Alexis1 year later
📞 "Hello? Lex?"
"Oh kuya?"
"I will just remind you na bukas na yung meeting natin sa may ari ng lupa."
"Opo, alam ko po. Bukas 1:00 PM."
"Good. Pag na approve na, kuha kana agad ng business permit. Okay?"
"Opo. Pupunta kaba ngayo dito?"
"Hindi na, bukas nalang. Maaga pa ako darating diyan."
"Okay, sige."
"Alright. Nasa duty kapa ba ngayon?"
"Opo"
"Oh sige na, bye na. Kita nalang tayo bukas."
"Sige po. Bye kuya." 📞
Bukas na kasi ang meeting namin sa may ari ng lupa na bibilhin ko para pagtayuan ng business kong car parts and accessories. Kasama ko naman si kuya dito tsaka si Hazel. If maging successful to, ito na ang 2nd branch ng business namin. Meron din kasi nito si kuya sa Laguna kaya ako naman dito sa Parañaque.
Ito na ang pinagkaabalahan ko simula ng naging single ulit ako. Hindi din naging madali sa akin ang mga pagdaan ng araw. May mga gabi pading naiisip ko si Sab. Matagal tagal din akong umiyak sa bawat araw na namimiss ko siya.
Hinahanap ko siya pero wala parin talaga akong balita sa kanya hanggang ngayon. Pinipilit ko si Kat na sabihin sa akin kung nasaan si Sab pero ayaw parin eh. Binilinan daw siya ni Sab na wag sabihin sa amin kung nasaan siya. Minsan nagkikita parin kami ni Kat at sumasama siya sa amin lumabas. May business din kasi silang tatlo ni Nicole at Cass eh. Isang clothing boutique and online shop. Paminsan minsan nalang din kami lumalabas kasi kung hindi trabaho eh business ang inaatupag namin. Minsan, may mga one night stand din pero hanggang doon nalang naman yun eh. Gumraduate na si Vince, yung boy next door na kalandian ko dati at sana abroad na siya ngayon.
Matigas si Kat. Kahit mag makawaa ako sa kanya kung asan si Sab eh ayaw talaga niyang sabihin. Nag promise daw siya sa bestfriend niya kaya bawal talaga. Muntik ko na ngang hanapin si Sab sa buong Zambales eh, pero pinigilan lang ako nila Cass. Pinaintindi nila sa akin na hayaan nalang daw ang tadhana ang magtagpo sa amin ulit kung para daw ba talaga kami sa isa't isa. Kaya ayun, sa awa ng Diyos eh nakapag move on din ang lola niyo.
Papunta ako ngayong Condo nila Hazel kasi may isang salo-salo. Birthday kasi niya at mag didinner lang kami.
6:30 PM ng dumating ako sa kanila. Wala pa si Cass at kaming tatlo palang ni Nicole yung tao.
"Happy birthday to youuuuuuuu!" Bati ko kay Hazel sabay yakap.
"Thank you!"
"Tanda mo na! Hahahaha. Asan na sila Cass tsaka Kat?"
"Si Cass papunta na. Hindi nagrereply si Kat eh." Sagot ni Hazel.
"Baka di na pupunta yun Lex, natatakot na kulitin m ulit tungkol kay....." Sabi naman ni Nicole.
"Oooooooppppss! Wag mo nang sabihin, baka may mag drama na naman dito." Dugtong pa ni Hazel.
"Sus! Ni Sab? Hahaha tagal na nun! Nakapag move on na kaya ako."
"Yan naman pala eh!!! Balita ko, may FA na umaaligid sayo ngayon ah!" Sabi ni Nicole
"Hahahahahha si Joey?"
"Joey ba pangalan nun? Nanliligaw sayo?"
"Oo, pero di ko sinagot!"
"Hahahahaha eh syempre, babae type mo eh!" Dugtong naman ni Hazel.
"Maliban dun, ang liit ng...."
"Uyyyyy!!! Hahaha ng alin? Hahahah!"
"Hayop ka! Di mo sinagot kasi maliit?! Hahahah ang manyak mo!" Sabi pa ni Hazel.
"One night stand lang naman yun kaya pinagbigyan ko yan!"
"Loko ka talaga! Binasted mo talaga kaagad?"
"Oo, kinabukasan. Hahahahah"
"Baliw ka talaga Lex. Hay nako!!!!! Hahahahahahahhah!"
Habang nagtatawanan kami ay biglang dumating si Kat at kasama ang boyfriend niya. Lahat kami ay nagulat.
"Kat!!!!!"
"Happy birthday Haze. Si Kenneth pala, soon to be husband ko." Sabay pakita ng kamay niya na may singsing.
"Ikakasal na kayo?!!!!" Gulat kong tanong sa kanya.
"Exactly." Excited niyang sagot.
Nagulat kaming lahat at naging masaya para sa kanya.
"Wow! It's a double celebration!"
"Kailang ang kasala?"
"In about six months. Hindi pa kami nakapag decide kung saan pero dito lang sa Manila at hindi out of town so wag na wag kayong mawawala!"
"Of course!"
After a few minutes ay dumating na si Cass at agad na kaming kumain. Todo interview naman si Nicole at Cass kay Kenneth habang magkausap naman kami nila Hazel at Kat.
"Wait! So if ikakasala ka, meaning andun si Sab. Uyyyy magkikita sila ni Sab." Tanong ni Hazel sabay asar sa akin.
Hindi alam ni Hazel na kanina pa nasa isip ko yan.
"Yan pa nga ang pinag uusapan namin eh. She's very busy at baka hindi siya makapunta."
"Ay sayang! Pero gagawa ng paraan yan para maka attend"
"Nasaan ba talaga si Sab? Hanggang ngayon ba hindi pa talaga pwedeng malaman? Nakapag move on na naman ako ah, sigurado ako na siya din."
"Hindi nga pwede. Malalaman mo yan pag kayo na talaga ang magkita sa huli."
"Paano kami magkikita eh ayaw mong sabihin."
"If youre destined na magkita, magkikita talaga kayo." Sagot pa ni Kat sa akin.
"Alam ba niyang wala na kami ni Diane?"
"Hindi, never akong nag kukwento sa kanya ng tungkol sayo."
"Hayyy nako. Fine. Di na ako mamimilit."
"Ang sabihin mo, di kapa nakapag move on!" Asar pa ni Cass sa akin.
"Baka nga Cass. Hahahahah" Dugtong pa ni Kat.
"Naalala ko, di lumalabas ng kwarto tapos iyak ng iyak! Hahahaha"
"Uy ano ba! Tapos na yun! Okay na ako now. Nakapag move on na ako."
"Talaga lang ha! Hahaha!"
"Oo naman! Kumain na nga kayo."
Matapos naming kumain ay nagsiuwian na ang lahat. Habang nasa kotse ako at pauwi ay di na naman mawala sa isipan ko si Sab hanggang sa bahay.
Agad akong naligo at inayos na ang kama ko ng maka higa na. Hindi pa ako dinadalaw ng antok so I decided na mag Facebook muna. I was just scrolling ng makita ko ang throwback photo na pinost ni Cass. Nasa bar kami at sobra kong wasted. Doon ko naalala na naglasing pala kami ng time na yun dahil kay Sab. Dahil na mimiss ko siya at gustong gusto ko siyang hanapin at makita.
Hindi ko alam kung bakit may kurot parin sa puso ko kapag naalala ko siya. Ang tagal na ng nawala siya pero fresh parin ang mga alaala niya sa isip at puso ko.
~~~~~
Goodevening po. ♥️
Okay ba kayo diyan?
Btw, favorite ko yung song. Hihihi
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomansaYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...