Months past matapos kaming mag kita ni Diane sa birthday ay madalas na kaming nag kakamustahan sa messenger. Minsan nag yayaya siyang mag kape pero pareho naman kaming walang time kaya hindi ma tuloy tuloy.Magkasama kami ngayon ni Hazel sa place kung saan kami mag tatayo ng shop namin. Marami pa kaming dapat ipa ayos bago kami mag open. Buti nalang ay okay na ang lahat ng permits namin.
"Matatapos kaya to in two months?" Tanong ni Hazel.
"Oo naman. Hindi naman masyadong complicated ang mga ipapaayos natin so I'm sure na di aabot ng 2 months to."
"Oo nga naman. Okay na balahat ng stocks?"
"Yep. Next week pala yung last delivery ng mga Mags tsaka seat covers natin."
"Mabuti yan. So ano? Kape muna tayo? Hinhintayin ko pa si Nicole eh. Magkasama kasi sila ni Kat now."
"Sige ba. Asan ba sila?"
"Nagpasama si Kat sa Garden Royale para sa food testing ang decoration yata. Ninang kasi ni Nicole yung may ari ng place kaya makaka discount si Kat."
"Wow! Cool. Buti naman kung ganun."
"Gusto mo doon nalang tayo mag coffee?"
"Buti pa nga!"
"Okay! Let's go."
Agad kaming nag tungo ni Hazel sa Garden Royale.
"Okay na pala kayo ni Diane?" Biglang napatanong si Hazel habang nag dadrive ako.
"Ah Oo. Nag usap na kami."
"Sabi nga din niya."
"Ano sabi niya??????"
"Na friends na daw kayo ulit. Kung sa bagay. Matagal narin naman yun eh. Nakapag move on daw siya."
"Oo nga eh. Naguusap naman kami minsan sa chat."
"So, di na ba talaga kayo magbabalikan?"
"Malabo ng mangyari yun nu!"
"Bakit naman? Single naman kayo pareho eh. Tsaka todo pa sexy at paganda si Diane now. Dami ngang nag kaka-crush sa kanya eh."
"Eh wala na talaga eh. Oo nga, mas lalo siyang gumanda ngayon."
"Di ka man lang ba natutukso?"
"Hahahahahaha bat naman ako matutukso? Ikaw talaga Hazel ha!!"
"Ahhhhhh. Okay. Si Sab parin siguro ang nasa puso mo?"
"Sab? Sinong Sab? Hahahahahahha"
"Ahhhhh so hindi mo na pala kilala si Sab ngayon? Ahahhaah edi yung babaeng pinagpalit mo kay Diane pero di na nagpakita. Hahahah"
"Uy grabe ka ha!"
"Bakit? Hindi ba? Hahahahha"
"Tinapos ko yung sa amin ni Diane dati kasi nga hindi ako deserving sa kanya."
"Whe?! Ang sabihin mo, si Sab talaga. Hahah!"
"Eh from the start si Sab naman talaga eh."
"Oh edi inamin mo rin!"
"Hahahahahah! Oo na!! Pero wala na ngayon yun! Wala ni isa sa kanila. Happy to be single ako ngayon."
"Happy kaba talaga?!"
"Hmmmm. Oo naman. Ayoko ng magmahal ulit Haze."
"Uy wag ganun! Malungkot yun!"
"Okay na yun. Nagkakanda leche leche kaya buhay ko pag nagkaka love life ako."
"Eh ikaw ba naman pagsabayin yung dalawang tao, syempre magkakanda leche leche talaga nu!!!!"
"Hindi ko naman ginusto yun! Ah basta!!"
"Hahahahha ewan ko sayo. Para kang bata! Hahahahha"
Maya-maya pa ay dumating na kami sa Garden Royale. Todo paghahanda na si Kat kasi next month sa ang kasal nito. Wala dito ang soon to be husband niya kasi nasa barko pa at this week narin naman uuwi.
Kitang kita na ang pagka excited ni Kat kaya todo supporta naman kami sa kanya.
"Di ba talaga uuwi si Sab?" Tanong ni Hazel kay Kat sabang tingin naman sa akin na parang nag aasar.
"Ewan ko sa babaeng yun!! Nagtatampo na talaga ako." Sagot naman ni Kat.
"Grabe naman. Kahit 2 weeks lang di ba talaga pwede?" Tanong naman ni Nicole. Ako naman ay tahimik lang.
"Oo nga naman. Wedding ng best friend niya tapos wala siya. Isa pa, may isa kasi dito na miss na miss na talaga siya oh." Sabay tingin ulit sa akin. Lakas talaga mang asar nitong si Hazel.
"Candidate daw siya sa promotion ngayon kaya nagpapa good shot sa boss niya. Bawal daw muna vacation leave."
"Awwwwwww. Sad naman niyan."
"Nakakainis nga eh!!"
Tahimik lang ako sa gilid habang pinag uusapan nila si Sab. Ayoko namang mabaling ulit sa amin ang topic kaya di na ako nagsasalita.
Maging ako din ay malulungkot if hindi siya maka uwi pero wala naman kaming magagawa eh. Kawawa lang si Kat kasi wala ang maide of honor niya.
Kung sakaling umuwi naman ay handa na ba akong makita siyang muli?
~~~~~~
Sorry po di ako nakapag update kagabi. Bawi ako now. 😙😙😙😙😙😙
The end is near!!! Hihihi
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
RomanceYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...