Alexis
3 weeks later
"Kumain kana! Kung di mo kakain yan, ako talaga kakain niyan." Banta pa ni Cass sa fried chicken ko. Lunch time kasi namin.
"Oh, sayo na." Sabay abot kanya ng plato ko.
"Di mo talaga kakainin? Halos walang bawas oh?"
"Busog na ako eh."
"Hay nako Alexis, kung gusto mong magpakamatay wag kang magpagutom. Matagal kapa bago mamatay niyan eh."
"Di naman eh. Busog talaga ako."
"Ano ba kasing problema mo? Yung sinabi ng mga bakla?"
"Ako talaga sinisisi nila na lumipat si Diane eh."
"Eh ikaw naman talaga eh. Sino pa ba?"
"Di ko naman sinabing lumipat siya ah."
"Hello? Tanga kaba? Syempre nasaktan yung tao, gugustuhin pa ba kaya niya na kasama ka sa iisang work place?"
"Gusto kong mag sorry sa kanya."
"Kung papatawarin karin niya, malamang hindi ngayon."
"Oo nga. Hayyyyy. I feel so down!"
"Wag mo na kasing isipin yan. Tagal narin kayong break ah. Hayaan mo na siyang mag move on sayo."
"Tagal na nga. Tagal ko naring ganito. Gabi gabi parin akong umiiyak Cass."
"Sino ba talaga iniiyakan mo?"
"Yung sitwasyon ko."
"Yung naghiwalay kayo ni Diane o kasi wala na talaga si Sab?"
"Gustong gusto kong makita si Sab. Gustong gusto ko siyang makausap. Gusto kong sabihin sa kanya na miss na miss ko na siya. Na mahal na mahal ko siya. Gusto kong malaman na siya parin ang gusto ko."
"Eh wala na. Huli kana eh. Kung sinabi mo na sana sa kanya dati yan, sigurado kayong dalawa na ngayon. Walang Diane, walang Lance sa eksena."
"Huli na nga talaga. Hayyy. Wala kabang balita sa kanya?"
"Wala din. Nagtatanong ako kay Kat ayaw naman sabihin. Miss ko na nga rin silang dalawa eh."
"Siguro okay na talaga siya no? Siguro may bago na yun?"
"Pwede. Pero kung mahal ka talaga nun, di siya mawawala ng basta basta."
"You have a point. Siguro wala na talaga ako systema niya."
"Kung si Sab eh nakapag move on na, dapat ikaw din. Tama na kakaisip sa kanya."
"Sige. Ako din. Iiyak ko na lahat to mamaya tapos wala na."
"As in last na?"
"Oo! Last na talaga!"
"Edi mag balikan na kayo ni Diane?"
"Shunga! Di pwede ang ganun! Okay na si Diane. Ayoko ng saktan siya ulit"
"Buti naman nag iisip kana ngayon no?"
"Back to single life na naman ako. Ayoko na talagang ma inlove!!!"
"Whe? Kahit bumalik si Sab?"
"Ibang usapan na yan!"
"Hahahahahahha. Sabi ko na nga ba eh."
"Joke lang! Wag mo na nga akong asarin! Mas lalo siyang namimiss eh."
"Okay, sige. Di na po mauulit. Hehehe"
"Akin ma nga yan pagkain ko. Nagutom ako bigla." Sabay agaw sa kanya ng friend chicken ko.
"Uy ang daya! Binigay mo na sakin to eh!!!!"
"Akin!!!!! Bili ka nalang ulit!!!!!"
~~~~~~~~~
Matapos kaming kumain ay bumalik ako sa head quarters at gumawa ng report habang si Cass ay nag rounds.
Habang nasa station ako at nakaharap sa PC ay narinig kong may pumasok sa pinto sabay sigaw ang mga bakla.
"Diane!!!!!!!!"
"Girl kamusta!!!!!!"
"Bat mo naman kami iniwan dito????"
Parang bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Nilingon ko siya at nagtama ang aming mga mata. Lumapit ito sa dating station niya na isang mesa lang ang pagitan sa kina uupuan ko ngayon.
"Don't worry Alexis, hindi ikaw ang pinuntahan ko dito. Kukunin ko lang ang mga natirang gamit ko."
"Ah- d-di naman yan ang iniisip ko eh."
"Okay. That's good. Sooooo, kayo na ba ni Sab?"
Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Of course not."
"Oh why?"
"Diane, please."
"Eto naman. Nagtatanong lang naman ah."
"Hayyyyy."
"Okay, sige. Di ko na kayo pakikialaman ni Sab mo. By the way, thank you for using me."
Sasagot pa sana ako pero bigla itong tumalikod dala-dala ang mga gamit niya palabas. Naiwan ako sa station ko na pinagtitinginan ng mga kasama namin. Parang hindi na siya ang dating Diane na nakilala ko. Ilang weeks pa nga lang ang lumipas eh ganun na siya kaagad. Di ko naman siya masisisi eh. Alam kong galit na galit siya sa akin ngayon.
Ang sakit din pala sa dibdib na ganito niya ako kausapin. Parang ang sama-sama na talaga ng tingin ko sa sarili ko at pati narin ng tingin sa akin ng mga kasama namin.
Kasalanan ko naman talaga. Pero minahal ko din naman siya ah. Pinilit ko din naman siyang pasayahin kahit si Sab ang laman ng puso ko. Sana mapatawad ako ni Diane. Ayoko ng ganitong feeling. Gusto ko padin naman siyang maging kaibigan ulit kahit parang imposible.
~~~~~~~~~
Goodevening po!! 😍
Sorry nga po pala hindi ako nakapag update kagabi. Tinopak yung author niyo eh. Sori na! Bawi ako tonight so I made 2 chapters kahit pagod ako now. Hehehe.
Btw, malapit na po ang ending. Hihihi.
Goodnight po. Bukas ulit. 😘

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...