20: Deeper

2.3K 57 1
                                    

Alexis

Hinatid ko na si Sab sa boarding house nila. Mabuti naman at nakarating kami ng safe at maaga. Agad naman akong umuwi sa apartment at nag pahinga. Hindi ko na muna kinulit si Sab kaya tinawagan ko nalang si Hazel.

📞 "Haze!"

"Oh? Kung mag yayaya kang uminom tonight, let's go! Nag away kasi kami ni Nicole."

"Na naman? Hindi ako mag yayaya no pero dahil trip mo palang uminom, punta ka dito sa apartment ng 4:00 pm ng makapag one bucket tayo."

"Ayan! Gusto ko yan. Sige, tawagan ko si Cass."

"No problem. Ayaw mo bang isama si Nicole?"

"Di na. Nag aaway nga kami diba?"

"Fine! Sige. Matutulog muna ako ha? Tawagan mo nalang ako if papunta kana."

"Okay dude. Bye!" 📞

Nahiga muna ako sa kama para umidlip pero hindi maalis sa isip ko si Sab at ang mga sinabi niya sa akin. Kaya hindi na ako nakatulog hanggang sa dumating na sila Hazel at Cass.

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong na agad ako ng mga nagbabagang tanong ni Cass.

"Saan ka galing buong day off mo? Sino kasama mo? Last time na tumambay tayo dito ay noong binasted mo yung crush mo ah! Anong meron? Ha? Aber?"

"Kumalma ka nga. Pumasok muna kayo."

Agad naman silang umupo sa sofa at nilapag ang dala nilang tequila sa mesa.

"Ano na naman bang drama niyo ni Nicole? Ha?" Tanong ko kay Hazel.

"Ayoko kasi ng nakikipag close siya sa mga lalaki lalong lalo na sa ex niya."

"What? Sinong ex?" Gulat na tanong ko. Si Cass naman ay nakikinig lang.

"Edi yung flight attendant sa Cebu Pacific."

"Oh my goodness!"

"Sobrang nakaka-asar lex! Inom na nga tayo!"

"Mabuti pa nga!" Dugtong pa ni Cass.

"Oh ikaw naman Alexis, saan ka pala galing ng off mo? Ni hindi ka man lang nagyayang lumabas ah?"

"Umuwi ako sa amin."

"Ahhhh kaya pala." Sabay nilang sagot sa akin."

"Kasama ko si Sab."

"Ha???!!! Bakit?" Tanong naman ni Cass.

"Uy! Iba na yan ha?!" Dugtong pa ni Hazel.

Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.

"Alam ko yang mga ngiting yan eh! Alam na alam ko yan!" Sabi pa ni Hazel.

"Umamin ka nga Alexis! Ano ba kayong dalawa?"

"Wala, friends!"

"Friends? Sure ka???"

"Oo naman no! Wag nga kayong malisyosa diyan."

"Ano ba kasi tingin mo sa kanya? Yung totoo ha!" Tanong ni Hazel sa akin.

"Siya na ba ang susunod kay Kyla?" Follow up question pa ni Cass.

"Of course not!!!"

"Eh ano nga tingin mo sa kanya? Ano nararamdaman mo pag kasama mo siya at bakit mo nga pala siya sinama?"

"Masaya ako pag kasama ko siya. Yung parang ang gaan gaan niyang kausap. Mabait siya, hindi maarte tapos caring pa."

"Wow ha! Wag mong sabihing naiinlove kana sa babaeng yan."

"Ako? Maiinlove sa kanya? Ang labo ng mga ganyang bagay no! Tsaka ayoko ng mag commit. Mas masaya pag single ako. Kung gusto niya, fubu pwede kami! Hahahha"

"Ang sama mong babae ka! Bakit may pagnanasa kaba sa kanya?"

"Wala naman pero hot naman siya eh!"

Sabay kaming nag tawanan at kumampay.

"Joke lang yun! Hindi ko gagawin yun! Mabuting tao si Sab and I do respect her."

"Talaga lang ha! Alam ba niya ang past mo?"

"Oo, tanong ng tanong eh. Si papa kasi kwento din ng kwento tungkol kay Kyla kaya ayun, kinulit ako."

"So ano sabi niya?" Gulat na tanong nila.

"Mas lalo daw akong naging interesting. Hahahahahhah"

"Naku! Baka type ka narin niya."

"Hahahah hindi ah! Tsaka hindi pumapatol sa babae yun!"

"Baka sayo palang."

"Ewan ko sa kanya basta ang alam ko, ayaw din ni Sab ng commitment."

"Edi pareho pala kayo. Bagay na bagay kayo."

"Ok na ako na ganito lang kami. Basta masaya ako pag nandiyan siya."

"Ingat ka Lex, baka tamaan ka!"

"Mukhang may tama nga nga yan Cass eh."

"Di no! Baka siya may tama sa akin."

"Hahha ang pogi mo rin kasi eh no?"

"Tagay pa!!!!!"

"Tagay!"

Naubos namin ang tequila ng mga 10:30 na ng gabi kaya agad na umuwi na silang dalawa para makapag pahinga, may mga pasok pa kasi kami bukas.

Agad akong naligo ay pag balik ko ng kwarto ay nag riring ang phone ko. Medyo tipsy pa pero sinagot ko parin ito.

📞 "hello?"

"Kaka-out ko lang, matutulog kana ba?"

"Sab?"

"Ako nga."

"Ay Oo nga pala. Ikaw nga."

"Lasing kaba?"

"Ako? Hindi ah. Naka inom lang ng konti."

"Kaya naman pala. Sino kasama mo?"

"Nandito kanina si Hazel tsaka si Cass may dalang tequila. Nag away kasi sila ni Nicole eh."

"Ah ganun ba. Oh sige, matulog kana."

"Mag-ingat ka diyan ha? Pahinga ka narin pag dating mo."

"Okay, ihahatid naman ako ni Mike eh."

"Siguraduhin mong ihahatid ka niya diretso sa boarding house mo ha!"

"Hahahhaa! Oo naman no!"

"Nakakatawa ba yun?"

"Hindi ang cute mo kasi."

"Hindi ako nag seselos no!"

"Hala! Bakit sinabi ko bang nag seselos ka?! Di naman ah. Hahahahah"

"Di ba? Ah— kasi— inunahan na kita baka kasi isipin mo nag seselos ako."

"At bakit ko naman iisipi yun? Hahahahha"

"Ah basta! Umuwi kana kaagad."

"Okay! Fine. Sige na ba-bye na."

"Okay. Ingat ka ha? Lalong lalo na sa maghahatid sayo."

"Hahahhaha ang cute mo talaga. Bye na! Goodnight. Mwaaaaaa!" 📞

Pagbaba ng telepono ay parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ba yun sa kanya. Iniisip niya siguro na nag seselos na talaga ako. Hindi kaya ako nag seselos, gusto ko lang maka uwi siya ng safe. Wala naman ibang ibig sabihin yun eh. Hindi talaga ako nagseselos.



















Hindi nga ba talaga?

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon