Pag gising ko tanghali na at nagsi-uwian na pala ang iba. Kaming tatlo nalang ni Hazel at Nicole ang natira at tamang tama na kumakain sila pagbangon ko.
"Sa sofa na pala ako nakatulog kagabi?"
"Uy, goodmorning! Hahahha Oo, eh pano ikaw lang umubos ng tequila natin." Paliwanag pa ni Nicole.
"Talaga? Kaya pala ang sakit sakit lang ulo ko ngayon."
"Masakit ulo mo? Eh yung puso mo?" Asar pa ni Nicole.
"Huh?!"
"Wala. Nevermind."
"Tamang tama may soup dito. Halika na. Kain na tayo oh." Yaya ni Hazel sa akin.
"Sila Sab umuwi na ba?" Tanong ko.
"Oo eh. Maaga silang umalis ni Lance kasama si Kat. Hindi kana nila ginising kasi sarap daw ng tulog mo. Tumutulo pa nga laway mo eh. Hahahha"
"Ang OA mo Haze! Hindi naman tumutulo laway ko pag natutulog ah! Eh si Cass?"
"Hahahaha akala mo lang yun! Si Cass kakaalis lang din."
"Ayoko na ng kumain. Uuwi na lang siguro ako. Sama ng pakiramdam ko eh."
"Sure ka? Nahihilo kapa ba?"
"Sakit ng ulo ko. Itutulog ko lang to. Pano, una na ako ha? Thank you sa lahat mahal ko kayong dalawa." Sabay yakap ko sa kanilang dalawa para magpaalam.
"Okay. Magingat ka sa pag dadrive ha?"
"I will. Bye guys."
Agad akong nagmadaling umuwi ng bahay. Pagdating ko ay naligo ako para tanggal hang over. Sobrang sakit ng ulo ko sa mga nainom ko kagabi. Matapos maligo ay umupo ako sa sofa at nanuod ng tv.
Biglang nag ring ang phone ko at si Sab ang tumatawag. Himala, naalala ako ng babaeng to.
📞 "hello?"
"Asan ka?"
"Huh? Bakit?"
"Basta. Asan ka?"
"Nasa bahay. Bakit nga?"
"Baba ka saglit please. Nandito ako sa cafeteria."
"Huh?! Seryoso ka? Pag ako pinagloloko mo Sab ha!"
"Please?"
"Okay. Andiyan na po!"
Nagmadali akong dumaba at nadatnan ko si Sab na may dalang napakalaking teddy bear.
"A-ano to????!?!!"
"Para sayo. Christmas gift ko. Sinadya ko talagang ngayon ibigay sayo para tayong dalawa lang?"
"Thank you ha? Bakit? Asan ba boyfriend mo?"
"Wala na. Kakaalis lang nga eh. Sorry hindi na kita nagising kanina pag alis namin ha?"
"Okay lang. Thank you talaga dito. Ang cute cute naman nito."
"Tapon mo na yung maliit mong teddy bear. Hahahha"
"Uy wag naman. Hahahha"
"Pagnamiss mo ako, yan nalang yakapin mo ha?"
"Sigurado yan."
"Oh, pano? Alis na ako ha? Dinaan ko lang dito yan eh. Babalik pa ako sa makati. Uuwi na kasi mamayang gabi sila mama."
"Ganun ba? Sige, salamat ng marami dito ha? Itatabi ko to sa pagtulog."
"Isipin mo nalang na ako yug katabi mo ha?"
"Wag na! Baka magalit pa boyfriend mo! Hahaha"
"Hahahah bakit naman?"
"Eh syempre, seloso kaya yun!"
"Hayaan mo siya! Hahaha. Sige na, bye na!" Paalam ni Sab sabay halik sa pisngi ko.
Hindi ako makapaniwala na nageffort siya para sa Christmas gift ko. Kinikilig tuloy ako pero hindi ko dapat bigyan ng ibang meaning to. Ayokong mag assume, masakit yun.
Agad akong bumalik sa taas at ipinuwesto si Saby sa kama ko. May kaagaw na naman ako sa kama pero okay lang.
Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang nararamdaman ko pagdating sa mga bagay na may kaugnayan kay Sab. Gusto kong labanan ang nararamdaman ko pero habang unti unti akong lumalayo ay ang puso ko naman ang humihila sa aming mundo para manatiling magkaugnay.
Ayokong maagrabyado. Ayokong maging talunan pagdating sa pagibig. Ayokong maranasan ulit ang naranasan ko dati lalo na ngayon na alam na alam kong hindi kami pwede ni Sab. Kung may gusto nga ako sa kanya eh ako na ang bahalang magtago nito. Sasanayin ko nalang siguro ang sarili ko na wala ng Sab. Wala ng Sab at Alexis na gaya ng dati. Buti pala at may Saby na ako ngayon, siya nalang mamahalin ko.

BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...