89: Ocean eyes

1.6K 61 38
                                        


"Grabe naman yung titig mo diyan."

"Ang ganda mo dito. Para kang diwata."

Tinititigan ko kasi ang picture niya na naka frame sa pader ng kanya kwarto.

"Payat ko nga diyan eh."

"Di naman. Sexy nga eh. Ilang taon ka dito?"

"17 yata eh."

"Ang cute ng mga mata mo."

"Tama na nga kaka bola sa akin."

"Di kita binobola no! Akin na nga yang walis!  Tulungan na kita."

Tinulungan ko si Sab mag ligpit ng kwarto niya at tamang tama lang na tanghalian na kami natapos. Pagbaba namin ay handa na ang pagkain na niluto ng Mama niya.

"Timing, gutom na kami Ma."

"Halina kayo ng maka kain na. Tatawagin ko muna ang Papa mo."

Nauna kaming umupo sa mesa at hinintay silang bumalik para sabay na kaming kumain. Maya maya pa ay pumasok na silang dalawa.

"Anak naman, bat pinag ligpit mo ng kwarto mo tong kaibigan mo? Nakakahiya ka naman." Sabi pa ng Papa niya.

"Ay ok lang po Tito. Gusto ko nga po eh."

"Pasensya kana kay Sab ha?" Sabi pa ng Mama niya.

"Saan ka pala nag tatrabaho?" Tanong ng Mama niya.

"Sa NAIA po. Naka assign po ako sa security department."

"Aba magaling ah!"

"Thank you po. Tsaka may business din po akong car parts ang accessories."

"Ahhhhh. Kaya pala ang ganda ng set up ng kotse mo ha! Big time ka pala."

"Ay hindi po."

"Uy humble pa ha?"

"Di naman po. Kayo nga po eh, ang daming niyong customer. Sigurado magaling po kayo."

"Oo naman. Si Papa ang pinakamagaling na Mekaniko dito sa Zambales. Ibang customer nga niya eh out of town pa eh."

"Di naman masyado. Anak nga talaga kita. Hahaha!"

"Eh may asawa kana ba iha?"

"Ah wala pa po."

"Pareho pala kayo ng anak ko."

Natahimik kaming dalawa ni Sab ay sabay nag tinginan.

"Oh bakit?" Tanong ng Papa niya.

"Ma, Pa, siya po ang sinasabi ko sa inyo."

"Yung alin dun anak?" Tanong naman ng Mama niya.

"Yung pinagtapat ko po sa inyo dati sa airport bago ako umalis."

Biglang natigilan ang Mama at Papa niya sa pagkain. Kitang kita sa Mama niya ang pagkadismaya kaya nagsalita na ako.

"Alam ko pong hindi ito pangkaraniwan at marahil tutol kayo dito pero gusto ko pong malaman ninyo na mahal na mahal ko po ang anak niyo. Sana pa maintindihan niyo."

"Naririnig mo ba ang sarili mo iha?"

"Ma, hayaan mo muna siyang magsalita." Sabi pa ng Papa niya.

"I'm sorry po."

Tahimik lang si Sab sa tabi ko na parang kinakabahan.

"Kayo na ba Sab?" Tanong ng Mama niya.

"Hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Alexis Ma."

"Pero mahal mo ba siya?"

Hindi nakapagsalita si Sab at doon na ako kinabahan.

"Anak, gusto mo rin ba siya?" Inulit pa ng Papa niya.

"O-opo Pa."

Halos binunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang sinabi ni Sab.

"Kung nagmamahalan talaga kayo at masaya ka eh hindi na ako tututol. Ewan ko dito sa Papa mo."

Hindi ko napigilan at napangiti ako sa sinabi ng Mama niya. Gusto kong tumalon sa saya.

"Eh ganun din ako nak. Basta, ingatan mo tong princessa ko!"

"Opo Tito, Tita. Maraming salamat po. Maraming maraming salamat po."

"Oh siya. Kumain kana." Sabi pa ng Mama niya.

Gusto ko silang yakapin para malaman nila kung gaano ako kasaya ngayon. Sobrang saya ng araw na to.

Matapos kumain ay kaming dalawa ni Sab ang naghugas ng pinagkainan. Pinakita sa akin ni Sab ang mga photo album nila at tuwang tuwa naman ako. 4:00 PM ng nag paalam kaming aalis muna saglit at pupunta sa beach.

"Anong ngini-ngiti mo diyan? Baliw kaba?" Tanong ni Sab habang pa lakad lakad kami sa dalampasigan.

"Oo baliw. Baliw na baliw sayo."

"Sus! Ang corny!!!!!!"

"Ang saya ko Sab. Boto na sa akin ng parents mo!!!!!!!"

"Eh ano naman?"

"Edi completo na talaga. Boto sa akin ang parents ng girlfriend ko."

"Ha? Sinong girlfriend?"

"Ikaw!!!" ( Ano ba yan Sab )

"Sinabi ko bang tayo na?"

"Pero sinabi mo na mahal mo ko diba?"

"Hahahaha. Sinabi ko ngang mahal kita but it doesn't mean na tayo na."

Biglang nanlambot ang tuhod ko sa sinabi ni Sab. Parang gusto kong sumobsob nalang sa buhangin at magpa tangay sa alon sa sobrang hiya kaya tumahimik nalang ako.

Palakad lakat parin kami sa dalampasigan ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ganda ng sunset no?" Sabi nito.

"Mas maganda ka."

Ngumiti ito sa akin ng napakaganda habang nasisinagan siya ng palubog na araw. Lumakas ang tibok ng puso ko at gustong gusto ko ang nakikita ko ngayon. Parang merong buong kalawakan sa loob ng kanyang mga mata. Kung magiging dagat ang kanyang mga mata ay gusto ko ng magpakalunod.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon