You come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo.
Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves.
I can't even save myself from drowning tr...
Hindi na siya nakapagsalita at sumama na saakin papasok ng bahay. Pinagbugsan kami ng gate ng tito ko. Bunsong kapatid ni papa na halos kasing edad lang ni kuya pero hindi parin nag aasawa. Masyadong malaki ang bahay nato kaya dito narin siya nakatira.
"Alex!!!!! Buti naman naka uwi ka. Miss kana ng lola mo.!" Salubong sa akin ni tito sabay gulo ng buhok ko.
"Tito naman eh. Wag ang buhok ko. Siya nga pala, si Sab. Kaibigan ko. Sab, si tito Clint. Busong kapatid ni papa."
"Hi po. Ang bata naman ng tito mo."
"Uy thank you ha! Sige, tuloy na kayo."
"Tara."
Pumasok na kami ni Sab habang naka hawak siya sa braso ko.
"Ang baby girl ko!!!!" Sabay yakap ni papa sa akin.
"Pa, si Sab nga pala. Friend ko."
"Hi po, kamusta mo kayo?"
"Mabuti naman iha. Welcome dito sa bahay naman. Just feel at home. Okay?"
"Thank you po."
"Bat di ka nagpasabi na uuwi ka pala, sana nakapag handa ako ng miryenda niyo."
"Okay lang po. Si dinner naman po kayo mag abala. Asan po si Lola?"
"Oo nga naman. Nasa kwarto niya at nag liligpit na naman ng kung ano-ano."
"Sige po. Puntahan po muna namin siya."
Pinuntahan namin si lolo't lola sa kwarto nila at tuwang tuwa naman ang mga ito ng nakita ako. I let them meet Sab and natuwa naman sila sa kanya. Matapos naming bisitahin ang lolo't lola sa kwarto nila ay dumiretso na agad kami sa kwarto ko ng makapagligpit ng gamit.
"Oh? Bat tahimik ka? Eto na ang kwarto ko."
"Sobrang ganda ng lola mo. Para siyang si Gloria Romero."
"Pure spanish kasi ang papa niya at pinay ang naman ang mama kaya ganya."
"Magkamukha nga kayong dalawa eh."
"So maganda pala ko?"
"Oo naman. Gandang ganda mo kaya."
"Talaga?"
"Oo naman. Hehehe."
"Halika na nga dito. Pag pasensyahan mo na ang kwarto ko ha?"
"Ganda naman dito."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.