Alexis
Bukas na ang kasal ni Kuya kaya masyadong busy na ang lahat sa pag hahanda. Syempre ako ang weeding organizer at lahat-lahat na. Gusto kong maging perfect ang araw na ito para ka kay Kuya at sa mapapangasawa niya. 7 years na sila ni Ate Anj bukas at ito narin ang araw na napili nilang mag pakasal. Mabait si Ate Anj at magkasundo kaming dalawa mula pa ng bata pa ako.
Dito sa bahay gaganapin ang reception ng kasal nila kaya todo linis at paghahanda. Ancestral house namin ito kaya malaki ang space para sa reception.
Sa sobrang busy ng araw na to hindi ko parin maalis sa isip ko ang babaeng nakakausap ko sa phone. Hindi ko mapigilang hintayin ang tawag niya. Nag eenjoy kasi ako pag kausap ko siya. Maliban sa maganda ang boses niya ay nakaka-aliw siyang mag kwento. Sana tumawag siya ulit mamaya.
Hapon na ng natapos kaming mamili sa tindahan ni Auntie. Paguwi sa bahay ay agad kong tinignan ang phone niya pero wala paring tawag. Hanggang sa mag gabi na at naka higa na ako sa kama. Habang nag so-scroll down ng news feeds ay nag ring narin sa wakas ang phone niya.
Isang ring palang ay sinagot ko na kaagad.
📞 "Hi !"
"Bilis sumagot ah. Kamusta phone ko?"
"Ok naman. Kakacharge ko lang."
"Very good ah. Thank you."
"Welcome po. Ako? Di mo kakamustahin?"
"Hahahahha okay! Sige! Kamusta po kayo?"
"Hmmmmm. Pagod."
"Pagod saan?"
"Sa kakahintay ng tawag mo!"
Pinigilan ko ang tawa ko matapos kong sabihin sa kanya yun. Ang korny ko!
Natahimik siya sa kabilang linya.
"Oh? Biro lang yun! Eto naman!"
"Ah- hehe. Oo alam ko naman."
"Ikaw naman natahimik ka kaagad."
"Eh- kasi... di lang ako sanay."
"Di sanay sa?"
"Sa ganito. Ah basta."
"Bakit ano bang problema?"
"Wala. Kain kana?"
"Tapos na kanina pa. Ikaw?"
"Tapos narin. Sakit nga ng paa ko kakatayo kanina. Sarap magpa massage."
"Uy mahilig ako magpamassage."
"Talaga? Pero marunong kabang mag massage?"
"Medyo. Sabi naman nila."
"Whe????"
"Oo nga. Sila may sabi nun noh!"
"Sige na nga lang. hahahahha"
"Sino pala si Kat?"
"Best friend ko. Bakit?"
"Wala na curious lang. hhehe. Ano pala mga hilig mo?"
"Hmmmmm. Mahilig akong kumain. "
"Yun lang?"
"Ahmm mahilig akong mag swimming. Gustong gusto ko ang dagat. Gusto ko rin ng night sky. Iba kasi yung feeling pag nakatingala ako sa mga bituin eh. Parang ang sarap puntahan."
"Wow! That is what exactly I wanted. Gustong gusto ko rin ng dagat at mag star gazing."
"Talaga? Nakakatuwa naman, pareho pala tayo. Ano pa ibang hilig mo?"
"Mahilig akong lumabas, party, goodtime with friends. Gusto ko ng music pero minsan gusto ko tahimik lang. "
"So party girl ka pala?!"
"Di naman masyado! Bakit ikaw?"
"Di rin masyado, pag free time lang at pag may nag yayaya lang."
"So good girl ka pala?"
"Oo naman no! Dapat lang good girl talaga."
"Oo nga naman. By the way, saan mo kukunin tong phone mo?"
"Depende. What time ba out mo?"
"4 PM. Ikaw?"
"10 PM nga diba?"
"Ay oo nga no? Sige ganito nalang, hatid ko nalang sayo sa casino pag out ko."
"Okay lang sayo?"
"Oo naman, malapit lang naman yung Okada eh. Hanapin nalang kita dun?"
"Pwede mo ring iwan mo nalang sa guard."
"Okay. Sige. Sa monday pa balik ko eh."
"Monday? Day off ko yan eh."
"Edi mabuti. Mag meet up nalang tayo sa mall or kahit saan."
"Pwede rin. Saan ba gusto mo?"
"Depende. Basta sa malapit lang. Baka ma stuck ako sa traffic eh. Anong oras kaba free?"
"Anytime. Wala naman akong trabaho eh."
"Sige, tawag ka nalang sa monday morning para mapag planuhan natin. Ayos ba yun?"
"Ayos na ayos yun! Sige magpahinga kana diyan at matutulog narin ako. "
"Okay sige. Sleep well. Good night Sab."
"Goodnight. Sweetdreams Alexis. Bye!" 📞
Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti ng babaeng to pero gustong gusto ko ang kung anong bagay na nararamdaman ko ngayon.
Biglang nawala ang pagod ko at sumigla ang pakiramdaman ko kaya umakyat ako sa bubong para tignan ang mga bituin. Yung isang bintana ko kasi dito sa kwarto ay pwedeng daanan papuntang bubong at yung isang bintana naman ay naka harap sa gate.
Nag timpla ako ng gatas at naka upo lang sa bubong habang nagpapatugtog ng paylist ko. Sarap talaga ng buhay pag nandito lang ako sa bahay. Malayo sa stress at nakakarelax ang environment.
Ito ang unang gabi na aaminin ko sa sarili ko na kinilig habang kausap ko siya. Hindi ko mapigilan, talagang ang lakas ng tama.
~~~~~~~~~
Close my eyes
Let the whole thing pass me by
Risk no time to waste asking why.
BINABASA MO ANG
Truly, Madly, Deeply.
Storie d'amoreYou come over unannounced. Hindi ko man lang na mamalayan na dahan dahan na pala akong nahuhulog sayo. Silence broken by your voice in the dark. I need you here tonight just like the ocean needs the waves. I can't even save myself from drowning tr...
