4: Q & A

3.7K 94 0
                                    

Nagising sa ingay ng mga tao sa baba. Tiningnan ko ang relo ko at 7:15 AM palang pala.

Ang aga-aga ang ingay naman oh.

Napakamot ako ng ulo at nagtago ulit sa kumot.

"Anak! Gumising ka. Nandito ang Auntie Helen at Uncle Joel mo."

Si Auntie Helen ang twin sister ni Papa.  Kakauwi lang nila galing Canada.

"Opo, susunod mo ako sa baba. "

Agad naman akong bumangon, naghimalos na ako at nag toothbrush. Pagbaba ko ay sinalubong nila ako ng yakap.

Sobrang na miss ko silang dalawa. Sila kasi ang nag aalaga sa amin ni kuya dati habang nag tatrabaho si Papa buong araw. Marami ang dala nilang pasalubong sa akin kaya dali-dali naman akong umakyat sa kwarto at isinukat ang mga ito.

Habang nagsusukat ay napansin kong tumatawag na naman ang makulit at supladang babaeng to.

Sinagot ko ito pero hindi ako nag salita.

📞 "Hello? Good morning."

"Hello?"

"Miss nandiyan kaba?" Hello?"

"Naririnig ko po yung hininga niyo. "

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Obviously, I need my phone."

"Bat ba ang kulit-kulit mo?! Kunin mo nga dito sa Laguna."

"Fine! Fine! Hihintayin kitang umuwi dito sa Manila. I'm sorry if pinagbintangan kitang magnanakaw. I realized na kasalanan ko naman talaga kung bat ko nawala yang phone ko eh. I'm really sorry."

"Wow! Marunong ka palang mag sorry? Buti naman na realize mo no?"

"Oo na. Mataray na kung mataray pero sorry talaga. "

"Okay! Apology accepted. Wait, what's your name?"

"I'm..... I'm Jane."

"No you're not."

"Paano mo nasabing hindi?"

"Kasi pag Jane nga talaga ang pangalan mo hindi kana magiisip bago sumagot."

"Eh sa Jane nga eh!"

"Okay! Since ayaw mong sabihin ang totoo mong pangalan tatawagin nalang kitang Miss Mataray."

"Hay. Hindi naman ako mataray ah. I'm trying to be good."

"Dapat lang maging good ka talaga sa akin noh!"

"Oo na nga diba? Eh ikaw? Anong pangalan mo?"

"Minnie mouse."

"Hahahaha ano klaseng pangalan yan? Eh asan si Mickey mouse?"

"Oh diba nakakatawa pag di nasabi sayo ang tunay na pangalan?"

"Hay nako. Ewan. Taga Laguna kaba talaga? Bat ka nandoon sa alumni?"

"Oo, taga dito talaga ako pero sa Manila ang trabaho ko. Nasa hotel ako noon kung saan kayo may alumni kasi doon ako naka check in. Hindi ako kasali dun sa party niyo no. Kaya nga ako nasa lobby lang."

"Ahhhhhh kaya pala. Sorry ha? Hindi kasi ako sanay uminon kaya ayun nalasing ako kaagad. Di ko na naalala na may cellphone pala ako. Siguro nahulog yun sa bag mo."

"Oo nga. Napasama sa mga maruming damit ko. Eh ikaw? Saan ka nagtatrabaho? Taga Parañaque kaba talaga?"

"Sa Casino ako nag tatrabaho. Sa Okada. Taga Zambales talaga ako. Sa Parañaque lang yung boarding house namin."

"Ah okay. Maayos ka naman pala kausap no?"

"Oo naman. Mabait kaya ako. "

"Parang di naman. Pero ang cute ng boses mo no? Bagay na bagay nga sa mukha mo."

"Bakit nakita mo na ba ako?"

"Diba nga sabi mo ikaw tong nasa wallpaper mo?"

"Hahahah hindi ako yan!"

"Eh sino to? Ang labo mo naman. Sabi mo kanina ikaw to tapos ngayon hindi na naman!"

"Hahahahha Oo na. Ako yan! Siguro ikaw talaga ang masungit sa personal. "

"Uy hindi no! Mukha kaya akong anghel."

"Hahaha edi masungit na anghel."

"Kaloka ka! "

"Oh sige na Minnie mouse, kailan na ang best friend ko yung phone niya eh. Bye. "

"Wait! Ano ba talaga name mo? Sige na!"

"Ikaw muna. "

"Alexis."

"Okay. Bye Alexis. "

"Uy daya. Wag mo munang patayin. Ano nga pangalan mo?"

"Hello? Uy! Miss Mataray!"

"Hello?!!!!"

"Sabrina. Sab for short." 📞

At bigla niya nalang itong binaba.

Sabrina. Ang cute ng pangalan niya. Bagay nga sa cute niyang mukha. Hindi naman pala siya ganun ka taray eh. Palagay ko may tinatagong kabaitan din tong lasenggerang babaeng to.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon