Sab
Pagdating ko sa boarding house ay nandoon na si Kat.
"At saan ka na naman nanggaling?"
"Nagpalaundry lang."
"Sino kasama mo? Si Alexis no?"
"Oo, bakit?"
"Wala kabang aaminin?"
"Hahahah ano naman ang aaminin ko? Nakakatawa ka naman Kat."
"May gusto ba sayo yun?"
"Naku! Wala nu! Hahahah niloloko ko nga siya eh pero ayaw bumigay. Straight talaga siguro siya."
Bigla kong naisip ang halik ni Alexis sa akin kagabi at nagdalawang isip akong sabihin kay Kat ito.
"Talaga? Ganda niya para maging tibo."
"Sabi nga niya hahanapan niya ako ng FA para daw magka love life na ko."
"Talaga? Wow ha? Okay yun! Go kana! Hahaha"
"Speaking of love life, alam mo ba ang ginawa ni Mike sa akin?"
"Hahhaa kailangan ko pabang malaman ang ginagawa niyong kalaswaan? Alam na alam ko na yan nu! Hahahhaha!"
"Gaga hindi yun!"
"So ano?"
Ikinuwento ko kay Kat ang nangyari at galit na galit ito. Niyaya pa akong gumanti pero pinigilan ko siya sa pinaplano ya. Hindi naman worth it si Mike para gumanti ako kaya bahala na silang dalawa basta masaya ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit ba ang saya ko pero iba ang nararamdaman ng puso ko ngayon, lalong lalo na pag kasama ko si Alexis. Excited lang siguro ako sa irereto niya sa akin na parang ewan. Ang hirap i-explain.
"Sya nga pala Kat, invited tayo sa birthday ni Nics. Alam mo na ba yun?"
"Ah Oo nga. Saan daw ba yun? Magpapaswap ako ng day off."
"Sa condo lang daw ni Hazel. Ako nga rin eh."
"Sino-sino pa mga nandoon?"
"Tayong dalawa, si Alexis, Cass Hazel at Nicole lang."
"Talaga? Tayo-tayo lang pala?"
"Oo nga eh. Tinatamad daw silang pumarty kasama ang marami kaya daw tayo-tayo nalang para magawa natin lahat ng gusto natin."
"Kung sa bagay, tama nga naman."
"Sigurado inuman na naman to."
"Oo nga. Lagot ka na naman nito Sab. Wag kang maglalasing doon ha?"
"Sino ba ang lasinggera dito eh ikaw lang naman ah."
"Hahahhaa ako pa tinuro nito. Kumain kana nga diyan. Nag luto ako diyan."
"Wow! Kahit busog ako, kakainin ko to."
"Hahaha takaw mo!"
Pagkatapos kong kumain ay nagpunas na ako at nahiga na. Agad kong itenext si Alexis para kamustahin.
Goodevening pretty. 🙂
Pretty pa talaga ha? 🤔
Totoo naman ah.
Kumain kana ba?
Imissyou.
Di na ako kumain.
Busog parin ako sa chicken eh.
Hahaha
Ang clingy mo no?
Bakit ayaw mo ba ng clingy?
Sorry. 😔
It's not that na ayaw ko.
Okay lang naman. Cute nga eh! ✌️
Whe? Talaga?
Ayaw pa kasing maniwala eh.
😒😒😒
Hahhaha tampo kaagad?
😞😞😞
Para kang bata.
Halika ka nga dito!
Hug kita pareho ng kagabi. 😉
Sige nga. 🤗
Hahahhaha. Halika!!!! Hmmmmmmmp !!
Hahahahha baliw!
Btw, nag chat dito si Lance oh.
Add ka daw niya.
Okay lang daw ba?
Okay lang naman.
Sige, sabihin mo add niy ako.
Sige, ayan na.
Kayo na bahalang mag usap ha?
Okay. Thanks Alexis!
So pano?
Kitakits sa birthday ni Nics ha?
Yep! Excited na nga si Kat eh.
Hahahaha.
Pareho pala kami eh.
Ang cute ng song na
pinakikinggan ko now.
Kinikilig ako.
Talaga? Anong song?
Nais ko by Side A.
Narinig mo na ba yan?
Nais kong sabihin sa iyo,
mahal kita at di kita iiwan. ❤️
Alam mo din pala yan?
Kakakilig ng song no?
Oo naman.
Kahit bitter to eh maka
love song parin to.
Hahahaha.
I think you need love life na.
No, thanks.
Masaya na ako now.
Ako din.
Masaya ako ngayon.
Hahahaha bakit?
Masaya naman ako kahit
walang love life eh.
Mas masaya ako now at
nakilala at naging friend kita.
Ayeeeeeee.
Touched naman ako.
Ako din naman eh.
Mas lalo akong sumaya at
nadagdagan ang mga baliw kong kaibigan.
Mas baliw ka kaya kesa sakin.
Hahahah! 🤣😝
Kaya siguro tayo naging
close eh kasi pareho tayong baliw. Hahahhaha apir! 🙋🏻
Apirrrrrr 🙋🏻 Hahahha!
Antok nako. Tulog na tayo?
Sige. Halika na dito sa tabi ko 😁
😳😳😳😳😳😳
Hahahhaa! Good night na!
Goodnight Alexis.
Mwaaaa! 💋
Goodnight Sab. ❤️
Ngayong gabi ay matutulog ako ng naka ngiti. ❤️☺️
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomantikYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
