalin si Sab kahit commited ako sa iba? Eto na naman ako eh, magmamahal na naman ba ako ulit ng sabay?
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...