57: Trip to Siargao

1.7K 49 10
                                        

Alexis

1 week later

Nagising ako sa lakas ng alarm ng phone ko. Ngayong araw na ang alis namin papuntang Siargao. Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang excited. Tinawagan ko si Diane to check kung gising na ba ito. Pareho din pala kaming dalawa, hindi din siya nakatulog sa sobrang pagka excite.

Sa Cebu kami dadaan tapos lilipad ulit papuntang Siargao. Medyo ma matagal tagal ang travel time pero ok lang, kasama ko naman sila eh. Pero iniisip ko si Sab at Lance. Baka kasi hindi ako maging comportable sa mga gagawin nila at baka magselos ako. Kung yun man ang mararamdaman ko, iisipin ko nalang na wala akon karapatan at masaya ako para sa kanila. Isa pa, may Diane naman ako eh. Bakit pa ako titingin sa iba na hindi naman pwedeng maging akin kung may isang tao namang nagmamahal sa akin ng sorba.

Sa airport na kami nagkita-kita. Ipinakita sa amin ni Nicole ang itinerary namin kaya mas na excite kaming lahat.

Fast forward

Pagdating namin ng island ay diretso na ang lahat sa resort na tutuluyan namin. Napaka ganda ng place lalong lalo na ang beach. Magkasama sa isang room si Hazel at Nicole. Ibang room din si Lance at Sab at syempre, ibang room din kami ni Diane. Magkakadikit lang ang rooms namin at maririnig mo talaga pag may nagsasalita sa kabila kasi gawa sa native materials lang ito.

"Ganda dito mahal no?" Sabi pa ni Diane habang inaayos ang mga gamit namin sa room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ganda dito mahal no?" Sabi pa ni Diane habang inaayos ang mga gamit namin sa room.

"Oo nga eh. Ang presko pa dito sa kwarto!"

"Siguradong mag eenjoy tayo dito mahal."

"Gusto mo na bang magenjoy ngayon mahal? I lock mo na yung pinto, mag enjoy na tayo dito sa kama oh!" Biro ko sa kanya habang niyakap siya sa likod sabay halik sa leeg niya.

"Ang manyak mo talaga!! Tumigil ka nga diyan, naririnig tayo sa kabila eh."

"Hahaha bakit? May sinabi ba akong masama? Hahaha Di naman masama mag enjoy diba?"

"Nakakatawa ka! Hahaha bukas ng gabi pa pala yung beach party? So anong gagawin natin ngayon araw na to mahal?"

"Wala, magpapahinga lang mahal ko. Total hapon naman eh. Bukas pa kasi talaga yung start ng event. May island hopping tayo bukas tapos sa gabi, yun na yung beach party."

"Ahhhh ganun ba? Okay. Bonfire nalang tayo mamaya mahal."

"Good idea mahal. Yayain natin sila."

Pagkatapos magbihis ng pang swimming ay lumabas na kami ni Diane. Nadatnan namin si Lance at Sab na palakad lakad lang sa dalampasigan. Magkahawak pa sila ng kamay habang naglalakad. Gusto ko silang bulabugin pero hindi ko ginawa. Sa halip ay naglaro nalang kami ni Diane ng skim board at nag swimming.

Pagsapit ng gabi ay sabang kaming nag dinner. Masaya kaming lahat na nagkukwentuhan habang kumakain. Napansin ko na si Lance ang naglalagay ng pagkain sa plato ni Sab at pareho din sa ginagawa ni Diane sa akin. Naala ko pa dati si Sab ang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Kain kana babe? Subuan kita?" Tanong ni Lance kay Sab.

"Wag na babe. Nakakahiya."

"Lagay mo na yang phone mo. Sino ba kausap mo?"

"Si Kat babe. May gusto daw siyang sabihin pero pagbalik nalang daw."

"Talaga? Importante ba yan babe?"

"Tinatanong ko nga eh. Ayaw naman sabihin."

"Hayaan mo na muna babe. Were here to enjoy."

"Tama nga naman si Lance. Wag kanang mag worry Sab. Sabi naman ni Hazel.

"Bukas ng umaga may island hopping tayo tapos sa lunch daw sa isang malapit na island with unli seafoods tapos ayun, sa gabi 6:00 yung start ng beach party."

"Oh yeah! Excited na ako!"

"Hinay hinay kalang ha? Diba allergy ka sa hipon?" Sabi pa ni Sab sa akin.

"Talaga? Allergy ka pala sa hipon mahal?" Tanong pa ni Diane.

"Ah- Oo mahal eh."

"Bat mo na mention sa akin yan? Buti pa si Sab alam."

"Ahh- ganun ba? Nakalimutan ko kasi."

"Okay, wag ka nalang kumain ng hipon bukas ha?"

"Kahit konti?!"

"Hindi pwede."

"Fine!!"

"Over protective naman ni Diane! Hahahha. Ang sweet ha!" Pagpuna pa ni Lance.

Nahiya tuloy ako.

Pagkatapos kumain ay tumambay kami sa beach while watching the stars.
Napakarelaxing tignan ng bituin habang naririnig ko ang huni ng mga alon.

Katabi ko si Diane sa bench. Si Lance at Sab naman ay naka upo sa dalampasigan habang si Hazel at Nicole naman ay naglalakad lakad lang.

"Bakit mahal?" Tanong ko kay Diane habang pinagmamasdan ako nito.

"Ang ganda ganda mo mahal."

"Tsssss. Ayan kana naman. Binobola mo talaga ko."

"Seryoso kaya ako. Yung mga mata mo ay parang mga bituin." Nakatitig parin ito sa akin.

Hindi ako nakapagsalita at ginantihan ko lang din siya ng titig.

"Mahal na mahal kita Lex. Ikaw lang ang gusto ko." Sabay hawak nito sa pisngi ko.

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na namalayan na naglalapit na pala ang mga labi namin. Hindi na ako nakasagot at hinalikan ko nalang siya. Isang mabagal at madiin na halik.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon