Nagpatuloy parin sila Alexis sa paglalaro. Pinasali nila ako pati na si Nicole. Si Hazel ay Lance ay busy pa kasi nandito ang buong family nila. Masaya ang laro namin pero hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Diane kay Lance kanina. Okay naman si Diane eh. Mabait ito tsaka hindi snob. Parang feeling close nga eh."Ayoko na!!!! Talo na naman ah!" Sabi pa ni Cass.
"Hahahhaa. Loser ka talaga! Hahah. Duti pa ang mahal ko ang dami ng panalo." Sabi pa ni Alexis.
"Ang daya niyo kasi." Sabay tawanan nila.
"1:30 na pala? Bilis ng oras ah."
"Oo nga Nics. Hindi ba kayo inaantok? Baba muna tayo. Yosi lang saglit." Yaya naman ni Cass.
Nag agree ang lahat kaya bumaba kami sa isang malapit na convenience store.
Nag yosi sila ni Cass at Nicole habang sila ni Alexis naman ay nasa loob pa at bumili ng ice cream."Pahingi naman niyan."
"Ha? Nag yoyosi ka pala Sab?" Tanong ni Nicole.
"Dati, pero ngayon tinigilan ko na."
"Eh parang gusto ko eh." Sabay sindi ng binigay niyang yosi sa akin. Stress ako ngayon at ang daming gumugulo sa isip ko kaya naisipan kong mag yosi.
Paglabas nila Alexis ay sinita ako agad nito.
"Uy bat ka nagyoyosi?! Di ka naman dating ganyan ah!"
"Bakit? Ano akala mo sa akin, menor de edad? Hahahah"
"Oo nga naman Lex. Easy kalang malaki na yang alaga mo. Ahahahahhahhaha" dugtong pa nila Cass sabay tawa. Si Diane naman ay pangiti ngiti din.
"Itapon mo yan!!!! Isa!" Seryoso na ito at mukha ng galit.
"Ayoko nga!" Tanggi ko pa.
"Ayaw mo ha! Akin na nga yan!" Inagaw nito sa bibig ko ang yosi at agad na tinapakan.
"Uy!!! Ano ba!!!"
Hindi ito nagsalita na halatang nag iinit na ang ulo.
"Uhmmmmm, ganyan talaga silang dalawa yan. Close kasi talaga sila eh tapos alam mo si Alexis kasi napaka protective yan sa mga friends niya. Kaya may ganitong ekesena." Paliwanag pa ni Nicole kay Diane na mukhang nagulat sa reaksyon ni Alexis.
"Oo nga Ian. Ganyan talaga tong girlfriend mo eh!!!" Sabay irap ko kay Alexis at umupo nalang sa gutter. Si Cass naman ay pangiti ngiti lang sa tabi.
Nilapitan naman ni Diane ang girlfriend niya at kinausap sa malayo. Pinakalma niya siguro ito. Pumasok silang dalawa sa store at mukhang may binili. Naiwan kaming tatlo sa labas ang nag kukwentuhan lang.
"Oh! Ito nalang ilagay mo bibig mo. Sorry!"
Inabot ni Alexis sa akin ang isang lolipop. Napangiti nalang ako kasi ang cute cute niya. Concern parin pala siya sa akin kahit may girlfriend na siya.
"Oh, wag mo nang ayawin si Sab ha? Bati na kayo. Okay?" Sabi pa ni Diane sa kanya.
Tumango lang ito na parang bata.
"Wow! Ang good girl naman ni Alexis. HahHahah" Asar pa ni Cass sa kanya.
Habang nagkukwentuhan kami hindi maiwasang sumakit ang mata ko sa mga ginagawa nila ni Alexis. Parang gusto kong pumikit pero hinayaan ko nalang. Ayokong magpahalata at mag react. Dapat steady lang na parang walang pakialam.
Tumalikod nalang ako sa kanila ay kunyari ay busy sa cellphone pero ang totoo ay wala akong load. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Alam kong mali at bawal akong magselos pero ang hirap talaga pigilan eh. Alangan namang ayawin ko silang dalawa edi mas lumala pa ang sitwasyon. Parang gusto ko nalang tuloy uminom.
Buti nalang ay tumawag na si Hazel at hinahanap na kami kaya nagpasya na kaming bumalik sa taas. Nadatnan kong tulog na si Lance kaya hinayaan ko nalang. Naghanap naman sila ni Cass at Alexis ng kanya kanyang pwesto para maka idlip.
Ilang minuto lang ay nakatulog na silang lahat. Naisipan kong lumabas para makapag isip-isip. Habang naka upo lang sa labas ay narinig kong bumukas ang pinto. Paglingon ko ay si Alexis.
"Oh? Akala ko tulog kana?"
"Nag cr ako eh. Eh nakita kita dito. Gusto kong mag sorry sa ginawa ko kanina."
"Bakit mo nga ba ginawa yun?"
"Hindi ko alam. Ayokong nag yoyosi ka eh. Masama sa katawan yan."
"Concern ka parin pala sa akin?"
"Oo naman. Hindi naman mawawala yan eh."
"Nako! Napaso ba yan kanina" Napansin ko ang kamay niya.
"Ah, wala to. Okay lang to."
"Sa yosi ba yan?!!!"
"Oo."
"Nako!!! Akin na. Patingi ako."
Kinuha ko ang palad niya at tinignan ang parting napaso kanina ng inagaw niya ang yosi ko.Hindi ito nagsalita at tinignan ako sa mata.
"Ano bang tingin yan Lex. Tumigil ka nga." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Tama ang narinig mo kay Diane kanina Sab. Nandoon nga si Lance sa new years party namin. Nagsinungaling siyaa sayo."
Biglang uminit ang ulo ko sa sinabi ni Alexis. Parang gusto kong sipain si Lance. Gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw ang galit. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Alexis. Hindi ko rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Gusto kong sabihin sa kanya na sana kami nalang.
Pinunasan nito ang luha ko at niyakap ako. Mas lalo akong nalungkot sa ginawa niya. Hindi na ako umiiyak dahil nag sinungaling si Lance kundi dahil sa naramdaman kong pasisisi na hindi ako nagtapat kay Alexis. Kung meron man akong pwedeng ulitin, yun ang araw na nakilala ko siya. Kahit araw-araw. Kahit paulit ulit.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...