23: Ouch!

2K 55 5
                                    

"Sabay na tayo mamaya?" Tanong ni Mike habang kumakain kami. Break time kasi namin.

"Ahhh- kasi Mike. Uhmm ano eh."

"May pupuntahan ka ba? Hatin na kita."

"Wag na. Makakaabala lang ako sayo niyan eh."

"Hindi ah. Alam mo naman na malakas ka sakin eh."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Pero ito seryoso ha? Kailan mo ba ako sasagutin? Let's make this official."

"Mike, alam mo naman na hindi pa ako ready sa isang relasyon diba? Kung anong meron sa atin, please makontento kana dun."

"Okay. I just can't help my self get jealous everytime may lumalapit sayo."

"Ano kaba? Nakalimutan mo na ba ang motto natin na make out - make out lang walang ma fa-fall?"

"I can't resist. You really are so good Sab."

"If you wanna have me, let's keep it this way."

"Hmp! Okay."

"Good boy."

"Wanna play in my place tonight?"

"Hmmmm. Depende sa mood ko mamaya. Excuse me."

Agad akong tumayo at pumunta ng rest room. Bwiset talaga na Mike na to, lakas lumandi sakin but it's fine. I like it though.

Duty mode na naman ako hanggang sa pag uwi ay naka buntot parin si Mike sa akin. Tamang tama, day off ni Kat at wala akong kasabay umuwi ngayon.

Pag out namin sa trabaho ay sasabay na akong umuwi kay Mike. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero bahala siya.

Habang naka sakay na kami sa kotse ay bigla kong naisip si Alexis at ang mga sinabi niya.

"Hey, ang tahimik mo naman."

"Pagod lang siguro ako Mike."

"Don't worry, I will massage you pag dating natin sa condo."

"Pwede bang umuwi nalang ako?"

"What? The night is young tsaka day off mo naman bukas eh. Chill muna tayo."

"Antok na ako eh."

"Edi doon kana matulog. Heto na tayo oh."

Pag dating sa condo niya at umakyat agad kami sa 5th floor kung nasaan ang room niya. Habang nasa elevator palang ay gumagapang na ang mga kamay ni Mike sa katawan ko.

"Ano ba! Can't you wait?"

"No, I can't."

Pagpasok palang ng condo niya ay nagulat siya kasi hindi ito naka lock.

"Surprise!"

"Hon?"

Naghihintay pala doon ang isang babaeng tinawag niyang "hon". Tama nga sila, may girlfriend nga tong lalaking to.

"What the fvck! Are you cheating on me! Kapal ng mukha mong magdala nf babae dito sa condo ko!"

"Wait let me explain!!!"

"At ikaw naman na kaladkaring babae ka! Wag mong landiin ang boyfriend ko!" Agad akong sinampal nito.

"Hon, No!!!! Let me explain!"

Hindi ko na natiis ang hiya ko ay tumakbo na ako at sumakay ng elevator pababa. Ginaga pa akong kabit ang gagong to! Halos ma ngiyak ngiyak nako palabas ng building at pumara ng taxi.

Truly, Madly, Deeply. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon