80: Muli

1.5K 54 15
                                        


Sab

Magdadalawang taon na din ng lumayo ako. Oo, marangya ang buhay dito pero hindi ganun kadali kailangan mo rin namang maging masipag. 10 hours ang shift ko sa kada araw pero 3 days din naman ang day off ko. Sa una ay okay pa pero habang tumatagal ay na mimiss ko na ang Pinas. Na mimiss ko na ang pamilya at mga kaibigan ko. Kahit araw-araw kaming uusap sa skype eh iba parin pag kasama ko sila. Buti nalang nandito pinsan ko kaya may makakasama ako palagi. Mas matanda ng tatlong taon si Ate Jane sa akin. 5 years na siya dito ay meron siyang boyfriend na American. Kadalasan ay lumalabas sila pag day off at may mga times din na nirereto nila ako sa mga kaibigan nilang Americano din pero wala talaga akong magustuhan.

Hindi naman sa ayaw ko ng Americano pero hindi talaga nila mahuli ang kiliti ko eh. Di gaya ni Alexis. Gustong gusto ko na siyang kalimutan pero minsan dumadalaw parin siya sa mga panaginip ko. Minsan bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko. May mga araw din na miss na miss mo na siya at gustong gusto ko na siyang kausapin pero pinipigilan ko. Ayoko ko naman silang guluhin ni Diane.

Lumipas ang ilang buwan at dahan dahan ko naring napapalaya ang puso ko kay Alexis. Kapag na aalala ko siya ay napapangiti nalang ako. Alam kong kaya ko ng wala siya. Baka sa susunod pag-uwi ko ay pwede ko na siyang kausapin at maging kaibigan ulit.



~~~~~~~~


Madaling araw na dito ay kausap ko parin si Kat sa skype at pinipilit akong umuwi para sa kasal niya. Todo tanggi naman ako sa kanya kasi balak ko siyang i-surprise. Uuwi naman talaga ako eh. Kinausap ko ang boss ko na mag leave muna kahit isang buwan para sa kasal ni Kat. Pumayag ito pero may kapalit. Gusto niya akong maging instructor muna sa mga trainee sa Cebu for 3 weeks. So gagawin niyang 1 month ang 3 weeks ang bakasyon ko with pay kaya pumayag na agad ako. Candidate din kasi ako for promotion kaya medyo malakas ang kapit ko sa companya.

"Di daw pwede. Pero maghahanap talaga ako ng paraan. As much as I wanted pero they badly needed me here Kat. I'm really sorry." Drama ko pa sa kanya.

"Gawan mo talaga ng paraan yan! Paano ako ikakasal kung wala yung maide of honor ko?!"

"Edi mag proxy nalang muna. Si Nicole nalang muna."

"Di pwedeng mag proxy-proxy sakin Sab! Dapat umuwi ka talaga!!!!!!"

"Hahahahahaha. Gagawin ko lahat pero di talaga ako makakapaasa sayo."

"Kung umiiwas ka parin kay Alexis, please Sab tigilan mo na yan. Okay na rin yun. Di na masyadong affected sayo."

"Ha?! Bat napunta sa kanya ang usapan?"

"Eh baka kasi siya ang dahilan at di ka parin uuwi eh!!!"

"Hahahahah!! Nakakawata ka Kat! Nakapag move on na ako sa kanya kaya if magkita din kami ulit, siguradong dedma na talaga yung past."

"Wag kang magsalita ng patapos. Bakit may lovelife kana ba diyan? Mas gumanda lalo si Alexis now. Hahahaha"

"Duh! Hahahaha. Kahit asarin mo pa ako eh okay lang sa akin. "

"Kahapon magkasama kami eh, nag dinner sa bahay nila Hazel kasi birthday niya."

"Wow. Talaga? Ilang taon na siya?"

"27 na yata. Na mimiss ka na nga nila eh. Tanong parin ng tanong kung asan ka."

"Wag mong sabihin ha!!! Miss ko na nga rin sila eh. "

"Si Alexis?"

"Oo naman" Mabilis kong sagot.

"Uyyyyyyyyyyyy!!!!! Sabi ko na nga ba eh!"

"Ayyy- I mean silang lahat. Syempre kayong lahat. Ano kaba!!"

"Hahahahah huli kana eh!"

"Di kaya!hahahahahha!"

"Ayaw pang umamin eh! Kilala kita Sabrina!!! Hahahha!"

"Puro kalokohan parin talaga ang nada isip mo Kat!"

"Ikaw naman kasi eh. Masyado kang pahalata na hoping parin kay Alexis. Hahahahah"

"Uy hindi ah! Hinding hindi na talaga."

"As in talagang talaga?"

"Talagang talagang talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na okay na ako. Nakapag move on na talaga ako sa kanya. Past is past."

"Eh kung ganun bakit ayaw mo paring magparamdam sa mga kaibigan natin? Minsan na gi-guilty na talaga ako ha!"

"Eeeeeeeeh wag na lang kasi muna. Pag uwi ko naman pupuntahan ko sila eh. Bakit? Nagtatanong parin ba sila?"

"Dati, pero ngayon hindi na. Kahit si Alexis di na rin masyadong nagtatanong tungkol sayo. Dati, Oo. Halos libutin pa nga niya ang buong Zambales para mahabap kalang eh."

"Talaga? Ginawa niya yun?" Nagulat ako sa sinabi ni Kat at napatanong kung bakit naman niya ako hahanapin.

"Oo nga. Buti nalang sinundan siya nila Hazel at Cass para pigilan na. Nakakaawa na nga eh. Na gi-guilty parin ako until now."

Biglang sumikip ang dibdib ko sa nalaman ko kay Kat.

"P-pero bakit naman niya gagawin yun?"

"Kausapin mo na kasi para malaman mo!"

"Sabihin mo na lang kasi!"

"Ayoko nga. Hahahahah!"

"Kat naman oh. Sige na!!"

"I've gotta go now. Bye Sab! Ingat ka diyan ha?" Sabay kaway-kaway niya sa cam.

"Uy wag muna! Kat!!!!"

At nag logout na nga siya agad.

Nanatili ang mga tanong sa isip ko hanggang kinabukasan. Parang bumalik na naman ang mga araw na si Alexis lang ang laman ng utak ko. Si Kat naman kasi eh, kung saan nakalimutan ko na eh doon naman ulit pinapa alala sa akin.

Bahala niya. Mangyari na ang pwedeng mangyari sa pag uwi ko sa kasal ni Kat. Dito na malalaman kung meron pa nga ba talaga kung magkita na kaming muli.








~~~~~~~~~~

Good day po mga readers!!! 😊

Sorry di po ako nakapag update, masyadong busy po kasi sa work eh. Hope you understand. Hehehe bawi nalang po ako ulit.

Labyu all!!! 😍

Ingat kayo lagi. 😙😙


Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon