You come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo.
Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves.
I can't even save myself from drowning tr...
(Please listen to the song after reading this chapter.)
Alexis
Maaga akong nagising para umuwi na ng manila. Uuwi pa kasi ako ng apartment para iwan ang mga gamit ko at ihahatid ang phone ni Sab sa kanya. Sana naman mag cooperate ang panahon. Madalim na naman kasi ang langit at parang bubuhos ang malakas na ulan. Mahirap pa naman mag drive na umuulan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagcoconcert ako sa kotse pag nag dadrive at kadalasan puro hugot songs pa. Hindi naman sa nagdaramdam parin ako pero syempre iba talaga pag may lovelife eh. Oo, inaamin ko na malungkot ang buhay ng mga single kahit magagawa mo lahat ng gusto mo at sayong sayo ang oras mo. Nakakapagod din kayang makipag flirt, one night stand at mag paasa ng ibang tao. Iba talaga ang feeling ng may nagmamahal sayo ng totoo. Alam ko nasa tabi-tabi lang siya kaya konting push pa.
Pagdating sa apartment ay parang binugbog ang katawan ko sa sobrang pagod at pangangalay. Nahiga ako saglit sa kama ko at nakatulog. Nagising nalang ako sa vibrate ng cellphone ni Sab. Tumatawag na pala siya. Dali-dali ko naman itong sinagot na medyo namamalat pa ang boses kasi kagigising lang.
"📞 hello?
" Hi. Kamusta? What time ka darating?"
"Sorry nakatulog ako eh. 4:30 diba? "
"4:30?? Eh alas cinco na oh"
"Ha??! Alas singko na pala? Naku!" Agad kong tinignan ang oras sa relos ko at napatalon sa kama."
"Ano ba address diyan Sab? Isusulat ko. Kuha lang ako ng ballpen wait."
"Okay."
"Game, ready nako."
"Adela Boarding house, 1st road Parañaque. "
"Ayan. Sige. Pupunta na ako diyan."
"Mag ingat ka ha? Umuulan kasi."
"Okay lang. Sige. See you!"
"See you! Bye! Tatawag ako ulit after 20 minutes."
"Okay sige. Bye!"
Nag half bath ako saglit at umalis na. 30 minutes lang ay nandoon na ako sa location na binigay niya. Tumigil ako sa gilid ng gate para hintayin siyang lumabas.
Narinig ko ang gate na bumukas at may tumawag sa pangalan ko.
"Alexis?"
Agad naman akong napa tingin. Pagharap ko ay siya na nga ang babae sa wallpaper ng cell phone niya. Kinapa ko ang cell phone niya sa bulsa ko pero wala ito. Lagot! Naiwan ko sa apartment.