60: Walang pansinan

1.6K 44 7
                                        

Sab

Halos hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip kay Alexis at Diane. Oo, inaamin ko nag seselos ako. Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita silang naghahalikan. Ayokong isipin na nagsesex sila kagabi pero obvious naman sa naririnig namin. Gusto kong magwala at magalit pero hindi naman pwede eh. Nakakapagod din kayang magpanggap na walang pakialam.

Nauna kaming nagising ni Lance at nagtungo na sa dinning area para magbreakfast. Dahil wala pa sila Hazel at Alexis ay nagpasya kami ni Lance na puntahan sila sa kanilang kwarto at katukin para sabay na kaming mag breakfast.

Si Lance ang nagtungo sa room ni Hazel at ako naman sa room nila Alexis.

Kumatok ako ng tatlong beses pero wala sagot.

"Lex? Ian?? Gising na daw. Breakfast na daw tayo.

Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Alexis na puro chikinini ang dibdib at nakatakip lang nag kumot sa katawan.

"Ah-.. eh- kain na daw. Naghihintay na kami sa dinning area." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Okay, susunod nalang kami. Pasensya niya, medyo mainit kasi kagabi eh." Sabay ngiti nito sa akin habang pa kamot-kamot ng ulo niya.

"Alam ko. Di na kami nakatulog sa ingay niyo eh. Sobrang init ba? Magdamit kana!"

"Nako!! Sorry ha!!!! Nakakahiya tuloy."

"Para kayong mga pusa. Magbihis kana at kakain na."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot ay tumalikod na palayo.

Ilang minuto pa ay dumating na sila Hazel at Nicole sa dinning area at sila ni Alexis nalang ang kulang.

"Narinig niyo ba ang mga pusa kagabi? Ang iingay no? Hahahah!" Tanong pa ni Nicole.

"Oo nga Nics. Natatawa nga kami ni Sab kagabi sa mga naririnig namin sa kabilang kwarto eh. Hahahah"

"Tinawag niyo na ba sila? Baka hindi na makatayo si Alexis. Hahahah" Sabi naman ni Hazel.

"Eh pano, pinasobrahan talaga yata ni Diane eh. Hahahahah oh, ayan na pala sila."

Nagmamadaling lumapit si Alexis at Diane sa amin na naghihintay.

"Tagal niyo ah. Ikaw Diane ha!! Pinagod mo yata talaga tong kaibigan ko! Ang ingay niya kagabi ha!!" Asar pa ni Hazel sa kanila.

"Uy, hindi ako yun ah! Hahaha baka guni guni niyo lang iyon. Hahah"

"Ayaw pang umamin eh kilalang kilala na kita. Hahahaha. Oh, kumain kana, ito sabaw oh, para naman bumalik yang lakas mo at uuwi na tayo. Ahhahaha"

Halatang nahihiya silang dalawa sa kakaasar ni Hazel sa kanila.

Matapos kumain ay nagayos na kami ng mga gamit namin at naghanda ng umuwi.

Nauna akong mag ayos kay Lance kaya naisipan kong tumambay sa may dagat for the last time. Nakatitig lang ako sa alon ng may nagsalita.

"Mamimiss ko tong lugar na to."

"Nandiyan ka pala? Tapos ka nabang mag ayos ng gamit mo?"

"Tapos na. Si Diane naliligo pa kaya naisip kong tumingin tingin muna ulit sa dagat."

"Bumalik kana dun. Baka hanapin kana niya."

"Hindi, naliligo pa yun eh. Eto naman, bakit kapag lumalapit ako sayo eh pinapalayo mo ako?"

Hindi ko ito sinagot at tumalikod nalang paalis.

"Sab! Uy!! Kinakausap pa kita." Hinabol ako nito at hinawakan sa braso.

"Bitawan mo ako, baka hinahanap na ako si Lance."

"Sab naman! Bat kaba ganyan?!"

"Bitawan mo ako Lex, baka makita tayo ng girlfriend mo at magselos."

"Eh parang ikaw ang nagseselos eh."

"Kapal mo ha!! Bakit naman ako magseselos?! Diyan ka na nga!"

"Sab!! Sab ano ba?!"

Binilisan ko ang paglalakad pabalik ng kwarto. Nakita kong nakatingin sa amin si Diane pero hindi ako kumibo.

Habang pauwi ay patago akong kinakausap ni Alexis. Yung parang hinihinaan niya lang yung boses niya kapag kausap ako para hindi mapansin ni Diane.

"Sab? Galit kaba?" Tanong nito habang kumukuha kami ng bagahe sa airport. Hindi ko siya pinansin na parang wala lang akong narinig.

Kapag nagkakalapit kami ay kinakausap ako nito pero hindi parin ako sumasagot.

"Bat mo ako pinapansin? May sanabi ba akong masama?" Pabulong na pagkasabi nito sa akin.

Hindi parin ako kumibo at kumapit kay Lance kaya umatras ito.

Buong byahe namin pauwi ay hindi ko siya pinapansin kaya tumigil narin ito sa pagkausap sa akin. Mas ng focus nalang ako kay Lance hanggang sa pagdating namin.

Gabi na ng dumating kami sa Manila so kanya kanya na kaming sakay pauwi. Hanggang sa paguwi ay hindi ko parin pinapansin si Alexis. Ayoko lang naman magselos ang girlfriend niya eh kaya bahala siya.

Truly, Madly, Deeply. Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon