78: Never will I forget

1.4K 48 26
                                    

Sab

Nasa Cebu na ako ngayon at last day na ng training namin. Marami kaming pinag aralan at ok naman ang mga kasama ko. Anim kaming nag tatraining, dalawang lalaki tapos apat naman kaming babae. Mabait ang instructor namin tsaka ang asawa ng owner ng hotel.

Bukas na ng umaga ang alis namin kaya ngayon ay pahinga muna kaming mga trainees. Maaga pang dumating si Mama tsaka si Papa para bisitahin ako at ihatid bukas. Namamasyal kami ngayon sa isang mall. Panay bilin sa akin si Papa tungkol sa pag boboyfriend.

"Wag na wag kang magpapaloko sa mga americano ha?"

"Papa naman eh. Di lovelife yung hanap ko dun no!"

"Naninigurado lang anak. Nag iisa lang ang princesa ko kaya di mo ako masisisi kung bakit ako ganito."

"Tama ang Papa mo anak."

"Ma, Pa, babae na po gusto ko ngayon." Pabiro kong pagkasabi. Inaabangan ko ang mga reaksyon nila.

"Ha? Ano yun?!" Nagulat si Mama.

"Hahahaha. Mapagbiro talaga!" Dugtong pa ni Papa.

"Seryoso po ako." Sabay yuko ko.

"Sabrina, ano ba ang pinagsasasabi mo?" Tanong ni Mama.

"May gusto po akong babae. Pero wala naman pong nangyari eh. Hindi namam po kami naging magkarelasyon. Gusto ko lang pong malaman niyo bago ako lumayo sa inyo. Ayoko po ng secreto."

Tahimik lang si Papa na nakatitig sa akin habang hindi naman maipinita ang mukha. Alam kong naguguluhan pero sila sa sinabi ko pero dapat nilang malaman to.

"I'm sorry po ma. Hindi naman ginusto noong una eh. Nilabanan ko naman ma, pero gusto ko talaga siya."

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan anak. Ayoko ng ganyan Sab."

"Hindi naman po kami nag uusap eh. Iniwasan ko na po siya matagal na."

"Buti naman kung ganun. Kung nasaan man siya ngayon, kalimutan mo na siya." Sabi naman ni Papa.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Hindi ko alam kung bakit pero parang na miss ko kaagad si Alexis. Dahan dahang nahulog ang mga luha ko sa aking pisngi sa harap nila Mama at Papa.

"Oh?? Bakit?" Nagulat si Papa ng umiyak na ako.

"Hali ka nga dito. Mahal ka namin ng Papa mo kahit ano kapa." Niyakap ako ni Mama at mas lalo naman akong naging emotional sa sinabi niya.

"Sorry po Ma, Pa."

"Tama na yan. Tahan na anak." Sabi pa ni Papa.





~~~~~~

Matapos ang pag amin ko sa kanila ay agad na kaming umuwi sa hotel. Sa huling gabi ko dito sa Pinas ay doon ako natulog sa kwarto nila para makapag bonding pa. Ma mimiss ko sila pati na ang mga kapatid ko at si Kat.

Kinabukasan ay maaga pa kaming gumising at naghanda nag mga kapwa ko trainee. May mga huling bilin sa amin ang aming instructor ng mga gagawin namin pagdating. Kasama naman naming aalis ang wife ng owner kaya siguradong hindi kami mawawala doon.

6:30 PM ang flight namin inubos ko sa paghahanda ang natitirang oras ko. Nag skype kami ng mga kapatid ko pati na ni Kat. Nakakalungkot pero pilit ko itong nilalabanan para ipakitang matapang ako at kaya ko. Mabilis lang naman ang 2 years eh kaya kakayanin ko to. Para to sa pamilya ko, sa pangarap at sa pag momove on.

5:30 PM ay nasa airport na kami.

"Paano po, hanggang dito nalang siguro kayo?"

"Oo nga anak. Di naman kami pwedeng pumasok diyan eh." Sabi pa ni Mama.

"Mag ingat ka doon ha? Andun naman yung pinsan mo kaya may kakasama ka dun."

"Opo pa. Mag ingat din kayo dito ha? Wag kakain ng mga bawal. Okay po?"

"Syempre naman anak. Healthy living na kaya kami ng Mama ko."

"Very good. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Niyakap ko silang pareho.

"Mama naman eh, umiiyak kaba? Sabi ko namang walang iiyak diba?"

"Di ako umiiyak no! Napuwing lang kaya ako." Palusot pa ni Mama.

Pilit kong nilalabanan ang luha ko hanggang sa tumalikod na ako para pumasok. Kasabay ko ang mga kapwa trainee ko na nag-iiyakan din. Mas lalo tuloy akong naiiyak eh.

Ito na, wala ng atrasan to. Ready na ako sa bagong buhay na haharapin ko. I'm ready to change to the better. Kailangan kong mag bago para sa susunod ay hindi ko na magawa ang mga maling decisyon na nagawa ko ngayon.

Pangako ko sa sarili ko na pag nagmahal ulit ay magiging matapang na ako. Yung hindi na ako matatakot sabihin ang nararamdaman ko. Mahirap mahiwalay sa taong mahal mo lalo na kapag wala kayong closure. Mahirap siyang kalimutan lalo na pag siya ang unang taong nagparamdam sa iyo ng ganito. Hindi man siya ang una kong minahal pero masasabi ko ngayon na sa kanya ko naramdaman ang ganito kalakas na pag-ibig. Yung nga lang, ganito kalakas pero ganun din ka duwag ipaglaban ang isa't isa. Sabi pa nga sa kanta, we have the right love at a wrong time. Oo, malungkot pero wala namang mangyayari kung puro lungkot at sakit ang ipapa-iral ko sa sarili ko eh.

Aalis ako ngayong dala-dala pa ang sakit at pangungulila sa kanya pero sisikapin ko na sa pagbalik ko ay nahilum na ang sugat sa aking puso.




Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon