Sab
"Hindi ko alam kung bakit siya ganun ka cold sa akin. Nakakainis na!"
"Baka naman nagseselos?" Sagot naman Kat habang na mimili ng pwedeng ibigay kay Hazel. Siya kasi ang nabunot nito sa aming exchange gift.
"Bakit naman yun magseselos? Siya nga ang may gusto nito diba?"
"Eh baka na fall na sayo girl?"
"Posible ba yun?"
"Oo naman no? Diba nga sabi mo may past siya sa isang girl?"
Bigla akong napaisip at napatigil.
"Oh? Diba posibleng mangyari yun?" Sabi pa ni Kat.
"Siya iniisip mo no?" Dugtong pa nito.
"Hindi no! Iniisip ko kung anong magandang ibigay sa kanya." Sagot ko naman.
Si Alexis kasi ang nabunot ko kaya gusto ko maging special ang ireregalo ko sa kanya.
"Kunwari kapa. Basta sure na sure ako, may gusto sayo yan! Halata kaya sa mga effort niya sayo. Di mo ba nakikita?"
"Eh ganun naman siya sa mga friends niya ah. Ayokong mag assume kaya tumigil ka!"
"Tinanong mo ba siya kung may nagawa kang mali?"
"Oo, wala naman daw. Wala naman talaga eh."
"Eh di kung wala nag seselos na talaga yun!"
"Alam mo Kat, nakakainis kana eh. Bat mo ba pinagpipilitan eh wala naman talaga!"
"Alam mo Sab, ang manhid mo rin eh no? Bahala ka kung ayaw mong maniwala!"
Biglang nag flashback sa isipan ko ang halik ni Alexis at ang kuryenteng dulot nito sa akin. Gusto kong maniwala kay Kat na baka nga nagseselos siya dahil kami na ni Lance pero nangingibabaw pari ang tanong na bakit. Bakit pa niya kami pinakilala ni Lance kung gusto niya naman pala ako? Ang gulo ng isip ko pati na ng puso ko.
Habang nasa counter si Kat para bayaran ang binili niya ay napansin ko ang napakaling teddy bear. Naalala ko tuloy ang teddy bear ni Alexis na mahal na mahal niya. Naisipan kong ito ang ibigay sa kanya pero ang laki naman yata masyado. Bago ako nag desisyon ay nilapitan ko muna si Kat para ikonsulta ang plano ko.
"Ha? Paano ma naman dadalhin yan eh sobrang laki naman niyan!" Gulat na pagkasabi nito.
"Eh ang cute eh."
"Wala bang medyo maliit lang? Yung handy?"
"Gusto ko tong malaki. Kasya naman to sa taxi eh."
"Eh bakit teddy bear? Para naman kayong mag jowa niyan!"
"Mag jowa agad? Mahilig kasi siya sa teddy bear."
"So paano mo ibibigay yan?"
"Hindi ko ibibigay to sa exchange gift."
"Ha? Eh ano ibibigay mo sa kanya?"
"Iba nalang. Gusto kong ibigay to para sa christmas."
"Alam mo nakakalito kana ha! Ano ba talaga Sab?"
"Basta. Sige na tulungan mo kong buhatin to."
"Hay nako. Ewan ko nalang talaga."
Walang nagawa si Kay sa powers ko kaya tinulungan nalang niya akong buhatin ang malaking teddy bear.
Habang nasa taxi na kami ay tumawag si Lance para makipag kita. Nakiusap ako kay Kat na siya nalang ang mag uwi ng bear sa boarding house at magkikita pa kami ni Lance. Ilang oras lang naman siya dito eh at sasakay na naman ulit. Ayaw pa nitong pumayag pero wala na naman itong nagawa. Lakas ko talaga kay Kat.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
