Alexis
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana. Bigla akong nagulat ng na realize ko ang nangyari kagabi. Agad akong nagdamit at hinanap si Sab pero wala na ito. Napansin ko ang isang sulat na aking mesa at agad ko naman itong binasa.
Lex,
Sorry kung hindi na ako nagpaalam sayo. Ayoko kasing gisingin ka sa mahimbing mong pagkakatulog. I just want you to know that last night was really amazing. Matagal kong hinintay ang pagkakataong iyon. Hinding hindi ko ito makakalimutan. Wag mo ng asahan na magkikita pa tayo ulit. I know na hindi ako ang gusto mong makasama. Ramdam na ramdam ko na si Diane ang gusto mo. Isa lang ang hiling ko sayo, sana sa susunod na pagtagpuin tayo ng tadhana ay hindi kana takot para mahalin ako gaya ng pagmamahal ko sayo. Araw araw kitang ipagdarasal. Mahal na mahal kita Alexis. Ikaw ang una at huling babaeng mamahalin ko. Lagi mong tatandaan yan.
Sab.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mabasa ko ang sulat ni Sab sa akin. Agad ko siyang tinawagan pero unattended na ang cell phone nito. I tried to check her on social media pero hindi ko ito mahanap. Gusto ko siyang kausapin at ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi pa kami pwedeng magsama ngayon. Alam kong duwag ako pero ayoko lang din saktan si Diane.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cass.
📞 "oh? Napatawag ka?"
"Cass. Busy kaba? Punta ka naman dito sa bahay oh."
"Bakit? May problema ba?"
"Kailangan ko lang ng kausap."
"Okay. Sige, bihis lang ako." 📞
Lumipas ang isang oras at dumating na nga si Cass. Nadatnan ako nitong naka upo lang sa sofa at nakatungaga sa hangin.
"Uy! May problema ba?" Tanong nito sa akin.
"Si Sab."
"Napano si Sab?!"
Hindi ako sumagot at ini-abot sa kanya ang sulat na iniwan ni Sab. Agad niya naman itong binasa.
"Ano to?! Bakit ganito?! Ano bang nangyari?"
Ikinuwento ko kay Cass ang mga nangyari sa amin kagabi at hindi ito makapaniwala. Hindi maitimpla ang mukha niya sa sari-saring reaksyon sa mga sinasabi ko.
"So paano na yan?! Ano ba talaga Alexis? Sino ba talaga ang gusto mo? Sisasaktan mo silang pareho eh."
"Mahal ko Sab. Mahal na mahal ko si Sab."
"Edi kung ganun, iwan mo na si Diane. Bat mo pa to patatagalin?"
"Hindi ko kayang saktan si Diane Cass."
"Palagay mo ba hindi mo siya sinasaktan ngayon?!"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Sundin mo ang puso mo Lex."
"Ayaw na akong makita ni Sab eh. Akala niya mas gusto ko si Diane."
"Eh ang labo mo naman kasi eh. Bat ba ang duwag-duwag mo? Ha?"
"Ayoko lang silang paasahin."
"Sa palagay mo ba hindi pa paasa yan?! Wow ha!"
"Paano na si Diane?"
"Edi wala. Sino ba mas mahal mo? Tsaka hindi sila dapat pagsabayin gaya ng ginawa mo dati."
"Alam ko naman eh. Hindi ko na uulitin yun. Anong gagawin ko Cass??!!! Anong gagawin ko?!!!"
"You need to let go of Diane kung hindi naman siya ang mahal mo. Wag ganito. Mas magiging malala ang sitwasyon."
"Paano ko gagawin yun? Paano ko sasabihin? Ha?!"
"Edi tawagan mo. Kausapin mo ng kayong dalawa lang."
"Hindi ko kayang makita siyang umiiyak."
"Normal lang ang umiyak Lex."
"Bat ba kasi ganito lagi. Kaya ayaw kong naiinlove eh! Ang tanga ko talaga pag dating dito!"
"Nakakainis no? Sayang!"
"Anong plano mo?"
"Kakausapin ko si Diane pero dadahan dadahanin ko lang siya. Tapos kakausapin ko Sab."
"Kawawa naman si Diane."
"Kaya nga parang di ko kaya diba? Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko pa siya kailangang saktan?!"
"Diba mas masakit pag malaman niyang magkasama nga kayo pero iba pala ang mahal mo?"
"Hayyyyyy! Naguguluhan na talaga ako!"
"Tama naman yang desisyon mo na kausapin si Diane. At least di mo na pinatagal."
"Maiintidihan niya kaya?"
"Hindi ko ulam. Siguro. Pero parang hindi eh. Magagalit yun. Iiyak tapos maglalasing."
"Pinapalala mo naman eh!"
"Uy totoo yun no! Possibleng mangyari yun!"
"Maghahanap lang ako ng tamang tyempo."
"Ang hirap no? Pero kaya mo yan Lex. Just follow your heart."
Gusto kong umiyak ng malakas sa sobrang pagka disappointed ko sa sarili ko. Naiinis akong isipin kung gaano ako katanga pagdating sa mga ganitong bagay.
Huling beses na nangyari ito sa akin ay nawala ng sabay ang mga taong mahal ko. Ayokong maulit ang mga iyon kaya ngayon, pililitin ko ng mag desisyon ng tama. Hindi lang tama para sa akin kundi yung tama at ikabubuti naming tatlo.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
