Sab
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatanggi sa kung anong enerhiyang humihila sa akin para yakapin si Alexis at halikan siya ng mas madiin. Oo, inaamin ko na miss na miss ko siya at hanggang ngayon ay siya parin ang gusto ko.
Matagal ang naging halikan namin sa loob ng kotse niya sa parking lot.
"A-Alexis...?" Sabay tulak sa kanya.
"Bakit?"
"I need to go."
"Can I go with you?"
"Ahmm.. kasi.. ano kasi eh. Pagod na ako." Dahilan ko pa sa kanya.
"Ganun ba? Sige, pero kailan tayo magkikita ulit?"
"I don't know pero uuwi na ako ng Zambales bukas."
"Kailan ang balik mo dito sa Manila?"
"I dont know."
"Magkikita pa ba tayo."
"Siguro."
"Ha?? Bakit siguro?"
"Hindi ko alam. Gusto mo pa bang makita ako ulit?"
"Sab kung pwede lang na wag ka ng bitiwan ngayon, gagawin ko." Sabay hawak niya sa kamay ko.
Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi sabay labas ng kotse. Kitang kita ako ang pagkadismaya ni Alexis sa ginawa ko. Agad naman akong pumasok sa loob ng hindi na lumingon.
Heto na naman ako. Nakakaramdam na naman ako ng takot. Takot na baka masaktan lang ulit ako. Mahal ko si Alexis pero alam kong magkakalayo na naman kami ulit. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa kanya. Is she worth the risk? Kung magiging kami din eh paano ko sasabihin sa pamilya ko to?
Kinabukasan ay maaga pa akong umuwi ng Zambales. Pagdating ko ay nandoon si Mama at Papa sa bahay. Bigla akong pumasok sa pinto at sabay din silang nagulat at tumakbo para yakapin ako. Sobrang na miss ko sila. Marami na ding nagbago sa bahay namin, dahan dahan ko na ring nakikita ang mga naipundar ko. Dalawang branch na ang talyer ni Papa at graduating na ng college ang kapatid ko. Wala sila sa bahay ngayon kasi pumasok na.
Agad akong ipinaghanda ni Mama ng paborito kong ulam at sabay kaming tatlo na nananghalian. Ang dami naming pinagkwentuhan habang kumakain. Ng matapos ay agad na nilang binuksan ang mga dala kong pasalubong. Habang nasa sala kami ay ng bubukas ng mga dala ko ay nag tanong ni Papa. Si Mama naman ay nasa kusina nagliligpit.
"Nak, wala kabang nakitang boyfriend na americano doon?"
"Hahahahha. Wala po. Hindi naman boyfriend ang hanap ko doon eh. Papa talaga!"
"Eh syempre ang ganda mo kaya. Sigurado maraming nagkakagusto sayo doon!"
"Wala po. Hahahaha"
"Baka iba parin ang gusto mo?"
"Po?!!" Gets ko ang ibig sabihin ni Papa pero gusto ko lang magpaka inocente.
"Yung, alam mo na. Yung sinabi mo sa amin bago ka umalis"
"Nagkita po kami sa kasal ni Kat."
"Oh? Tapos?"
"Nagusap po kami. Okay lang naman."
"Mag boyfriend ka nalang anak. Wag na yun kasi di naman tatagal yung mga ganyang relasyon eh. Tsaka ayaw ng Mama mo."
"Naiintindihan ko naman Pa. Kaya nga pinipigilan ko."
"Pero ako anak, kung saan ka masaya doon narin ako."
Halos ma iyak ako sa sinabi ni Papa. Niyakap ko siya at nagpasalamat. Buong araw kaming nag bonding at kumain sa labas ng dumating na ang mga kapatid ko galing school.
Kinagabihan ng nakahiga na ako sa kwarto ng nag chat si Alexis.
I miss you. 🙁
I wanna see you now.Uy grabe ka ha?
Ang OA mo. Magkasama
naman tayo kahapon ah!Bitin ko.
I wanna spend more time
with you.Aba! Talaga?
Magkita tayo soon pag
bumalik ako diyan.Tagal pa nun!
Nasa bahay kaba ninyo now?Oo naman. Bakit?
Gusto kitang makita Sab.
Hayyyyy.Kulit mo!
Babalik nga ako diyan.Di ko kaya to.
Tagal mong nawala
tapos now na nandito
kana, di parin kita kasama.
Sakpal te!Hahahahhaa.
Bakit nga ba ako nawala?
Ha?Dahil gusto mo?
Dahil di mo ako gusto.
Gusto na kita dati pa pero
naipit nga lang ako sa sitwasyon.Okay. Wag kanang mag dahilan.
Okay naSo ano yung kagabi?
Bakit? Ano ba kagabi?
Yung halik mo.
Yung halik ko?
Excuse me, you kissed me first!
HahahahahOo pero di ka naman
tumanggi. Ginusto mo rin.Ewan ko sayo!
Uyyyyy.
Hahahaha. Aminin!Balakajan!
Talaga bang nakapag move on
kana sakin?🤐🤐🤐🤐🤐🤐
I'll take that as a no!
😏Che!! Matulog kana.
May pasok kapa bukas.Maaga pa nga talaga ako bukas.
Sige, goodnight pretty. ♥️Goodnight Beautiful.
Imissyou too. 😊Waaaaaa!!
😱😱😱😱
Gusto mo ba talaga
akong patayin?Ha? Bakit?
Matutulog na ako nag
gagaganyan kapa!Ano ba ginawa ko???
Parang sasabog na yung
puso ko dito oh!!Kasalanan mo yan. Ahhaha
Matulog kana. Goodnight. 😘Good night din! 😚😚😚
Gabi na ay kinikilig pa ako kay Alexis. Ngayon ko lang ulit naramdaman to. Matutulog akong nakangiti ngayong gabi dahil sa kanya. 💕
~~~~~~~~
Goodevening po. Sorry di ako nakapag update. Hang over pa kasi yung author eh. ✌️✌️✌️✌️
As in malapit na talagang matapos to pero dont worry, marami pa ang pwedeng mangyari. ❤️❤️❤️❤️

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...